"Cyan! Bilisan mo pa!"
"Oo na---AHH!"
"Oi! Sagad ka na!---AHH! m-masakit!"
"Ano!! Tayo!!" Sita sakin ni Blue. Tiningnan ko sya nang masama, bago tingnan ang mga bago kong sugat. Hayop na Blue na yan! Matapos akong sipain patalsik, dadagdagan pa nang mapakaraming sugat!
Tumayo ako at ipinosisyon ang sarili ko bago pa sya makalapit ulit sakin. Tinutok ko sa mukha nya ang arrow na papalipadin ko. Sana nga masira na yung mukha nyang tsonggong yan!
Pinakawalan ko na ang arrow kaso sa bilis nang reflexes nya ay nasalo nya kagad. Gaano ba to kabilis? Lahat nalang nang atake ko nasasalo nya, wala man lang syang sugat, kahit maliit! Aargh!
"AH!!" Daing ko nang bigla nya akong sinuntok sa sikmura, nakita ko pang medyo sumuka ako nang konting dugo. Bwisit na Blue yan! Napahiga ako sa lupa na pagod na pagod. Napatingin sakin ang ibang nagt-training.
"Cyan! Ok ka lang?" Akmang lalapit sakin si Ice nang sinamaan sya nang tingin ni Blue. Ano bang problema netong lalakeng to?
"Brad! Masyado ka naman atang sumagad! Babae yan oh!" Sabi ni Hades sa kanya. Sana nga mapagsabihan mo pa yang bwisit na yan! Pinahid ko gamit ang likod nang palad ang dugo mula sa bibig ko.
"Oo nga naman pre!" Sang-ayon ni Flame.
"Sa tingin nyo ba, kung may kalaban yan, pagbibigyan nila dahil lang sa babae sya? Kaya ko nga ginagamit ang buong lakas ko para umayos sya. Hindi lang dahil na babae sya eh, hihinaan ko na. Dahil dito kahit pumatay ka na para makuha ang gusto mo." Seryosong sabi ni Blue. Natigilan naman ako. Oo nga naman, iba ang mga daan dito. Kung may gusto sila pwede ka nilang patayin. Hindi porket babae ako ay hihinaan na nila para sakin. Naalala ko yung threat na napadala sakin gamit ang isang arrow, kung yon kaya nila..hindi imposibleng may gawin silang mas mahigit don.
Tumayo ako at tiningnan nila ako. "Cyan ok lang naman kung magpahinga ka muna" sabi ni Leira. Umiling ako. Kailangan kong ma-enhance ang stamina ko.
"Umulit tayo!" Sabi ko, tumingin nang deretso sakin si Blue. At sa isang pagkakataon sa buhay ko, ngumiti sya.... Medyo natulala ako sa ngiti nya maski ang iba natigilan, pero iniling ko nalang at tumingin nang seryoso sa kanya.
Pumosisyon sya at ngayon aayusin ko na. Ngayon ko gagamitin ang nagagawa ko sa mundo nang mortal. Hello? Naging criminal pa ako.
Umamba sya nang suntok sakin pero sinanga ko yon. Nakita kong ngumisi sya at sinipa ako, pero nakuha ko ang paa nya bago pa dumapo sa makinis kong balat at tinulak sya palayo. Nagulat pa sya pero agad ding nawala.
"Nice, that's more like it" naka-ngiti nyang saad. Sinummon nya ang weapon nya na isang double-headed axe may patusok din sya sa gitna. Hinigpitan ko ang hawak sa moonbow. Ikaw ang kailangan ko moonbow, sana naman pag tumira ako bullseye.
Tumakbo sya papunta sakin at umatake. Huminga ako nang malalim at pumikit. Kaya mo yan Cyan! Isipin mo lang na kaya mo yan! Paulit-ulit ko yong sinabi bago binuksan ang mata ko. Nararamdaman ko ang init nang enerhiya na pumapasok sa katawan ko habang mas lumalapit si Blue sakin. Inamba ko ang pana sa kanya at medyo nakaramdam ako nang hapdi sa mata kaya ipinikit ko ulit iyon at saka nagmulat ulit. Nakita kong bahagyang natigilan si Blue nang makita ako, kaya ginawa ko na yong tsansya para pumana. Binitawan ko ang arrow at agad na napunta sa kanya, huli na para umiwas sya dahil nadaplisan sya sa pisngi. Finally! Nagkasugat din sya!
Huminga ako nang malalim at binaba ang kamay ko. Tapos na ang laban, sabi nya kasi bago kami mag-simula ay pag nadaplisan nya ako ay tapos na. Natigilan ako nang makitang nakitingin halos lahat sakin na animo'y gulat na gulat.
"Oi! Anyare sa inyo?" Kunot-noo kong tanong sa kanila. Hindi sila sumagot at tiningnan lamang ako na para bang multong may pagkain. Naramdaman kong humapdi ulit ang aking mga mata kaya pinikit ko ulit at minulat, kaya nawala din agad ang sakit.
Pag-baling ko ulit sa kanila, ay gulat na gulat parin sila. Ano bang meron sa mga to?!
Ice's POV
Omygoshhh!! Totoo ba tong nakikita ko?? Waaaahh!
Nakatingin sa amin si Cyan na kunot ang noo. Di pa nya nakikita ang mata nya eh, pero kami kitang-kita. Omaygashhh! Ang ganda nang mga mata ni Cyan!
Biglang pumikit si Cyan at nang nagmulat sya ay bumalik na sa dati ang mga mata nya. Awww! Gusto ko pang makita ang mga mata nya na ganon eh! Ang gandaaa! Parang galaxy yung kanan at yung kaliwa may star! Ang cool!
Sa hindi alam na dahilan ay nabaling ang mata ko kay Black at nakaramdam nang matinding takot. Huhuhu! Natatakot talaga ako sa kanya! Mukha syang mangangain nang buhay!
______________________________________________________________________
END
A/N: Haii! Hindi ko alam kung may nagbabasa pa ba netong gawa ko. Pero kung meron sasabihin ko lang sana na maraming salamat! Sa inyo! Labs ko kayo!

BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasyA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...