"Oo!" Ngisi kong sagot. Napa-kunot noo naman sya at tumingin sa aming lahat na nakapalibot aa kanya.Agad na dumilim ang mukha nya at sinubukang umatake sakin pero sinaggahan ako ni Nick at Grix saka sila ang umatake.
Si Aqua naman ay gumawa ng water creature. Nanlaki ang mata ko sa sinummon nya.
"Water Dragon!" Gulat na sigaw ko. I've read about those... may apat na legendary dragons, ang 'Elemental Dragons' water dragon, fire dragon, wind dragon, earth dragon. Pero may mas malakas pa sa apat na yon, ang Crystal Dragon. Wala pang nakakakita non kaya walang much info about don.
Lahat ng ibang SH naman ay nagsari-sariling weapons at way ng pag-atake. I swear! Kung wala lang kami sa sitwasyong ito kanina pa ako nakahilata sa lupa sa sobrang saya, kilig, mangha.
Hinanda ko ang sarili ko at hinigpitan ang hawak sa Moonbow ko. Kung nagtataka kayo kung ano ang itsura nya. Nagbago ulit, dark red sya na may silver linings at konting gold highlights. Hindi ko pa nagta-try icontol ang bagong skills ng moonbow ngayon at sigurado akong matatagalan ako sa pag-kontrol neto, may skills kasi na dumagdag dito and hindi ko pa nagagamit.
"Kung yan ang gusto nyo." Ngising sabi ni Ice at pinalitan ng sword ang weapon nya. Lumipad sya bigla papunta sakin. Buti naka-layo ako agad mula sa pwesto kong yon. Agad namang umatake si Aqua gamit ang water dragon nya.
"AHH!" sigaw ni Ice. Nagtaka naman ako dahil tubig lang naman yon, paanong masasaktan sya?
Saka ko lang nakita ang usok sa balat ni Ice. "Blue Water. Pag nadaplisan ka kahit isang patak ng tubig na yan ay masusunog ang balat mo not unless malakas kang mage." Sabi ni Deira. Nagulat ako kasi nasa tabi ko na sya.
Pero mas namangha ako ng mag-level up si Nick. Nag-transform sya, naging kulay gold ang kanyang buhok, nagkaroon sya ng armor na silver tapos nagka-pakpak din sya na lightning tapos yung weapon nya ay naging malaking espada na pinapalibutan ng lightning at umiilaw pa. Hindi pa ako nakakamove -on sa transformation nya nang nakita kong nagtransform din ang iba pang Seven Heavens.
"Malapit na nilang ibigay sayo ang pamana master" sambit ni Luna. Tumango ako at umatake gamit ang moonbow ko, nagulat ako nang may itinira ako ay hindi lang isang arrow ang lumabas kundi TATLO! Tapos sa bawat arrow may nakapaligid na magic shot. Yung isa apoy, yung isa tubig at ang isa ay hangin.
Natamaan naman si Ice non ngunit hindi sya masyadong napuruhan. Napamura ako sa sarili ko. "Masyado syang malakas para sayo master, kailangan mo na talaga ang pamana ng Seven Heaven"
Umatake naman ang Seven Heaven ng sabay sabay, ewan ko kung ako lang nakakapansin pero parang may skin barrier si Ice kasi hindi sya masyadong napupuruhan. Yung parang manipis na barrier sa katawan.
"NAMUMURO KA NANG BABAE KA!" sigaw ni Aly at nagpatama ulit kay Ice. Habang busy sila sa pakikipag-laban doon ay lumapit ako kela Leira na hanggang ngayon hawak parin ng kamay na hangin.
Nakita naman nila ako agad kaya sinenyasan ko sila na wag maingay. Sinubukan kong tanggalin yung pagkakakapit ng kamay sa kanila kaso ayaw matibag. Ang tibay ng kamay. Bwisit!
Nanlaki ang mata nila na nakatingin sa likod ko. Lumingon ako kaso nahablot na ako ni Hades. Naknang! Buhay pa din to!? Hinila nya ako palayo sa kanila kaso inapakan ko ang paa nya kaya nakawala ako sa hawak nya.
Nag-aim ako ng arrow sa kanya at sya naman ay may inilabas na katana. Saan naman nanggaling yon!?
"Ayokong labanan ka Hades." Ani ko. Tumalon sya papunta sakin at isasaksak sana ang katana na sakin, buti at naka-iwas agad ako. Hindi ko sya kayang labanan, kaibigan ko sya...
Lumagpas ang tingin ko sa balikat nya, nakita kong unti-unting napapahina ng SH si Ice. Tumingin din si Hades sa likod nya at dali daling pumunta kay Ice. Nagulat ako nang maging abo si Hades at hinigop iyon ni Ice at mas nag-upgrade sya. Kung kanina medyo nakakakilabot sya, ngayon nakakatakot at hindi ko na sy makilala.
"A-anong..." Hindi makapaniwalang sambit ni Grix habang nakatingin kay Ice na nagiging hugis...Dragon? Anong... Paano!?
Napa-atras ang Seven Heaven maging kami nang bigla itong sumigaw. Napatakip ako sa aking tenga at tumingin sa iba. Sila Blue nakawala na sa hanging kamay at katulad ko ay nakatakip sila sa kanilang tenga.
Sumigaw muli ito ng mas malakas at natangay na ang Seven Heaven dito sa kinaroroonan ko. Pero nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot ang Hari at Reyna ng Crystalia sa harap ng dragon.
"Mom?! Dad!?" Gulat na sigaw ni Blue. Nagulat ang lahat pati ako sa nakita namin.
Ang Hari at Reyna... Nag-iba ang anyo nila...
______________________________________
Uwiiieeeee! Nakapag-UD! 😂😂😂
Sorry busy lang talaga akong tao😂
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasyA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...