Paalala: Putol na po ang mga chapters kasi PUBLISHED Na. Read at your own risk. Thank you.
"Regret your mistakes and try to walk on the right path, at least for once in your life you've learned and also learned how to stand." -Fk
To all the single Moms... I salute you girls!
🌹(ONLY LOVE)🌹
Dahil sa bugso ng damdamin ay naisuko ni Kendra ang sarili niya kay Enrique Gabriel nang minsan na malasing ang lalaki. She surrendered wholeheartedly, thinking that what they have for each other was really mutual. Matagal na niyang itinatago ang pagmamahal sa lalaking haciendero pero nang kasabay na magbunga ang ginawa ng lalaki sa kanya ay siya namang biglang pagbalik ng ex nitong si Amethyst.
Ganoon na lang iyon at nagawa siyang iwanan ng lalaki at sumama sa babae sa ibang bansa. Parang gumuho na ang mundo niya at nawalan ng pag-asa, namatay ang kainosentehan at ang kaisa-isang damdamin na meron siya, pero pinatatag siya ng kanyang anak sa loob ng kanyang tyan.
She hid her greatest secret and decided to walk away from hacienda de la Cueva, leaving her family and started a new life somewhere beyond reach.
Pero paglipas ng siyam na taon ay muling nag-krus ang landas nila ng lalaki nang umuwi iyon sa Pilipinas at kung bakit sa dami ng pwedeng maabutan ng flat tire ay sa mismong harapan pa ng barbeque stall niya. Ang nakakabwisit ay pumintig nang husto ang puso niya pero parang huminto ang mundo sa pag-ikot.
The demon is back, wearing his black Armani suit and his devilish gorgeousness. Walong taon pero walang nagbago sa hitsura ng lalaki, kung meron man ay ang katotohanan na kasal na ito sa iba at kailanman ay hindi na mapapasakanya.
The fear started to consume her mind when Gabriel saw their son. Baka kunin nito ang bata sa kanya sa oras na malaman nito na ito mismo ang ama at mas lalo na nang malaman niya na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang anak ang lalaki sa ibang babae maliban sa kanya...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
This story is dedicated to Ms. kenriel9215 and her son. Thanks for being so nice Kenny. I love you girl. Remain strong and kind. God bless you and your baby.