Warning: Short Update >◇<
|
|
_____________________"Eto na po ang order nyo." Sabi nang isang babae at nilapag sa mesa lahat nang in-order ko. Sila naman ay nagtataka ang tingin. Hindi pa siguro nila alam ang mga in-order ko para sa kanila. Bwahahahhahhah!
"Kain na!" Pagaaya ko sa kanila at kumuha na ako nang sariling kanin at ulam. Sila ayun, naka-estatwa parin.
"C-cyan, ano to?" Tanong ni Vin habang naka-turo sa bulalo. Nginitian ko sya. May naiisip ako. Bwahahahhahahah!
"Hmm? Yan? Bulalo tawag dyan. Alam mo bang may kwento yan? Gusto mo marinig?" Tanong ko, alanganin naman syang tumango. Mas lalong lumaki ang ngiti ko sa isipan.
"Ganito kasi yon, may isang lalake dati ang pangalan nya ay Bula. Isa syang magaling na tagaluto. Nagluluto sya sa pamilyang De Hesus. Isang araw, dumalaw ang anak nang De Hesus, tumira sya sa Maynila dahil ito ang gusto nang dalaga. Masama ang dalaga. Kaya nagalit si Bula sa dalaga. Nung unang mga linggo nagtitimpi pa si Bula sa kasamaan nang dalaga. Pero nang nilason nang dalaga ang magulang para makuha ang pera nila ay nagalit na nag tuluyan si Bula. Ginawa nya din ang ginawa nang dalaga, nilason nya din ito. At sa hindi alam na dahilan, nasiyahan si Bula sa nakikitang paga-agaw buhay nang dalaga. Sinubok nya din ito sa iba pang mga kasamahan sa bahay. Mas nasiyahan sya kaya lahat nang ginagawa nyang pagkain ay nilalagyan nya nang lason at ipapakain iyon sa mga tao. Hanggang sa napatay si Bula nang isang lolo. Kaya simula non, gumawa sila nang isang masaraaaaap na pagkain at ipinangalan na Bulalo. Dahil kahit lagyan mo nang kahit lason ang pagkain ay may maakit parin na kumain dito. Yun! End of story!"
Halos mawalan ako nang hininga kakapigil nang tawa ko, kasi lahat sila namutla nang sobra as in. Tapos tiningnan yung bulalo na para bang ine-examine ito.
"A-ano, Khen! Gusto mo pa nang bulalo? B-busog na kasi ako eh, hehehe." Sabi ni Vin at inusog ang bulalo papunta kay Khen. Namutla si Khen.
"Ano! B-busog narin ako! Oo! Tama busog na ako!" Kinakabahang sabi ni Khen at inusog papunta kay Ice yung bulalo.
Tinaasan sila nang kilay ni Ice. "Ano kayo? Babae? Ako nga titikim!" Sabi ni Ice at sumandok nang sabaw sa kutsara. Lihim akong napatawa nang maalala kong nag-request ako kanina sa nagti-tinda.
Biglang nabitawan ni Ice ang kutsara at pumula ang mukha. Habol-habol din nya ang hinga nya kaya namutla silang lahat and I mean kasama si Blue at Black.
"Ahhhhh!!!" Sigaw ni Ice. Kaya nataranta yung iba kong kasama habang ako nakaupo parin sa upuan ko pinipigilan ang tawa.
"Shit! Ice! Wag ka munang mamatay! Paano na yung pinangarap naten? Yung mga gabing magkasama tayo? Yung mga kinabukasan nang anak naten? Paano ako? Papakasalan pa kita! Ice! Lumaban ka! Hindi ko pa nasasabi sayong mahal kita! Kasi sabi nang kambal mo, papatayin nya ako. Ice! Mahal kita! Mahal na mahal kita! Dati pa! Please lumaban ka! Hindi ko kayang mawala ka!"
Nanlaki ang mata ko sa mga pinagsasasabi ni Hades. Takteng yan! Ang panloloko ko, naging instant confession! Natahimik kami nang makarinig nang sagot mula kay Ice.
"Talaga ba?" Sabi ni Ice at bahagyang binuksan ang isang mata na nakapikit. Nagulat si Hades sa biglang pagsagot ni Ice sa kanya at namula ang mukha.
"Totoo ba yang sinasabi mo Hades?" Naka-ngising tanong ni Ice kay Hades. Mas lalong pumula ang pisngi nya habang naka-yuko at di makatingin sa kahit sino samin.
"Hades toto----"
"Oo na! Mahal kita! Natatakot ako na baka layuan mo ako pag sinabi ko! Besides, ti-threaten din ako nang kambal mo. Baka bigla nalang akong sunugin yan sa tulog ko. Tsaka, natatakot ako. O yan! Ngayong alam mo na ang nararamdaman ko para sayo lalayo ka na sakin no? Ice naman! Kaya ako natatakot sabihin sayo eh! Hindi mo na ako papansinin, kakausapin---"
Natigil ang paghinga nang lahat nang nandito. Si Hades nanlalaki ang mata habang hinahalikan sya ni Ice. Oo! Tama kayo nang basa! Hinalikan ni Ice si Hades.
Humiwalay si Ice sa estatwang Hades ngayon na literal na di na humihinga. Nginitian sya ni Ice na nagpabalik sa kanya sa reyalidad. Malaking mata nyang tinitigan si Ice.
"A-ano? B-bakit mo ko hina---"
"Mahal kita Hades." Nakangiting sabi ni Ice.
Matagal ang katahimikan~
"Fuck! Yeeeeessss!! I'm so goddamn happy!!" Hiyaw ni Hades at binuhat si Ice. Tumatawa si Ice habang karga-karga sya ni Hades.
Mukhang nakalimutan nila ang 'accident' na nangyari. Buti naman, kundi lagot na ak----
"Ma'am may extra charges po yung pinaluto nyo nang bulalo na maraming siling galing Bicol. Mga 100 lang naman po." Nabaling ang atensyon namin sa nagtitinda nang sinabi nya iyon. Ngayon ako naman ang na-estatwa sa kinau-upuan ko. Masamang tumingin sakin ang mga kaibigan ko habang nag-peace nalang ako sa kanila.
_________________________________________________________
END
![](https://img.wattpad.com/cover/142722360-288-k811990.jpg)
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasiA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...