Chapter 38- Pitch, Black and Dark

3.9K 112 17
                                    

Author's POV

Back when Black and Dark are still kids...



"Kuyaaaa!" Malambing na saad ni Black habang natakbo papunta sa kuya nyang naka-upo sa lupa.



"Black! Wag ka nang tumakbo! Baka mamaya ay madapa ka!" Suway nang Kuya nyang nangangalang Dark. Si Dark ay limang minutong matanda sa kanya.



"Hihihihihi! Opo kuya!" Hagikhik ni Black at kumalong sa kuya nya. "Kuya? Asan po si Kuya Pitch?"


"Nasa gubat. May hinahanap ata sya don." Sagot ni Dark.

"Puntahan natin sya! Sama tayo!" Ngiting suhestiyon ni Black.

"Bawal tayong sumunod sabi nya. Delikado daw."

"Iiihhhh!! Kuya! Sige na! Secret lang! Shhh~" ani nang batang Black at inilagay pa ang panturong daliri sa tapat nang labi.

"Hmmm... sige sige~ hihihi! Secret lang. Shhh~" sang-ayon ni Dark at dahan-dahan silang pumasok nang gubat upang sundan ang labing-apat na taong gulang nilang kuya.



Habang naglalakad sila papunta sa mas pailalim na parte nang gubat ay may nakita silang isang pares nang mapupulang mata sa may gilid nila. Takot na kumapit si Black sa braso nang kanyang kuya.


Mali...hindi isa, kundi tatlong pares nang mapupulang mata ang nakikita nilang dalawa pero iisa lang ang hayop.

Unti-unting lumabas ang hayop sa dilim at nakita nila ang isa sa mga kinatatakutan na hayop sa buong Crystalia.

"Manderiots..." takot na bulong ni Dark. Bigla nalang tumalon pa-taas ang hayop at nilabas ang mahahaba at matutulis nyang pangil.



"Takbo!" Sigaw ni Dark at tumakbo habang hila ang kapatid.



Ramdam nila ang pagyanig nang lupa nang habulin sila nang Manderiots. Mas binilisan nila ang kanilang takbo nang makitang umaabot na sa kanila ang hayop.


"Graaaaaawww!!!" Ungol nang hayop. Tumingin sila sa likod at nakita ang kuya nilang si Pitch na hiniwa ang hayop sa mukha, pero hindi gaanong malalim ang sugat kaya kaya parin netong lumaban.


"Tumakbo na kayo! Bilisan nyo!" Utos nang binata at nilabas ang kaniyang shield na gawa sa isang uri nang crystal na hindi mabilis masira kagaya nang iba.




"Kuya!" Hiyaw ni Black nang umatake ulit ang nilalang na mabangis. (*insert Princess Thea. Mabangis! De jowk lang!)


"Takbo!" Sigaw ni Pitch. Walang nagawa si Black nang hilahin sya ni Dark palayo sa lugar na iyon.



Takbo lang sila nang takbo hanggang sa makaramdam ulit sila nang pag-galaw nang lupa. Isa lang ang ibig sabihin non.




Tapos na ang halimaw sa kuya nila...



Biglang lumundag ang halimaw kaya napunta iyon sa harapan nila ni Dark.
Humarap si Dark sa kapatid nyang nanginginig sa takot.



"Black..." pakalma nya. "Gusto kong gawin mo tumakbo ka, hanggang sa may mahihingan ka nang tulong. Takbo ka lang. Wag kang lilingon ha?"



Namilog ang mga mata ni Black. "K-kuya? I-iiwan mo din ako?"



Ngumiti nang mapait si Dark. "Hindi...hindi ka iiwan ni Kuya. Promise babalik ako sayo. Pero hingi ka muna nang tulong ha?"


Tumango si Black at nagsimula nang tumakbo. Habang si Dark ay na-iwan.


Humarap si Dark sa halimaw na nasa harap nya. "Bilisan mo Black...baka maabutan ka, sayang ang sakripisyo ko." At tumawa sya na puno nang pait.



Tiningnan nya ang halimaw nang deretso sa mga mata netong mapu-pula. "Oy! Alam mo ba? Ang panget mo?" Inis nya rito.


Biglang naging mas mapula ang mga mata neto. Sinyales na mas nagagalit eto. Tumalon si Dark papuntang taas nang isang puno na kasing laki nang halimaw at sa pagpunta nya doon kitang-kita nya ang mga meron sa halimaw, at dahil naka-bukas ang bibig neto , kita nya ang espada nang kapatid nyang namatay---si Pitch, na naka-singit sa pagitan nang dalawang ngipin neto.




Tumalon si Dark ulit papunta sa kamay netong malapit sa kanya at tumakbo papuntang balikat neto. Bigla namang pumunta ang isang kamay nang halimaw palipad sa kanya, buti at naiwasan nya.



Talon sya nang talon habang ang Manderiots ay hinahabol sya. Hanggang sa tuluyan na syang nakuha.




"Arrggg!!" Pagpupumiglas nya mula sa gipit nang halimaw. Masyado itong malakas kumpara sa kanya.


Binuka nang halimaw ang kanyang bibig at may lumabas na parang bola nang apoy mula sa loob neto. Habang papalapit nang papalapit wala syang ibang naisip kundi ang kapatid nyang matatakutin.


'Sana maayos syang naka-takas.'



Ang huling isip ni Dark bago sya madapuan nang bolang apoy na pumatay sa kaniya.



_________________________

Ep! Ep! Hindi pa tapos ang flashback na eto! May susunod pa! Sa Next Chapter!💖

Thank you po sa lahat nang nagbabasa! Aylabyu! 💖


Lovelots,

Mad Hatter🎩


Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon