Happy birthday to a dear friend of mine, a real friend, one of the bests. RitaVergara
Episode XXXVI
PAINKendra
Nabitin sa ere ang pagsubo ko ng pagkain nang mapansin ko ang isang sasakyan na papasok sa bakuran ng villa. Hindi naman 'yon sasakyan nina Enriel dahil sa pagkakaalam ko ay nandito na ang buong pamilya niya.
Tumingin ako sa kanya na nakaupo naman sa tabi ko. Nakatingin na pala siya sa sasakyan na nakaagaw ng pansin ko, kaya lang matigas ang mukha niya at galit ang mga mata.
Sino kaya ang mga bagong dating?
"Kilala mo ang sasakyan?" Nahawakan ko tuloy siya sa hita kaya tumingin kaagad siya sa akin. His hardened face turned softer.
Bumuntong hininga siya saka tumango, hinanap ang palad ko at saka ipinagdaop ang kamay niya sa kamay ko. Isiniksik pa niya ang mga daliri sa pagitan ng sa akin. He held my hand firmer and secured it tightly, looking at it like it is something so very dear to him.
Kapag ganito ang hitsura niya, napupuno ang puso ko ng tuwa. Pakiramdam ko ay totoong mahalaga talaga ako para sa kanya.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya nang pakahawakan niya 'yon na para bang aalis ako.
"I told them not to come over but they're really so stubborn like damn viruses." Bulong niya pero parang sagot niya 'yon sa sarili lang niya.
"Sino ba sila?" Napatingin ulit ako sa saskyan na humihinto na sa 'di kalayuan. Tumayo si Don Enrico at saka nagpahid ng bibig.
"Amethyst's Dad. Hindi ko alam kung kasama ang babae na 'yon." Sagot ni Enriel na bugnot na naman ang mukha.
Kaagad akong nakaramdam ng kalituhan. Ayokong pagpiyestahan ako rito ng mga tao at magmukha akong kerida na mang-aagaw ng asawa. Kung nandito ang babaeng 'yon ay gagawa sigurado ng eksena ang walang hiyang 'yon. Baka maubos ng pasensya ko at masaktan ko ulit ang bruha sa harap ng mga magulang ni Enriel. Wala akong pakialam pero bilang respeto sa mga taong parang mga naging magulang ko na rin ay hindi ko naman pwedeng ilabas ang pagiging katipunera ko sa harap nila. Hindi dahil sa gusto kong itago, kung hindi dahil ayaw kong mabastos sila. Mataas ang respeto ko sa mga magulang ni Enriel at hindi 'yon mababali ng isang simpleng Amethyst lang.
I tried to pull back my hand but Enriel had never let go.
"Stay here." Tumingin kaagad siya sa akin na para bang nakikiusap ang mga mata.
"Ayoko siyang makasama sa iisang mesa. Asawa mo pa rin siya at ayoko na magmukha akong kabit mo." Paangil na sagot ko sa kanya pero mas lalo niyang hinawakan ang kamay ko at ipinatong pa niya sa may zipper ng short niya.
Ay bwisit! Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko na nag-react 'yon kaagad sa dampi pa lang ng likod ng kamay ko.
Nagkatinginan kaming dalawa at saka ngumisi siya. "Stay here and let me be your man." Ulit pa niya.
Be my man? Parang tanga na ulit ko sa isip ng salita niya. Tatayo siya para sa akin?
Oo kasi tumayo nga rin ang kwan niya, gaga!
Wala akong nagawa. Hinintay ko lang ang pagbaba ng mga bisita. Alam ko kasi na matalik na magkaibigan sina Don Enrico at ang Daddy ni Amethyst. Ano naman ang karapatan kong pigilan ang dalawa na magkita? Hindi man siguro para kay Amethyst at Enriel ang gabi na ito at para naman 'yon sa friendship ng mga magulang nila.
At hindi ako atribidang babae na kokontra sa isang bagay na wala naman akong karapatan na panghimasukan.
"Ayokong mabastos ang mga magulang mo Enriel kapag inumpisahan ako ng asawa mo." Sabi ko sa kanya pero tila ba wala siyang pakialam, basta hawak niya pa rin ako at nakakachansing naman ako sa kanya. Ang laki niya talaga, sobra.
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...