Chapter 5- Crystali Academy

8.3K 222 4
                                    





"So saan ka pupunta ngayon?" tanong sakin ni Rix habang naglalakad- lakad kami sa Wing Forest. 

"Ewan ko eh" sagot ko sa kanya, eh sa wala din akong alam na pupuntahan dito eh. 

"Teka ilang taon ka na ba?" biglang tanong sakin ni Frey. 

"17." sagot ko.  Nagkatinginan naman sila. 

"Hindi ka ba naga-aral sa mundo ng mga mortal?" tanong ni Rix sakin. Napa-tungo ako. 



"Hindi na ako pwedeng mag-aral, napa-expel ako sa dati kong school. Kaya tumigil na ako, kasi wala din naman akong pera na. Inutang ko nga lang yung perang pambayad don eh" sabi ko sa kanila. Tumingin naman si Frey sakin na nagi-isip. 



"Pwede kang mag-aral sa Crystali Academy" sabi ni Frey. Napatigil naman ako sa paglalakad at napa-tingin sa kanya. 

"Luh! Paano ako makakapag-aral do eh wala na nga akong pera diba?" sabi ko sa kanila. 



"Sa Cristali Academy hindi mo kailangan ng pera para makapasok, kung kumpleto mo ang requirements ay pasok ka na don" sabi ni Rix. Gulat ko silang tinitigan. Seryoso? Requirements lang? 

"Anong Requirements ba?" Tanong ko. 

Pinitik ni Rix ang daliri nya at may lumutang na papel sa harap nya. Wooh! Paano nya nagawa yon?! 

"Requirements. Magic Necklace. Magic. Weapon (will be given to you at school). O Yan lang pala eh!" masayang sabi ni Rix habang binabasa. Tumaas naman ang kilay ko sa kanya. 

"Yun lang PALA? Hello! Baka nakakalimutan mo wala akong magic at kung ano pang mga echu-chuhan nyo!"Sabi ko sa kanila. 

"HAhahahah! wag kang mag-alala, alam kong may mahika ka. " tawang sabi ni Rix. Kung kanina gulat na mukha ngayon pagtataka naman. Ako may magic? Imposible. 

"Wala akong magic!" depensa ko. Eh sa totoo naman eh. 

"May magic ka. Kung wala ka kasing magic, malamang kanina ka pa patay." sabi ni Frey ng naka-ngiti. Huh?



"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.

"Iba kasi ang hangin dito kesa sa mundo ng mga tao. Kung Tao nakapunta dito, Hindi sila makakahinga dahil may lason ang hangin na sa mga tao lang ang nakakakuha." paliwanag nya. Nanlaki talaga ang mata ko. So ibig sabihin may powers talaga ako?! Ba't ngayon ko lang alam?!

"So ano?" napatingin ako kay Frey ng tanongin nya iyon. 



"Anong 'ano'?" tanong ko. 



"Kung papasok ka ba sa Cristali Academy?" sabi nya.  Nag-isip ako.  



Kung papasok ako, maari kong makita kung ano ang kapangyarihan ko pwede ko pang ma-enhance. Okay na din naman, since di na din ako makakaalis dito kasi patay na si King Harold na nagi-isang portal caster. Pero sabi din nila Frey at Rix kaanina ay may isa pang portal caster ang anak ni King Harold, pero nawala daw ito nung araw na namatay ang reyna. 



Huminga muna ako ng malalim. Bago sagutin ang tanong nya. "Oo. Papasok ako sa Crystali Academy na yan." 

Ngumiti sila at nagkatinginan. Tumignin sakin si Frey. "Kung papasok ka don, ay dapat aalis ka na ngayon." Sabi nya.

"BAkit?" tanong ko, sumagot naman si Rix, "Isang araw bago ka makakapunta sa Crystali Academy kaya umalis ka na ngayon." 

Nalungkot ako bigla, anobayan! aalis agad ako, Pero alam kong babalik pa ako. Ngumiti ako sa kanila. "Sige. Pero bibisitahin ko kayo. Paano ba makapunta sa Crystali Academy?" 







To be continued...



_______________________________________





END







Crystalia Kingdom:  Heir of The Crown [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon