Simula nung training namin kasama ang royalties madalas nang sumakit ang mga mata ko at hindi ko alam ang dahilan kung bakit. Wala naman akong sore eyes, hindi din ako kinagat nang ipis. Ewan ko kung ano na ang nangyayari sakin.
Nandito ako ngayon sa dorm, wala kaming klase dahil may importanteng pinagu-usapan ang mga teachers. Kaya eto ako, nakahiga sa kama. Walang magawa. Ang boriiiingg! Ano bang pwedeng gawin? Bukod sa magbasa nang wattpad.
Napa-bangon ako nang muling sumakit ang mata ko. "Ano ba naman to?" Sabi ko at pumunta sa harap nang salamin. Pinikit ko ang mga mata ko at nag-intay nang konti bago dumilat. At i swear pagkadilat ko nanlaki agad ang mga mata ko.
"Anong nangyare sa mata kooo?!?!" Gulat kong sigaw. Hala! Nag-iba yung mga mata ko! Aaminin ko maganda sya, pero! Heck bakit ganto to? Yung kanan ay parang galaxy lang pero yung kaliwa may hugis nang star. Kaya pala gulat na gulat sina Leira non eh! Sumakit ulit ang mata ko kaya pumikit ulit ako at pagdilat ko bumalik sa dati ang kulay nang mga mata ko.
Napa-isip ako. Bakit ba nangyayari yon? Tsk! Saan ko ba pwedeng malaman kung ano yon at bakit may ganon ako. Medyo matagal akong nagisip hanggang sa maisip ko ang library. Ang tange ko naman! May library pala dito!
Dali-dali akong lumabas nang dorm at nilock yon para walang makapasok. Tsaka ako nagpunta nang library, wala masyadong estudyante dito sa hallway kaya madali akong nakapunta sa library. Pagdating ko doon ay nagulat ako. Ngayon lang ako nakapunta nang library dito at masasabi kong gusto ko na dito. Pano ba naman pagpasok ko ay lumilipad na libro ang sumalubong sakin buti at nakailag ako.
Pumunta ako kung nasaan ang librarian at nakita kong nagbabasa sya nang libro don. Nang nasa harap nya ako ay ngumiti sya, "ano ang maipaglilingkod ko sa iyo iha?"
"May libro po ba kayo tungkol sa mga mata?" Tanong ko dito. Ngumiti naman sya kaya nakita ko ulit ang kanyang mapuputing pantay-pantay na ngipin. Mag-kapatid ata sila ni Khen dahil sobrang hilig nyang ngumiti.
"Ah! Nasa may gitna sa kaliwa." Sagot nya at ngumiti ulit. Tumango ako at nagpasalamat sa kanya saka ako pumunta sa tinuro nya, medyo ilag ako nang ilag dahil sa mga librong nalipad. Seryoso? May oras ba na tumitigil sila sa paglipad?
Nang makapunta na ako sa tinuro ni ateng librarian ay hinanap ko ang libro tungkol sa mata. Nagsimula akong maghanap sa kanan papuntang kaliwa habang yung kamay ko lumalapat sa bawat libro. Tumigil ako nang mahanap ko ang hinahanap ko. Kinuha ko ito sa shelf at tiningnan ang cover. Black na may gold letterings.
The Eyes of Wonders
Umupo ako sa isang upuan at binuklat ang unang page. Parang sa cover lang nakalagay 'The Eyes of Wonders' . Mabilis kong nilipat ang bawat page hinahanap ang kaparehas nang mata ko kanina.
'Blazing eyes' No.
'Eyes of Honesty' Not.
'Galaxeyes'
Napatigil ako sa page na Galaxeyes, kaparehas nang mga mata ko kanina. Binasa ko kung ano ang nakasulat sa baba neto.
'Galaxeyes'
'The Eyes of a powerful Celestial Mage, it's either born with or passed on to.
Since Celestial Mages are the weakest kind of Mages,
Only little can have these pair of eyes.
The one that holds these kind of eyes can control all celestial objects.
Such as galaxies, consallations, stars, and other things related.
The most powerful attack of the Galaxeyes is 'Celestial Explosion'
It means that every celestial beings will gather and hit a certain target
But we must warn you. If the Celestial Explosion is performed wrong,
The explosion will happen at the Eyes. Killing the mage. So perform it well.'Pagkatapos kong magbasa ay nangilabot ako. Seryoso? Mamamatay ako? Parang ayoko na.
Binalik ko sa shelf kung saan ko nakuha ang libro at madaling lumabas nang library at pumunta sa dorm.
Someone's POV
Tinanaw ko ang kailangan kong patayin na galing sa library. Parang hindi ko kaya dahil naging malapit ako sa kanya. Pero kailangan.
Nakaramdam ako nang presensya sa likod kaya nilingon ko ito at nakakita nang isang pamilyar na mukha.
"Ikaw?" Gulat kong tanong. Bakit sya nandito?
"Oo. Ako nga." Sabi nya.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Alam kong may dahilan kung bakit sya pumunta dito, hindi yan pupunta dito kung walang dahilan.
"Hindi ko hahayaan na mapatay mo sya." Seryoso nyang saad. Humarap na ako nang tuluyan sa kanya.
"Hindi moko mapipigilan dahil utos ito" sabi ko sa kanya. Ngumisi sya at natigilan ako sa susunod nyang sinabi.
"Hindi lang ako ang magpo-protekta sa kanya, kilala ka nang kapatid ko at hindi nya hahayaang may mangyari sa aking mahal" sabi nya at naglaho sa paningin ko. Tumingin ako pabalik kaso wala na ang target ko don, kundi ang isang taong kilala ko. Ngumisi ako.
"Talaga ba Dark? Pipigilan nyo ko nang kapatid nyo?" Ngisi nyang sabi at umalis doon.
______________________________________
END
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasíaA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...