Chapter 20- I'm the prophecy?

6.2K 150 4
                                    





Pumasok ako sa silid na tinuro sakin ni Vin kanina. Pagpasok ko ay namangha parin ako, may pitong tao na nakaupo sa isang pabilog na mesa tapos malalaki sila. Literal meaning! Haanglakee nila!! Mga 9 footer siguro?




Natigilan sila sa pagu-usap nang nakita nila akong pumasok. Tumikhim ang isa sa kanila. Lalake na may crest na bolt. Lightning bolt.


"Ehem. Have a sit." Turo nya sa upuan na ulap na bigla nalang lumitaw sa harap ko. Umupo ako don at tiningnan lahat sila. Ang ganda at ang gwapo nila! Sheems! Parang Greek Gods at Godesses lang!



"Bakit nyo ho ako pinatawag?" Magalang kong tanong.





"Dahil ikaw ang nasa propesiya." Sabi noong may crest na trident ni King Triton sa Little mermaid.





Kununot ang noo ko. Prophecy? Yung the crown? Oh? Anong meron?





"Po?"





"Ikaw. Ikaw ang nasa propesiya. Ikaw ang itinadhana sa korona." Sabi nang may heart na crest.






Nagulat ako. Ako? Ako ang p-propesiya? T-teka! Baka nagkamali lamang sila! Imposibleng ako yon!






"Hindi kami nagkamali. Ikaw ang nakita namin sa isip. " sabi ulit nang may lightning bolt, may kumatok sa pinto at pinapasok nya.





Naririnig ko silang nagu-usap pero wala don ang isip ko. Hindi ito maari, imposible talaga na ako ang propesiya! Ke-bago bago ko lang dito eh! Wala pa akong masyadong alam sa mundong to tapos ganito na!





May tumapik sa balikat ko. Paglingon ko ay si Vin na nakangiti. Kahit gaano pa sya ka-gwapo mas matindi pa din ang nalaman ko.






"Tara na?" Ngiti nyang yaya. Unti-unti akong tumayo sa pagkakaupo at sumunod sa kanya palabas, pero nang nasa may pinto na kami ay tinawag ulit kami nang pito.




"Vin." Tawag nung may lightning bolt. Lumingon kaming dalawa sa kanila.





"Ang sagot sa tanong mo. Sya ang nasa propesiya kaya namin sya pinadala dito. Ngayong alam mo na, maari mo ba syang protektahan?" Tanong nya.




"Makakaasa ho kayo sakin Seven Heaven. Paalam." Bow ni Vin at umalis na. Sumunod ako sa kanya sa paglalakad.






Tahimik kaming naglalakad palabas. Nang nasa labas na kami ay nandoon parin yung ulap na sinakyan namin. Inilahad nya ang kamay sakin at tinanggap ko naman iyon at pumasok na. Sumunod sya.








Nang lumipad na ang ulap ay tahimik sa loob. Hanggang sa binasag yon ni Vin.








"Ikaw pala?" Nakangiti nyang saad.







"Eh? Siguro nga..."








Kumunot ang noo nya. "Anong 'siguro nga'? Ang seven Heaven na ang mismong nagsabi. Ikaw nga"






Ngumiti nalang ako nang pilit at tinanaw nalang ang nasa labas habang pabalik kami nang CA.

















INILAHAD ni Vin ang kamay nya pagbaba nya nang ulap. Tinaggap ko iyon at humakbang na palabas at gulat ako nang nakitang nasa labas na naman ang lahat nang estudyante. Bumalik pa ba sila sa loob?

"Oh! Nandito na kayo!" Bati ni HM. Ngumiti naman si Vin sa kanya pero ako dere-deretsong naglakad papunta sa estudyante nang Larsiens.




Bumalik ako sa dating pwesto ko. Sa tabi nang natutulog na lalake. Pagtabi ko sa kanya ay kinalabit nya ako tumingin naman ako sa kanya.






Tinaasan ko sya nang kilay. "Problema mo?"





Ngumuso sya at tumingin uli sa harap.





"Sungit." Bulong nya. Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang sya sa harap. Inirapan ko lang sya kahit di nya kita.






Ilang minuto ang pagu-usap nang dalawa at sa wakas ay pinabalik na kami sa classroom. At Syempre malayo na naman ang lalakarin namin.




Hindi ako sumunod sa kanila at naglakad nalang king saan. Tutal nasaktohan na break time na kaya okay lang.




Hindi ko alam pero dinala ako nang mga paa ko sa enchanted greenhouse. Tutal nandito na ako, naglilibot nalang ako dito.



Pumunta ulit ako sa pinakadulo pero sa kabila naman. Pagpunta ko don ay may parang bundok pero may parang pasukan sa gitna, siguro kakasya ako don. Tapos natatakpan sya nang mga vines.


Babalik na sana ako dahil gutom na ako at bibili ako nang pagkain pero parang may naririnig ako sa likod nang mga vines.



"The festival! The festival! The festival is near! Singing! Dancing! Let's all do some Cheer!"


Unti-unti akong lumapit doon at hinawi ang mga vines. Humakbang ako nang pakonti-konti at nang nakita ko ang loob. Tumigil ang lahat! LITERAL!!













__________________________

END












Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon