Chapter 44- Her True Power

3.8K 91 13
                                    


Third Person

Halos manigas ang lahat sa kilabot na nararamdaman ng ngumisi si Cyan.

"Now it's done..." nanghihinang sambit ni Alyhea. Kalahati ng magic energy nila ay naibigay nila kay Cyan at nakipaglaban pa sila. Kaya halos lahat ng enerhiya nila sa katawan ay drained na.

Kahit na nasa ganong sitwasyon sila ay hindi nila maiwasang mamangha sa prinsesa na nasa harap nila ngayon. Nakuha nito ang features ng ama at ina nito.

"Naibigay na namin ang totoong kapangyarihang pinamana sayo ng magulang mo." Ani ni Deira.

"AAAAARRRRRRRKKKKKKKKK!!!"

Muling yumanig ang kinatatayuan nila nang sumigaw muli ang dragon at sinabayan pa nito ng mag-angat sa lupa at pagbagsak.

Naka-sakay na ulit ang hari at reyna sa dragon na tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Cyan. Hindi  man lang natinag ang babae at nanatili lamang sa pwesto nya habang nakatingin sa paparating sa kanya.

"CYAN!" sigaw ni Leira nang daanan ng dragon ang pwesto ni Cyan, nabalutan naman ito ng dust at inintay pa nilang humupa iyon para makita kung ano ang nangyari sa dalaga.

Nanigas sila nang makitang wala ito sa pwesto, pero agad napabaling ang tingin nila sa likod nila ng tumingin din doon and dragon. Nakita nila si Cyan na naka-ngisi. Hawak nito ngayon ang moonbow at ginawa nya itong espada habang ang kasuotan naman nya ay naging metal armor na may pakpak na gawa din sa metal. Mas lalong lumaki ang pag-hanga ng mga tao sa kaniya sa nasaksihan.

"Now tha real fight begins..." sabi ng dalaga sa isang malamig na tono. Doon nila naramdaman ang pinakamalakas na magic energy sa tanang buhay nila at hindi nila maiwasang kabahan sa namumuong tensyon.

It's three versus one. Kakayanin kaya ni Cyan yon? Isip ni Blue. Lumingon sa gawi nila si Cyan at ngumiti, nagulat naman sila pero ngumiti din pabalik.

"AAAAAARRRKKKKKKKKK!!!!"

CYAN

"AAAAAARRRKKKKKKKKK!!!!"

Pumikit ako at dinama ang galaw ng dragon. Nang maramdaman kong papalapit na ito sa akin ay dumilat ako at sinalubong ang atake nya.

"AAAAAHHHHHHHH!!!" sigaw ko at hiniwa sya sa gitna ng mga mata nya. Napa-ungol naman ito ng malakas at mas lalong lumalim ang galit sa mga mata nito.

Ganyan nga magalit ka...

Umatake ulit ito sa akin pero mabilis ko iyong naiwasan at naglabas ng isang crystal ball at pinatama sa kaniya kaya napa-atras ito pero hindi ito natumba.

Nang mabilis itong lumipad pataas ay sinundan ko sya hanggang sa nasa taas na kami ng mga ulap. Lumingon ako sa paligid at hinanap sila ngunit hindi ko sila matagpuan, huli na nang maramdaman ko ang presensya nila sa likod kaya bigla akong tumilapon ng hinampas ako nito gamit ang buntot nya.

Pinilit kong lumipad nang maayos at nakita kong titirahin ako ng ice breath ng dragon kaya mabilis akong umiwas ngunit nahuli parin nito ang pakpak ko kaya bigla itong nalusaw at nahulog ako pababa.

Shit! Gumawa ulit ako ng isa kaya bago pa man ako bumagsak sa lupa ay naka-lipad ulit ako pataas. Nakita ako ng hari at nakita ko ang inis sa mukha nya kaya nasiyahan ako.

Ang hari na mismo ang bumaba para kalabanin ako at gumawa din sya ng sariling pakpak at espada. Napangisi ako. Alam kong dehado ako lalo na at tatlo sila at isa lang ako pero kung gagamitan ko ng talino sigurado kakayanin ko silang talunin.

Kaya nga ang plano ko ay pagurin sila sa abot na makakaya ko.

Hinabol nya ako ng lumipad ako papalayo sa kanya, nang lingunin ko ito sa likod ay napansin kong wala ito kaya tumigil. Tumingin ako sa gilid ng mata ko ng may maramdaman akong presensya mula sa gilid kaya agad kong nasangga ang atake nito sakin.

"Mamatay ka na!" Galit nitong sigaw sakin at may ilan pang tumalsik na laway sa mukha ko. Inis ko itong pinahid at in-atake sya. Naka-iwas sya kaso dahil mabilis ako ay inatake ko ulit sya sa kabila at hindi nya iyon nakita.

Napunit ang damit ng hari at nagkasugat din sya kaya mas lalong nainis ito sakin at sunod-sunod ang naging pag-atake nito sakin, ako naman ay iwas ng iwas.

"Ahhh!" Napahiyaw ako sa sakit nang biglang may arrow na tumama sa tagiliran ko. Napalingon ako kung saan galing iyon at nakita ang reyna na nakatayo sa ulo ng dragon at may hawak na pana. Kumuha ulit sya ng isa pang arrow at tintutok sakin.

Mabilis akong napa-atras nang biglang lumapit sakin ang hari. Kaya ang nangyari ay siya ang natamaan ng arrow na dapat sakin. Gulat naman itong napatingin sa reyna na mukhang gulat din. Kinuha ko na itong pagkakataon para sipain ang hari kaya napa-atras ito ng malayo sakin.

"ARRRRKKKKKK!" nakita kong lumipad papalapit sakin si Ice (dragon version.)

"Ex'caulistraiu Calidreu."

Umilaw ang mga mata nang banggitin ako ang summoning spell na iyon at naramdaman ko ang unti-unting pag-drain ng magic energy ko. Naramdaman ko din ang pagyanig ng buong paligid, sinyales na nandito na sya.

"Master..."

"Luna..." bulong ko at napangiti.

Lumupad ako papunta sa kanya at sumakay sa may ulohan nya. Nakita ko naman ang pagtigil ni Ice at ng lahat. Paano ba naman...

"Crystal Dragon..." di makapaniwalang sambit ng reyna.

Lumawak ang ngiti ko sa labi at muli ay naramdaman ko ang paglakas ng magic energy ko dahil nandito na si Luna.

Ang madilim na langit ay lumiwanag sa sobrang daming bituin ang nasilabasan. Napatingin naman kaming lahat sa langit, halos mapuno na ang langit sa sobrang dami ng bituin na naka-kabit sa langit.

"AAARRKKKKKK!!!!"

Napatingin ako sa harap ko kung nasaan ang tatlong kakalabanin ko.

Let's end this fight...

___________________________

END

Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon