Chapter 30- Find Leo Varshien

4.4K 126 7
                                    






"Excuse me, pinapatawag po si Ms. Fierre at Mr. Garvsgard nang Headmistress." Ani nang isang lalake na nakauniform. Tumingin sa amin ang guro at tumango. Tumayo kaming dalawa ni Khen at lumabas nang classroom, saka naglakad papuntang office ni HM. Bakit kaya kami pinapatawag?






"Cyan!" Tumingin ako sa likod at nakita si Vin na tumatakbo papunta samin.





"Oh? Bakit ka tumatakbo?" Tanong ko at hinarap sya. Si Khen naman ay tahimik lang at napa-weird non, normally nakangiti sya at maingay. Pero ngayon off sya. Bakit kaya?




"Para maabutan ko kayo. Pupunta din ba kayo nang office?" Tanong ni Vin, tumango ako sa kanya. Ngumiti naman sya.





"Tara! Sabay na tayo! Pupunta din ako kanina kaso sakto namang gusto kong mag-cr" sabi nya, tumango lang ako at naglakad na ulit papuntang office. Pumunta sa gilid ko si Vin at sa kabila naman ay si Khen, so bale napagigitnaan nila ako. Tahimik lang kami hanggang sa nakapunta na kami sa harap nang office. Kumatok si Vin nang tatlong beses.



"Come in" dinig namin mula sa loob kaya pumasok na kami. Medyo nagulat ako nang makita ang royalties ulit dito. Wag mong sabihing training sa gabi naman to? Hustisya naman pagod na pagod na ako!




Umupo kami sa upuan na nasa gilid nang office at sa kabilang dulo nakaupo ang royalties. Si Black naman ay hindi ko nakita kanina dahil nasa sulok nang office. So bale may malaking space sa gitna nang office.






"You need to find someone." Sabi ni HM at nag-snap nang fingers, may lumabas na hologram nang isang tao sa gitna nang office. Isang lalake, ka-age namin. Bakit naman namin sya kailangan hanapin?





"Sya si Leo Varshien. Kailangan nyo syang mahanap sa mundo nang mga mortal. At kailangan nyo syang mapapunta dito." Mariing sabi ni HM.




"Bakit po?" Takang tanong naman ni Ice.





"Dahil sya lang ang makakapagsabi kung buhay pa ba ang nawawalang prinsesa at kung sino ito." Nabalot nang katahimikan nang sinabi iyon ni HM at ako lang ata ang walang alam sa sinasabi nila. Sinong prinsesa ba?



Bumaling sakin si HM, "Ang nawawalang prinsesa ang anak ni King Harold at Queen Isabel. Itong anak na ito ay isang napakaimportanteng tao dahil kaya nyang paalisin sa trono ang mga Nickson, sorry Blue. Kung ang propesiya ang nakatadhana sa korona at trono, kailangan nya munang matalo ang mga Nickson. Kaya kinakailangan nya ang tulong nang prinsesa dahil sa pinaghalong dugo nang isang Goddess at isang Dugong royale. Ang Reyna Isabel ay isang Goddess. Isabel Hera ang kaniyang pangalan." Sagot ni HM sa tanong ko sa isip.





Ahh...kaya naman pala. So, kung ganon. Kailangan ko nang tulong nang prinsesa?




"Bukas nang umaga kayo pupunta sa mundo nang mga mortal. Isasama nyo si Cyan dahil galing sya doon. Hindi nyo pa alam ang mga pasikot-sikot sa lugar na iyon."






"Accepted." Sabi ni Blue at umalis na nang walang paalam. Kahit kelan talaga, walang modo yung lalakeng yon!




"Maaari na kayong lumabas" tumayo kami at nag-bow kay HM, saka lumabas. Bumalik na din kami sa classroom namin dahil may klase pa kami.






Habang naglalakad papuntang classroom may nararamdaman akong parang nagmamasid sakin mula sa malayo. Lumingon-lingon ako sa paligid pero wala akong makita, nagkibit-balikat nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Nasa harap ko si Khen at hindi ako pinapansin. Nagtataka na ako sa nangyayari sa kanya ngayon. Bakit sya bigla biglang hindi namamansin? May ginawa ba akong masama?




Hanggang sa makapasok ako nang classroom ay hindi ko parin maalis ang nararamdaman kong nakmasid sakin mulansa malayo. Lumingon ako sa likod pero wala talaga akong makita, exept dun sa madilim na part na malapit dito sa classroom. Kaya kahit nanghihinala ako ay pumasok nalang ako sa classroom.





Dark's POV



Nakita ko syang lumingon lingon, pero sadyang hindi nya ako mahanap. Nagtatago ako sa dilim na parte dito malapit sa classroom nila.





Ngumiti ako nang mapatingin sya sa gawi ko pero di parin makita. Nasilayan ko na naman ang mukha nya. Mukha nang aking mahal. I swear kung galawin ka nya ay hinding hindi so sya mapapatawad. Sa di kalayuan ay nakita ko ang aking kapatid na naglalakad papunta dito sa kinaroroonan ko.




"Dark" sambit nya sa aking pangalan at niyakap ako. Wushu! Ang sweet talaga nang kapatid ko! Niyakap ko sya pabalik.




"Black" sambit ko din sa pangalan nya. Humiwalay sya sa yakap at nginitian ako.





"Protektahan mo sya ha?" Paninigurado ko. Tumango sya sakin.




"Oo, po-protektahan ko sya. Hindi ko hahayaang mapatay sya nya." Tugon nya.




Ngumiti ako sa kapatid ko bago humakbang paatras. "Sige. Babalik ako dito" paalam ko. Tumango sya ulit.




"Maghihintay ako." Nakangiti nyang sabi. Tumalikod ako at naglakad papuntang dilim. At nang tumalikod ako sa kapatid ko, don lang sumilay ang mapait kong ngiti.




Pasensya na kapatid ko. Hindi mo maaaring malaman to.





__________________________________________________________________




END








A/N:

WOOOO! *sabog confetti* Umabot ako nang Chapter 30! Yehey!





Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon