Tumingin ang Seven Heaven kay Ice na ngayon ay masama ang tingin sa kanila.
"Ice..." sambit ni Grix na may halong paga-asam. Parang may malaking tensyon sa pagitan ni Ice at sa Seven Heaven, at alam ko lahat kami ay nararamdaman iyon.
"Bakit mo ba ito ginagawa?" Tanong ni Sreina na may lungkot sa mga mata.
(A/N: kung di nyo po maalala ang members ng Seven Heaven. I suggest balik po kayo sa Chapter with the title 'Vincent San Gabriel')
Naramdaman kong mas lalong lumalakas ang tensyon nang tanongin iyon ni Sreina. Nakita kong kuyom ang mga kamay ni Ice at nagpipigil ng sarili.
"Alam nyo kung bakit..." mahina nyang bulong. Biglang tumayo mula sa pagkakahiga si Flame at pumunta sa likod ni Ice. Si Hades naman ay pumunta din sa likod ni Ice, pero dahil hawak-hawak nya ako ay natangay din ako.
"Bitawan nyo sya." Matigas na sabi ni Nick pero kita ko ang sandaling paglambot ng kanyang tingin kay Ice. Ako lang ba? O may something talaga?
Sandaling natigilan si Ice nang si Nick na ang nagsalita. May sakit sa mata na tumitig sya sa mga mata ni Nick, at ganon din si Nick sa kanya. Nagtitigan sila, pero biglang sumama ang aura at magic energy na pumapalibot kay Ice.
"At bakit ko iyon gagawin?"
"Dahil alam kong sa likod ng masamang mage na ipinapakita mo. Meron paring mage na ngumiti ng tunay kahit na hirap na hirap na, sa likod non." Sagot ni Sreina.
"Ice. Balik ka na samin..." sabi ni Aqua. Mas lalong lumakas ang negative energy na lumalabas kay Ice. Nakakatakot sya ngayon, hindi sya ang Ice na nakilala ko. Punong-puno sya ng galit.
Kumunot ang noo ni Ice sa sinabi ni Aqua. "Oh? Sa tingin mo babalik pa ako sa inyo, kung kayo mismo ang nagpaalis sa akin?" May hinanakit nyang sabi.
Napatungo si Sreina at Aqua sa sinabi ni Ice. Mukha silang nasasaktan, habang kami dito walang alam sa nangyayari. Okay, Confirmed may past silang lahat. Anong nangyari?
Napa-ngisi si Ice sa nakita nyang pag-tungo ng dalawa. "Wow! Kita mo nga naman! Ang gagaling nyo talaga!" Walang kang ibang mararamdaman kundi hinanakit sa mga sinasabi ni Ice. Masyadong nasaktan sa nangyari sa kanila.
Sinubukang lumapit ni Nick kay Ice ngunit bigla syang umatake sa kanila. Napa-atras mula sa kinatatayuan ang SH, maski kami dito napa-atras sa lakas ng flow of energy na lumabas sa kanya. Pero... alam kong hindi maganda iyon. Masyadong masama ang kinikimkim nyang magic energy sa sarili, pwede syang lamunin ito ng buo kung hindi nya kakalimutan ang nakaraan.
"ICELLE!!!" sigaw ni Grix. Naghanda na ang SH ng sari-sariling armas nila at nagi-intay ng sunod na atake ni Ice.
"Mga TRAYDOR!!!" sigaw ni Ice at gumawa ng isang spirit barrier na nagpapunta sa amin sa ibang dimension.
Lumingon-lingon ako sa paligid at halos masuka sa nakikita ko. Madaming patay na mga halimaw dito at may mga bakas ng dugo na hindi na natatanggal. Kulay pula din ang kalangitan na mas lalong nagpadilim sa paligid.
"Ice! Patawarin mo kami!" Pagsusumamo ni Alyhea. Nakita kong naging itim ang mga mata ni Ice. Bigla syang lumutang sa hangin na parang may pumapalibot na electricity sa katawan nya. Nag-iba na din ang kulay ng buhok nya. Naging pula at nagkaroon sya ng pakpak na parang anghel ngunit ito ay itim ang kulay.
"HINDING-HINDI KO KAYO MAPAPATAWAD! " galit na sigaw ni Ice at nagpakawala ng atake. Ang mga pakpak nya ay nilipad nya at may lumabas na mga maliliit na kutsilyo dito. Buti nalang at naka-ilag ang SH.
"Tumigil ka na!" Sigaw ni Leira at tumakbo papunta sa kanya ngunit biglang kinumpas ni Ice ang kamay nya at napa-lipad kaming lahat.
"Bitawan mo kami!" Nagpupumiglas na sabi ni Blue. May parang nakahawak sa kanilang kamay na hangin na pumipigil sa kanilang maka-wala o gumamit ng mahika.
Ako nalang at sila Hades ang nakatayo. Kasama ang SH. Lumingon ako muli kay Ice na nalipad ngayon.
"Ice! Tumigil ka na!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Tumingin sya sakin at wala akong ibang nakikita kundi galit sa kanyang mga mata.
"Wala kang alam!" Sigaw nya at naglabas ng pana. Nanlaki ang mga mata ko nang kaparehas ito ng moonbow ko. Ngunit ito ay itim na may puti sa gilid.
"Million Armor Weapon!? Paano iyan napunta sa iyo?" Gulat na tanong ni Black. Ngumisi si Ice.
"Kinuha ni Flame nang hindi mo nalalaman" ngisi nyang sabi at nag-aim ng arrow sa akin. Mabilis akong kumilos at umalis sa hawak ni Hades at tumakbo habang sinummon ko ang Moonbow ko.
Nagulat ako nang biglang sumabay sa pagtakbo ko ang SH. Lumingon ako sa kanila.
"Tutulong kami." Sabi ni Nick.
"Kaibigan namin sya." Sabi din ni Grix.
Nagsitanguan naman silang lahat sa sinabi ng dalawa. Ngumiti ako at nagpatuloy sa pagtakbo. Tumigil ako sa pagtakbo sa likod ni Ice habang sila ay bumilog kay Ice.
Ngayon ay napapalibutan na namin sya.
"Ano? Nagtutulungan kayo? Ha!" Sarkastikong sabi ni Ice.
"Oo!" Naka-ngisi kong sabi.
_____________________
Pambawi! 😂😂😂 sorna! Busy lang talaga sa school. Kaka-exam ko lang kanina! Sana makapasa!😂 *fingers cross*
Seeyah!
Lovelots!
💛Zhei💛
![](https://img.wattpad.com/cover/142722360-288-k811990.jpg)
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasiaA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...