Chapter 10- First Day...uhh

6.9K 210 20
                                    





"Hi! Anong pangalan mo?" Tanong sakin ng isang babae. Tinitigan nya ako sa mukha kaya bigla akong nahiya at napa-yuko. A-ang ganda nya masyado. 



"Cyanelle Vyra Fierre po" magalang na sagot ko, pag-angat ko ng tingin sa kanya ay  mangha syang nakatingin sakin. Napa-atras din ako ng konti ng makita ko kung gaano kalapit ang mukha nya sa mukha ko. 

"Ako si Frizz Icelle Rushiere, Ice Mage"  sabi nya. Sobra ang ngiti nya kaya medyo nawala ang mga mata nya.

Ang Cute nya...



"Ikaw anong magic mo?" nakangiting sabi nya. Sasagot na sana ako kaso may pumasok na teacher kaya nagsi-upo na si Frizz at ang iba. Nilibot ng teacher ang tingin nya sa classroom.

Tch! Para namang marami kami dito. Ay! Cyan! Wag na maging bad! 



Tumingin sakin ang teacher at ngumiti. "Oh?Buti naman at nadagdagan na kayo, ang tagal na din since na nadagdagan kayo at si Leira ang last. Magpakilala ka muna iha?" kumunot ang noo ko sa paraan na pagsasalita ng teacher na to. 

Parang... bakla?  May ganon dito? Kala ko sa amin lang may mga bakla. 



"Tch!" napatingin ako sa likod. May isang lalaking naka-patong ang paa sa desk sa harap nya. Napa-irap agad ako, halatang walang galang tong isang to. Kitang may teacher sa harap tapos gaganyan sya?



Tumayo ako at pumunta sa harap para magpakilala. Nang humarap ako sa kanila may kanya-kanya silang ginagawa, lalo na yung boys. Parang walang guro sa harap ah! Yung girls tahimik lang at halata mo na gusto nang matapos pero may atensyon at respeto parin sila. Eh yung mga lalaki! 

Huminga ako ng malalim para macontrol ko ang emosyon ko. 



"Cyanelle Vyra Fierre" maikli kong sabi. Ngumiti ang teacher at pinabalik na ako sa upuan. Nang umupo ako ay nagpakilala din sya.



"Ako si Mister Jace Delaur ang adviser ng klaseng ito" pakilala nya. Narinig ko namang medyo tumawa ang boys sa likod. 



"Mister? Baka naman Miss?" tukso ng isang lalaki sa tabi ng isang lalaki. Ano? Ganito nalang! Tatlo silang  lalaki na magkakatabi sa likod. Tapos yung nagsalita nasa may kanan. Tahimik yung nasa gitna at nagce-cellphone. Tapos nasa gitna yung nakataas ang paa sa desk.



Ngumiti lang ng nakakalungkot si Sir Jace. Tumalikod sya at nagsimula ng magdiscuss sa harap. 



Sa buong klase ay matyaga akong nakinig sa klase ni Sir Jace, para naman mapakita na may nagi-isang may respeto sa kanya sa klase nya. Yung tatlong lalaki sa likod ay sobrang ingay sa buong klase,pero hindi iyon pinansin ni Sir Jace. 



"Thank You for listening. Class Dismissed."  sabi ni Sir at binitbit ang gamit nya tapos ay lumabas na. Pagkalabas nya ay  saka nag-ingay ang buong klase. Ako? Naka-yuko lang ako habang naka-upo dito.  

Lumapit sakin si Leira at Frizz. "Asan na tayo kanina? Ay! Oo nga pala! Anong magic mo?" tanong sakin ni Frizz. 

Imbes na sagutin ang tanong nya ay iba ang lumabas sa bibig ko. "Bakit ganon sila kay sir Jace?" 



"Kasi..." alanganing sagot ni Frizz. 



"Sabihin mo sakin Frizz..." sabi ko. Nagkatinginan si Frizz at Leira. Pilit na ngumiti sakin si Frizz. "Ano ka ba! Ice nalang! Friends a tayo!" 



"Bakit?" tanong ko ulit. 



"Kasi bakla sya, that's forbidden here. " sabi ni Leira. Di makapaniwalang tumingin ako sa kanila. Dahil lang don?



"Seryoso kayo?" tanong ko. 



"Plus, binetray nya kami dati." sabi din ni Ice. Anong?



"Huh? Hindi ko kayo maintindihan."  gulo kong tanong. 



"May ginawa syang hindi tama dati. Plus, bawal nga dito ang isang bakla. Dapat ay pinatay na sya dati pero hindi, dapat ay wala na sya dito, ang dumi nya---" sinampal ko ang lalaking nagsasalita. Ang lalaking walang galang. 



"WALA KANG GALANG!!" sigaw ko. Gulat na napatingin sila sakin.  Hinampas ko ang table ko. 



"HINDI NAMAN PORKE'T BAKLA SYA GAGANUNIN NYO NA SYA! MAY GINAWA SAYO YUNG TAO?! HA?! SINASABIHAN NYO SA NG MADUMI! LINISIN MO MUNA KAYA YANG BIBIG MO BAGO KA MANGHUSGA! PWE!" pagkasabi ko non ay huminga ako ng malalim. ayoko ng gulo sa unang araw, pero kung wala syang galang eh hindi na pwede yon! 



Oo! wala din akong galang pero natututo akong gumalang sa mga karapatdapat na igalang...minsan. Kaya nga nagbabago na ako eh. Ayoko nang bumalik sa dating ako.





Galit akong lumabas ng classroom. Pero nagulat ako ng makita ko si sir Jace na nasa tapat ng pintuan. 



"S-sir..." nauutal kong sabi.  Ngumiti sya sakin at may lumabas na isang butil ng luha galing sa mata nya. 

"Salamat.." sabi nya. 



"Salamat, ikaw ang unang gumawa nyan sakin" dugtong nya.  Ngumiti ako sa kanya. 



"Gusto mong magusap?" tanong ko. Nagulat sya pero ngumiti din. Naglakad na kami paalis, pero bago yon ay sumilip muna ako sa classroom.



May seryoso silang pinagu-usapan sa loob. Napabuntog-hinga ulit ako. 



Ang ganda nga naman ng first day ko...





_____________________________________________



Isa sa mga hinahangaan ko sa mundo ay mga bakla. Kasi, kahit mga loka yang mga yan, hindi ka nyang iiwan. :) I salute them for that. 



-Miss K. 







END





























Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon