Third PersonHalos lahat ay hindi maka-salita. Nasa harap nila ngayon ang legendary crystal dragon na humahawak sa lahat ng kapangyarihan. Ang akala nila ay myth lamang iyon ng Crystalia.
"Crystal Dragon..." manghang bulong ni Khen na nanlalaki ang mga mata.
Kahit natatakpan ng mga ulap ang pwesto nila Cyan ay hindi parin nito matatakpan ang malaking dragon na ngayon ay kaharap ni Ice.
Si Blue, Black, Khen, Vin, Leira, HM, Leo, at ang mga myembro ng SH ay na-aamaze sa mga nakikita nila. Si Cyan na mukha na talagang prinsesa na naka-sakay sa ulo ng Crystal Dragon.
Mabilis na lumingon si Vin kay HM nang may maalala ito.
"HM, naibigay mo na ba?" Tanong ni Vin. Nanlaki ang mata ni HM at umiling.
"H-hindi pa..." nanlalamig sya. Bakit ba nya nakalimutan ibigay iyon sa dalaga? Sinasabunutan nya ang sarili nya ng may maalala.
May kinuha si HM na maliit na bag sa bulsa nya at pinalaki ito. Binuksan naman nya ang bag at pinasok ang buong kamay hanggang balikat sa loob ng bag. Ilang segundo pa nang mailabas ni HM ang itim na box kung saan nakalagay ang isang bagay na makakatulong sa dalaga.
*BOOOGHSS*
Napalingon si HM at Vin sa tunog ng pagsabog. Nakita nila na may nahulog sa lupa at napag-tantong ito ang moonbow ng dalaga.
"A-anong... paano?" Gulat na sambit ni Cyan. Sigurado sya malakas ang moonbow nya.
Mala-demonyo ang ngiti sa kanya ng hari at reyna sa harap nya.
"HAHAHAHHAHA! SA TINGIN MO BA TALAGA AY MATATALO MO KAMI! WELL, SINASABI KO SAYO NA HINDING HINDI MANGYAYARI IYON DAHIL UNANG UNA PALANG AY HINDI TOTOO ANG MOONBOW NA IBINIGAY SA IYO!" Malakas na sigaw ng hari.
Mas lalong nagulat si Cyan sa nalaman. Anong hindi totoo? Eh, nagagamit naman nya ito sa buong potensyal.
Agad na lumapit sa kinaroroonan ng dalaga ang HM at sumigaw. "CYAN! "
Napalingon ang lahat kay HM na binato ang box sa dalaga. Nasalo naman ito at agad na binuksan para makita kung ano yon.
Pagkabukas ng dalaga ay agad na nagliwanag ang loob ng box. At nang humupa na ang liwanag ay saka lamang nya nakita ang isang bagay na ikinagulat nya.
"Anong... Paano?!" Gulat nyang tanong kay HM. Sumenyas naman si HM na mamaya na lamang ang tanong kaya agad nyanf kinuha ang moonbow na nasa loob ng kahong binigay.
Nagulat naman ang hari at reyna dahil ngayon ay hawak hawak ng dalaga ang moonbow na akala nila ay nasira nila dati pa.
"ARRGH! PANIRA KA TALAGANG BATA KA!" Galit na sigaw ng reyna at biglang tumalon papunta sa kanya.
Ngumisi naman sya at tumalon din papunta sa reyna na syang ikinagulat nito.
Mas lalong sumama ang mukha ng reyna at biglang naglabas ng dark magic sa kamay nito. Naging alerto si Cyan at agad na nagpatama ng arrow sa reyna at natamaan ito sa braso.
Nag-aapoy ang matang tumingin sa kanya ang reyna. Titira sana ulit sya ng pana ng bigla syang natulak ng buntot ng dragon mula sa likod. Pagtingin naman nya ay nakita nyang nasa likod na nila ang hari at ang dragon na si Ice at pinatamaan nila ng fire ball si Luna sa katawan.
Namuo ang galit na naramdaman ni Cyan dahil don. Bigla nalang syang pumikit at nagchant.
"God of the stars and the moon, I ask for your aid and strength. Give me the blessing to control the stars of fire at will. I command... ALZARAH METEOR!"
Pagdilat ng mata ni Cyan ay syang pagliwanag ng mga bituin at unti-unting paghulog nito para makabuo ng madaming arrows. Nagpalipad naman ulit si Cyan ng isa pang arrow na hinaluan nya ng spell para macontrol ito gamit ang utak.
At ang pagtira naman nya ng arrow na iyon ay syang simula ng isa-isang pagtira ng mga arrow na galing sa langit.
Hindi iyon inaasahan ng hari kaya hindi nya napigilan ang panang tumama sa kanya. Bigla syang napaluhod habang hawak anv panang nakabaon sa katawan nya.
"MAHAL!" sigaw ng reyna at biglang lumapit sa hari ng makita ang nangyari wala syang pakealam kung matamaan din sya ng mga pana sa kanyang katawan.
"AAAARRRKK!" sigaw ni Ice dahil pati sya ay marami nang arrows na nakabaon sa kanyang katawan. Hanggang sa unti unti na itong napupuno at unti unti na din syang umiilaw.
"NOOOOO!" sigaw ng reyna nang makita nyang naglalaho na si Ice.
"ICE—UGH!" natamaan ulit ang reyna ngunit sa pagkakataong iyon ay dumeretso na ito sa puso.
Nakita ng reyna ang unti unting pagdidilim ng kanyang paningin at ang huli nyang nasulyapan ay ang tuluyan nang pagbagsak ng hari at paglaho ni Ice.
_________
END
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasíaA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...