EPILOGUE

4.4K 98 13
                                    


BLUE

"BLUE!"

Napalingon ang lalaki sa tumawag sa kanya. Nakita nya ang isang babae na kumakaway sa kanya na may buhat na baby girl.

"Leira." Bati nya dito at kinuha ang batang buhat nito.

"Hi baby... kamusta kayo ni mommy Leira?" Tanong nya dito. Tinitigan nya ang mukha ng bata at masasabi nyang prinsesa talaga ang dating nito. Mula sa kulay ng mata hanggang sa kutis ay kitang anak ito ng isang Alielle Kiera Harrison at ng-

"Hon..." napalingon naman sila sa bagong dating na lalaki na may hawak na batang limang taong gulang.

"Hon." lapit sa kanya ni Leira at hinalikan sya sa pisngi. Lumapit naman sya sakin at nakipag kamay.

"Blue." Ngiti nya sakin.

"Flame." Tanggap ko sa kamay nya. Tumingin naman ako sa batang lalaki na nasa tabi nya at nakatingin sakin.

"So... kamusta?" Tanong si Flame. Napakibit balikat naman ako.

Totoo... hindi ko talaga alam kung okay ako o hindi. Pagkatapos ng nangyari...

"Still can't find her huh?" Malungkot na saad ni Leira. Umiling ako bilang sagot at saka naghari ang katahimikan sa amin.

Pagkatapos ng nangyari we found out na may spell pala na nilagay si Ice sa totoong Flame at tinago sya sa malayo. Si Dark naman ay biglang nawala. Si Vin bumalik sa Heaven Hill kasama ang Seven Heaven members. Si Leo at HM nawala na din... ang balita sa kanila pumunta silang mortal world para mamuhay na don. At si Cyan... naglaho na din.

"Haist... what do we do? Three years nang walang nagmamayari ng korona..." sambit ni Leira.

"Alam naman nating si Cyan lamang ang nararapat don." Sabi ko.

"Yes, but-" I hold my hand infront of her as a sign to stop whatever she was about to say.

"We now need you Blue to claim the throne..." sabi ni Flame. Umiling ako. Napabuntong hininga naman sila at nagkatinginan.

Buo na ang desisyon ko. Hindi ako titigil hanggat hindi ko sya nakikita. She must claim the throne. And while she still isn't here, I'll protect this kingdom.

"Captain Blue!" Napatingin kami sa papadating na lalaki. Isang bagong knight.
Simula ng nangyari ay naghigpit na kami sito. Ako na ang Captain ng Crystali Knights.

Humarap ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sakin ng puno ng pag-aalala.

"Sa.. sa capital!" Hingal nyang sabi.

"Anong meron?"

"May duel na nagaganap..." sabi nya.

Nagulat naman ako. Pati sila Leira.

"Ano?!" Gulat na sambit ni Leira. "Any kind of duels are prohibited. They should know that!"

*BOOGSHHH!*

Napatingin kami sa pagsabog na naganap sa gitna ng capital. Agad kaming napatakbo nang nasundan iyon ng sunod na pagsabog.

***

THIRD PERSON

Nagulat sila nang makita ang nangyayari sa gitna ng capital. Nagkukumpulan ang mga tao at parang aliw na aliw sa nangyayari.

"What is happening here?" Tanong ni Blue. Nakita naman sya ng right hand nya sa Knights na si Valerian at lumapit ito sa kanya.

"Bigla nalang lumitaw yung naka hood. Hindi namin kilala. Tapos nabangga nya si Raze." Paliwanag ni Valerian. Napahilamos si Blue ng kamay nya.

Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon