Chapter 43- King and Queens Betrayal

3.3K 89 1
                                    

"Mom! Dad! Anong ginagawa nyo?!" Gulong tanong ni Blue sa magulang nya na ngayon ay parang walang pakealam.

Gulat na gulat kaming lahat. Sinong mag-aakala na ang hari at reyna ng Crystalia ay ang siyang tatalikod din sa sariling kaharian?!

"Hindi kami ang magulang mo..." halos mamutla ako sa sobrang takot ng magsalita ang hari. Tatlo...hindi, apat. Apat ang boses na narinig ko mula sa kanya. Iba't -iba.

Mas lalo akong nangilabot ng bigla itong humalakhak ng sobrang lakas at biglang ngumiti ng malaki habang napadako ang tingin sakin. Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nang lumingon ako sa SH ay nakatayo na sila sa tabi ko, pati na din sila Leira. Seryoso ang mga mukha nila kahit sa kita sa kanila ang pagod.

"HAHAHAHHAH! Kawawang mga bata! Tumigil na kayo at hayaan nyo nalang kami sa aming gagawin para tapos na!" Tawa-tawang saad ng reyna sa amin ng makita ang determinasyon namin pero kahit kailan ay hindi kami susuko sa kanila. I'd rather destroy the crown than give it to them.

"Kung ako sa inyo ay ako na ang susuko! Hindi mo alam ang kapangyarihan namin!" Sigaw ni Blue. Hanga din ako dito kay asul eh, magulang kaya nya-- mukha kaya ng magulang nya yan!

Ngumisi naman ng nakakakilabot ang hari.


"Oh? Baka nga kayo pa ang kailangang sumuko sa kapangyarihan namin..." sumeryoso naman ang mukha nila nang sabihin ito ng hari. Kahit hindi ipakita ng mga kasama ko ay alam kong natatakot din sila.


Madami kami pero mas malakas sila... ang alam ko. Paano namin sila matatalo kung kanina si Ice palang ay nahirapan agad kami?! Tas dumagdag pa ang hari at reyna, nag-upgrade pa si Ice at naging dragon?!

'Master...' bulong ng isang boses sa isip ko.

"Luna." Ani ko.

Inintay ko kung may sasabihin sya at bigla naman akong naliwanagan sa sinabi nya sakin.

'Kaarawan nyo na po...'

Shemss! Oo nga no! Pwede nang ibigay sakin ng SH ang paman---

Biglang may binato samin ang reyna kaya napa-alis kami sa dating pwesto. Nang tingnan ko ang reyna ay ngumisi ito sa kanya.


Yuck! Kasuka! Like hindi naman sya kagandahan!

Binatukan ni Cyan ang sarili sa isip. Kahit na ganito ang sitwasyon nya ay nagawa nya paring manlait ng ibang tao.

Tumingin ako  sa pwesto ng SH at nagtagpo ang mga mata nila. Tumango sakin si Nick at alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng senyales na iyon.

"BLUE!" Tawag ni Nick kela Blue at agad namang lumingon sa kanila.

"First attack!" Kahit hindi na tanungin ay na-gets agad ni Blue ang ibig sabihin non at sumugod sa tatlo, sumunod naman sina Leira na umatake kaya hindi ko mapigilan ang pag-aalala. Paano kung mamatay sila?

Agad na lumapit ang SH sa kanya at pinalibutan ako. Nakita kong napatingin samin ang hari at sinubukan nyang pumunta dito kaso hinarangan sya ni Vin kaya wala ding nagawa ang hari kundi labanan sya.

Nasa gitna ako ng ginawang bilog ng SH at biglang may lumabas na magic circle sa ilalim ko at sabay non ang pagliwanag ng SH. Lumutang silang lahat at naramdaman ko ang pag angat ko din sa ere.

Pumikit ako at dinama ang panibagong uri ng enerhiya na dumadaloy sa katawan ko.

Pero habang tumatagal, unti-unting umiinit ang katawan ko. Parang...parang nasusunog ako.

"Ahhh!" Hiyaw ko nang mas uminit ang katawan ko at may lumabas na liwanag galing sakin, hanggang sa lamunin ako ng liwanag na nasigaw.

Third Person

Napatigil ang lahat nang biglang may ilaw na bumalot sa buong lugar nila kaya hindi nila maiwasang napapikit sa sobrang lakas ng liwanag.

Samantala naman ay ang hari at ang reyna ay nagkatinginan. Alam na nila ang ibig sabihin nito.

Naibigay na ang totoong kapangyarihan ng nawalang prinsesa. Sabi ng hari sa isip.

Unti-unting humupa ang liwanag at kasabay non ang unti-unting pagbaba ng SH sa lupa pero si Cyan ay hindi pa.

Nang sa wakas ay tumingin ang lahat sa kinikilalang prinsesa ay halos mamangha sila sa nakita. Doon, sa harapan nila, unti-unting nagmulat ang prinsesa at ang lahat ay napa-singhap.

Nagbago na ang itsura ni Cyan. Ang buhok ay ash gray, ang mga mata nya ay galaxeyes, at ang kanyang suot ay puting gown na may design na buwan at mga bituin.

Nang tuluyan nang makababa si Cyan ay sya ring pag-tayo ng SH.

"Nagising na ang prinsesa..." bulong ni Vin habang nakatitig kay Cyan na ngayo'y walang ekspresyon ang mukha.

Seryoso ang mukha nito at walang bahid ng takot.

Pakiramdam ni Leira ay tumayo lahat ang buhok sa katawan nya ng ngumisi si Cyan. Mala-anghel ang ngisi ngunit may bahid ng galit.

__________________

END

Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon