"Nandito na tayo." sabi ni San Gabriel at nauna nang bumaba sa ulap, pagkababa ko. Literal na bumuka nang malake ang bibig ko. Halos lahat nang nandito gawa sa ulap! Ang ganda! Puro white ang kulay na nandito.
"Waaaahhh!! Ang ganda ditoooo!!" Masaya kong sabi. Tumingin ako kay San Gabriel at nakitang nakatingin sya sakin, pero binaling nya agad sa ibang dereksyon ang tingin nya.
"San Gabriel! Bakit daw ako kailangan dito?" Tanong ko sa kanya. Nagsimula na syang maglakad kaya sumunod ako sa kanya.
"Hindi ipinaliwanag sakin ng Seven Heaven. At tawagin mo nalang akong Vin. Vincent San Gabriela ang pangalan ko." Sagot nya. Napa tango ako at tumingin nalang sa paligid. Wooooohhh!! Ang ganda talaga ditooo!
|| Vin ||
Ano bang meron dito sa babaeng to? Tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan sya. Aliw na aliw sya dito sa Heaven's Hill. Tingin sya nang tingin sa paligid.
Bakit sya pinapatawag ng Seven Heaven? Wala pang pinapatawag na mages ang Seven Heaven sa buong buhay ko. Pati ang mga ninuno ko walang alam. Kaya bakit?
"Vin!" Tawag sakin ni Ms. Fierre, huli na nang mapansin ko ang pader na nasa harap ko at bumungo ako don. Buti nalang talaga ulap to at malambot. Kundi baka madungisan ang gwapo kong mukha.
Lumapit sakin si Ms.Fierre at tinulungan akong tumayo. "Thanks. Ms. Fierre" sabi ko. Ngumiti naman sya sakin kaya napaiwas ako nang tingin. Sh*t! Ano ba to?
"Cyan nalang ang tawag mo sakin. Cyanelle Vyra Fierre ang buo kong pangalan" sabi nya kaya bigla akong napatingin sa kanya. Cyanelle Vyra Fierre? Bakit parang narinig ko na yung pangalang yon?
********
"Anak. Tandaan mo ang pangalang Cyanelle Vyra Fierre. Dahil sya ang----"
********
"Vin!" Pagtawag ulit sakin ni Cyan, tumingin ako sa kanya.
"Bakit?"
"Saan na ba tayo pupunta?" Tanong nya, tumingin ako sa paligid namin at tinuro ang pintong ulap sa dulo.
"Doon. Ikaw nalang ang pumunta. May aasikasuhin pa ako." Sabi ko, ngumiti sya at umalis na. Tumalikod ako at naglakad na paalis pero nilingon ko sya sa likod na pumapasok sa pintong ulap.
Pumunta ako sa sarili kong kwarto dito at pumunta sa harap nang litrato na nasa isang ordinaryong lamesa. Isang litrato. Ang hari na may hawak na bata at papasok sa isang portal. Nakuhanan sila nang isang tao bago tuluyang mawala.
Ang nawawalang prinsesa at ang itinakda para sa korona.
Binalik ko sa lamesa ang litrato at lumabas. Pumunta ako sa pinto na itinuro ko kay Cyan at kumatok.
"Pasok." Narinig kong sabi ni Nick. Nicheolus. Descendant of Zeus.
Pumasok ako sa loob at nakita silang lahat kasama si Cyan.
"Anong kailangan mo Vin?" Nakangiting tanong ni Grix. Grixon. Descendant of Hades.
"May itatanong lang sana ako." Sabi ko. Tinaasan naman ako nang kilay ni Sreina. Sreina. Descendant of Aphrodite.
"Ano ba iyon?" Tanong ni Aqua. Aquarhyme. Descendant of Poseidon.
"Bakit nyo ho sya pinatawag?" Tanong ko. Tukoy kay Cyan.
"Hindi mo maaaring malaman. Pasensya na." Paumanhin ni Alyhea. Alyhea. Descendant of Athena.
Naiintindihan ko sila. Pero bakit? Oo na makulit na ako! Pero di ako matatahimik!
"Hay nako! Makulit yang si Vin! Kaya dapat sabihin nyo nalang!" Sabi ni Hiro. Hiroimi. Descendant of Hercules.
"Hay nako Hiro! Kampi ka naman sa kanya eh!" Nakangusong sambit ni Deira.Deirazell. Descendant of Hera. Sister of Zeus.
Tahimik lang si Cyan. At nakatingin sa kawalan. Lutang ang isip in short. Parang may nalaman syang importante, mas importante pa sa kagwapuhan ko. Ngayon mas gusto ko sya--- este! Mas gusto kong malaman kung bakit sya pinapunta dito.
At kung bakit sya pa ang kailangan ko para makuha ang gusto nang ama ko.
___________________
END
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasyA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...