For my bffs nakktawa hahaha. Love u beauties!
Episode XIV
FORBIDDENKendra
Abot-abot ang kaba sa dibdib ko habang binibihisan ko si Ken. Hindi nga matanggal ang mga luha ko sa mata pero hindi naman pumapatak.
"Ma, bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo sa date mo kagabi?" Malambing na tanong niya sa akin.
Dinampot ko ang suklay at inayos ang buhok niya. "Wala. Masaya lang si Mama na malungkot."
"Huh? Pwede ba 'yon? Masaya na mawungkot?" Kunot noong tanong niya.
"Pwede anak lalo na ngayon na masaya ako dahil mabubuo ka na." Nginitian ko siya.
Takang tumingin siya sa sarili niya na para bang sinusuri ang mga braso niya at binti. "Kumpweto naman ako Mama. May paa ako, may wegs, may uwo at may kamay."
Natawa ako sa kanya kaya nayakap ko siya. Nakita kong nakangiting nagpahid si Aling Susi ng luha niya. Pagkaalis kagabi ni Grieco, umiyak kaagad siya dahil iniisip niya na iiwanan na namin siya. Hindi ko 'yon gagawin. Hindi kami aalis ni Ken sa lugar na ito dahil lang dumating na ang ama ng anak ko at dahil magiging isang de la Cueva na siya. 'Yon ay kung papayag si Amethyst na ipadala ang apelyido ng asawa noon sa bata. Ako naman walang problema kung apelyido ko pa rin ang dala ng anak ko kahit na tumanda siya.
"Aling Susi, 'wag na pong umiyak. Mahal na mahal namin kayo ni Ken at hindi namin kayo iiwan. Parte na kayo ng buhay namin at kapag nawala kayo kulang na 'yon, ikaw, si Alice in Wonderland, ang tatlong magdalenang may lawit." Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya. Natawa naman siya at napasinghot.
"Mahal na mahal ko rin kayo ni Ken. Kapag iniwan niyo ako hindi ko alam kung paano pa." Hikbi niya.
"Mahaw namin ikaw wowa Susi." Yakap naman ni Ken sa aming dalawa.
Umiiyak akong napangiti at naagaw ang pansin ko nang may kumatok nang dalawa sa pintuang kahoy.
Kaagad akong napatingin at si Grieco ang nakita kong nakatayo roon.
"Pakape nga. Di pa ako kumakain." Biro niya kaagad saka tumingin sa bata. Ngumiti siya na nagpamukha lalong bata sa kanya.
"Tuloy ka at ipaghahanda kita." Ani Aling Susi at saka nagtangkang maglakad papunta sa kusina, pero pinigilan naman ni Grieco.
"'Wag na po, Aling Susing. Hinihintay na po kami nina Papa sa bahay." Aniya habang humahakbang papasok at nilalaro ang susi ng kotse sa kamay niya.
Sabay kaming nagkatinginan ni Aling Susing at tumambol na naman ang dibdib ko. Kinakabahan ako. Hindi sa dahil nagsisisi ako sa ginawa ko kung hindi dahil ayokong sumagot kapag pinagalitan ako ng mag-asawang de la Cueva.
Yumuko ako kay Ken at ganoon na lang ang pagkatingala niya kay Grieco. Ang isa naman ay nakangiti lang at parehas na nagmamasid sa isa't isa.
Tulog na kasi ang anak ko nang dumating kami kagabi kaya hindi na siya nakilala ni Ken. Ayaw naman niyang ipagising. Hindi ko akalain na ganoon siya kabilis na kikilos at kanina at nakatanggap ako ng text galing sa kanya, pinahahanda ako at pupunta raw kami sa mansyon ng mga magulang niya rito sa Maynila.
"Mama, sino siya?" Tanong ni Ken saka hinila-hila ang laylayan ng damit ko.
"Ako?" Ngumisi si Grieco at yumukod na halos pantay ni Ken. Kinarga niya ang bata at saka nagtitigan silang dalawa.
"Ako ang gwapong Daddy Eco."
"Mama?" Tumingin sa akin si Ken na parang nalilito. "Daddy daw. Siya ba ang Papa ko? Ngayon wang ba siya inanak kaya ngayon pa wang niya ako pinuntahan? Gawing ba siya sa itwog Mama?"
![](https://img.wattpad.com/cover/145373234-288-k588167.jpg)
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
Roman d'amourShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...