"Ano ba sya? Rix?"
"Ewan ko eh. Wala naman syang pakpak, kaya paano sya nakapunta dito?"
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko dahil sa mga maliliit na boses na naririnig ko.
"Hala! Gising na sya! Tago bilis!" ani ng isang maliit na boses. Nang buksan ko ang mata ko ay medyo natagalan dahil sa paga-adjust sa ilaw. Nang tuluyan na akong magising ay nagulat ako nang maliit na nilalang na may pakpak ang sumalubong sakin. Nanalaki ang mata ko.
"AAAAHHH!!" sigaw ko--namin. Sumigaw din sya at nagtago sa likod ng isa pang kasama nya na nagtatago sa isang halaman. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Paano ako nakapunta dito?Asan ako?
Ay oo nga pala! May kumidnap sakin kahapon kaya habang natutulog sya ay tumakas na ako, tapos napadpad ako sa isang gubat pagkatapos non wala na akong ma-alala. Bwesit na mangki-kidnap na yon!
Na-alimpungan nalang ako ng may pumitik sa noo ko. Inis akong tumingin dito, agad naman syang umatras ulit at nagtago sa likod ng kasama nya. PInagmasdan ko silang dalawa ng mabuti. Maliit, may pakpak yung isa at yung isa meron din pero medyo maliit at matulis pero lumilipad parin dahil sa parang dust na lumalabas sa kanya.
Nanlaki ang mata ko. No way! No!No! No! I must be dreaming!
"What are you?" takang tanong ng may pakpak sakin. Hindi ako nakasagot, This is not true! Marahan kong pinilig ang noo ko at sinampal- samapal ang pisngi ko. Pero kahit ginawa ko na yon ay hindi parin nawawala ang nilalang sa harap ko.
"A-ano ka?A-asan ako? Ano ka?!" Taranta kong tanong. Tinakpan nya ang tenga nya.
"Jeez! Lady hindi mo kailangang sumigaw!" iritado nyang sabi. Ano ba to? Panaginip? Heck! I'm too old for fantasies!
"My name is Rix and I am a Fairy" pakilala nya. Fairy?! Are you Serious?!
"W-wait! Wait! Illusion lang ata to eh! There's no such thing as fairies" As-a-matter-of-fact kong sabi. Kumunot naman ang noo nya.
"Ofcourse we are real, Well not just fairies many types of mystical creatures also exists" sabi nya. Napanga-nga ako. Napa- tingin ako sa isang maliit na nilalang na nasa likod nya. Nagtatago pa ito at parang takot na takot sakin.
"Sya si Frey, Pixie sya" pakilala nito sakin ni Rix. Eh? Okay? What's the difference?
"Anong pinagkaiba ng pixie at fairy?" takang tanong ko. Bumaba silang dalawa at umupo sa isang petal ng flower. Ang cute nila don!
"Ang pixie parang fairies pero yung pakpak nila manipis at matulis, para makalipad sila merong pixie dust na lumalabas sa kanila. Ang Fairies naman may pakpak na malaki, wala silang pixie dust pero meron silang fairy dust na nagg-grant ng wish ng mga mages or mortals" paliwanag sakin ni Rix. Tumatango- tango nalang si Frey sa kanya.
Okay ang cute nila, Pero Nasaan ako?!
Agad akong napatayo. Napalipad din silang dalawa. "Asan nga pala ako?" tanong ko sa kanila.
Ngumiti sakin si Rix at si Frey. "You are in Wing Forest! Kung saan nakatira ang fairies at pixies together!" Nakangiting sagot nila sakin.
Pinagmasdan ko yung paligid at napa-ngiti. Ang ganda dito. lumingon ulit ako kela Rix ng may naalala ako.
"Paano ako makakabalik sa pinagmulan ko?" tanong ko. Nagkatinginan naman sila.
"Para makabalik sa mundo mo, kailangan mo ng portal caster" sabi nila.
"Alam nyo ba kung saan?" tanong ko ulit, bigla silang nalungkot. Bakit?May nasabi ba akong mali?
"Yung pinakahuling portal caster ay si King Harold, kaso... Patay na sya" Malungkot na saad ni Frey. Nanlaki ang mata ko, alam kong malungkot ang sinabi nila kaso...
Paano na ako makakabalik neto?
__________________________________________________
END
Rix the Fairy
Frey the Pixie
BINABASA MO ANG
Crystalia Kingdom: Heir of The Crown [COMPLETED]
FantasyA story of magic. Date STARTED: March 23, 2018 Date FINISHED: March 27, 2020 PLAGIARISM IS A CRIME ******************** Hindi ako naniniwala sa mahika, witches, princesses, o kung anong may kinalaman sa fantasy. Dahil bata palang ako, napunta na aga...