Epidsode XLIII

7.3K 216 32
                                    

Episode XLIII
FEAR and HEARTBREAK

Enriel

I looked at Amethyst blankly as I took my final step inside the restaurant. Nahagip kaagad ng mga mata ko ang babae na kumakain mag-isa at hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang ngisi niya.

"Hi love, have a seat." Alok niya sa akin nang basta na lang ako tumayo sa harap niya at pinakamasdan ko lang siya.

Wala ng kaamor-amor ang dating niya sa akin, siguro dahil punong-puno na talaga ako. Kung may ipinunta man ako rito, dahil 'yon sa bata. Pero hindi siya dapat na magsaya dahil hindi pa ako nag-uumpisa. Alam ko na gagawin niya ang lahat para lang mabawi ako kaya naiisip ko rin na baka nagpapanggap siyang buntis. At kung buntis man siya, baka nagpabuntis siya sa iba. Hindi ko alam, nalilito pa rin ako. Wala pa ring katinuan ang takbo ng isip ko pero kung ako man ang ama ng bata, buong pagmamahal kong aakuin kahit na hindi ko na mahal si Amethyst.

Maaaga akong nagpaalam kay Kendra at ganoon din kay Ken. Gusto naman ng bata na sumama pero hindi ko na nagawa dahil ganito nga ang pupuntahan ko. Baka saktan na naman ni Amethyst ang panganay ko, baka mapatay ko na siya ngayon kaya 'wag na lang. Naaawa ako sa mag-ina ko dahil papaalis na lang ang kotse ko ay nakatanaw pa rin si KC. Simula kagabi ay nawalan na siya ng sigla at hanggang sa paggising ay parang pilit niyang iniisip ang problema kaya sabi ko huwag na niyang intindihin dahil ako na ang bahala. I don't want to see her as lonely as that like she's a beaten puppy. Gusto ko ay 'yong masayahin niyang ugali. And I felt so sorry for putting her into a situation like that again this time. Dumating ako sa buhay niya ulit at ngayon nabibigyan na na naman siya ng pasakit. Hindi ko naman kasi matiis na huwag pumasok ulit sa buhay niya. Pakiramdam ko kasi ay siya na lang ang tama sa mundong ito kaya hindi ko na siya pakakawalan pa.

"Tumayo ka na at pupunta tayo sa duktor. I want to make sure that you're really pregnant and I will choose the OB-Gyne." Matigas na sabi ko kay Amethyst.

Parang gusto ko na ngang tumalikod dahil ayoko sa mukha niyang parang nagmamalaki pa ngayon sa akin.

"Pupunta tayo sa legal counsel at magpapagawa tayo ng kasunduan na bata lang ang obligasyon ko at hindi ikaw." Umigting ang panga ko nang mataray siyang sumandal sa upuan at nilaro-laro ng daliri iya ang tyan niyang hindi ko nga yata napansin na may bilbil na.

"You're so demanding, Enriel. Nakakalimutan mo yata ang sinabi ko sa phone call at sa text ko?" Ngumisi siya.

For the nth time I controlled myself. Sasakalin ko na siya maya-maya pa.

"Na ano? That you were blackmailing me?" I gave her a smug smile. "Come on Amethyst, oo mabait ako pero hindi ako bobo. The text message that you've sent was already reported as a grieve threat to your own child. And know what, you've just proven me how bitch you are as a person. Kung umaasa ka na madadala mo ako sa threat, sorry then, hindi ko iaatras ang annulment."

Nawala ang ngisi niya at napalitan 'yon ng masamang tabas ng mukha.

"Hindi mo kayang patayin ang bata." Dugtong ko pa. "That is kung mabuti kang ina."

She wickedly pursed her lips. "Believe me, I can." Ngumisi siya at ako ang natakot sa mga mata niyang nagniningas sa galit. Kilala ko siya kapag hindi nagbibiro.

My god, I think she has to see a psychiatrist, she's acting so strange and it got worse this time.

But I must not show her dread. She'll win if ever I do.

"Talaga? Papatayin mo ang bata na anak mo sa lalaking pilit mong kinukuha? Come on Amey, mahal mo ako kaya hindi mo 'yan magagawa sa anak natin, sa anak ko."

Sólo El Amor✔️(INC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon