Pagkatapos nang whole 'accident' ay pinagsabihan lang nila ako na wag nang gagawin yon dahil halos mamatay na daw sila sa paga-alala. Sumangayon nalang ako. At kaumain na kami.
Ngayon ay naglalakad kami papuntang...SAAN KAMI PUPUNTA? Hinarap ko sila na nasa likod ko at tiningnan nila ako nang nagtataka kung bakit ako huminto.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila. Tiningnan nila ako na para bang di sila makapaniwala sa tanong ko.
"Ha? Di mo alam kung saan pupunta? Diba ikaw ang nakatira dito dati! Syempre ikaw ang magle-lead! Kung saan ba tayo matutulog, saan tayo pupunta, saan natin hahanapin si Leo!" Inis na sabi ni Blue. Nakakunot ang noo nya ngayon at namumula sya sa inis. Inirapan ko sya. Kahit kelan talaga mainit dugo neto sakin. Tss.
"Eh! Kasalanan ko bang---"
*beep!beep!*
Napatingin kami sa nag-busina na sasakyan sa gilid namin. Isang mamahaling kotse ang pumarada, nang bumaba ang bintana nang nasa likod ay halos lumuwa ang mata ko sa gulat.
"A-aling Tessie!?!" Lumapit pa ako sa kanya para tingnan ang mukha nya. Natawa naman sya.
"Ako nga Cyan." Nakangiti nyang sabi. Malaking mata kong pinagmasdan ang sinasakyan nya. Tapos binalik sa kanya ang tingin.
"Bongga kayo Aling Tessie ah! Sasakyan ba nang amo mo yan?" Nakangiti kong tanong.
"Akin to. Baliw ka!"
Nanlaki mata ko sa sinabi nya. Haluh! Sa kanya daw? Paanong--ah! Oo nga pala! Yung nagnakaw sya nang pera mula sa----
"Pera ko ginamit ko para makabili neto. Etong batang to kung ano-ano pinagi-isip. O? May mga kasama ka pala? Saan ang punta nyo?"
Napakamot ako sa batok ko. "Eh...yun na nga po, wala kaming matutuluyan. Alam nyo naman po kung saan ako dati. Kaya po kung pwede----"
"Sige na sige na. Alam ko naman ang sasabihin mo eh. Pasok na." Sambit ni Aling Tessie at lumabas nang kotse. Malaki akong ngumiti at masayang pumasok sa loob. Sila naman ay naka-ngiti ding pumasok, pinaka-huli si Black at nakita kong nagtama ang tingin nila ni Aling Tessie at medyo nagulat sya nang nakita eto. Kumunot ang noo ko, magkakilala kaya sila?
Sumakay si Black at si Aling Tessie ay sumakay sa harap.
Ilang sandali pa ay nag-simula nang umandar ang kotse. Nagke-kwentuhan nalang kami dito sa likod. Habang ako tahimik lang.
"Cyan."
Magkakilala kaya si Black at Aling Tessie?
"Cyan!"
Bakit parang gulat na gulat sila nang makita ang isa't-isa?
"Cyan!"
Ang gulo naman! Eh hindi naman mage si Aling Tessie eh! At saka---
"Aray!!" Sinamaan ko nang tingin si Vin nang batukan nya ako.
"Ba't ka ba nambabatok ha?!?" Galit kong singhal sa kanya. Tinaas nya naman ang dalawang kamay sa ere, na parang suko na sya.
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasyA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...