Episode XXXII

7K 262 33
                                    

Episode XXXII
PAID DEBT

Enriel

Hindi ko sana gustong dalahin si Ken sa bahay ng mga Carrington pero wala akong magawa. Ayaw na humiwalay sa akin ng bata matapos kaming sabay na maligo kanina at iniwan namin ang Mama niya na nakahilata sa kama at humihilik pa.

Kahit na kinakabahan ako sa magiging paghaharap namin ni Daddy ay napapangiti pa rin ako at para akong tanga na patingin-tingin sa sarili kong kamay. This hand that I used to touch my KC so early in the morning.

The hell, her body felt like heaven. Haplos pa lang ay para na akong lumalambitin sa ulap. Natatawa lang ako dahil tulog si Kendra pero napaka-responsive niya. She’s such a very alluring woman, so one of a kind. Kahit na ang daldal niya ay ang sarap niya pa ring kausap at kasama. Kahit ang taray niya ay ang lambing niya pa rin. Kahit na ang sungit niya kung minsan ay ang bait niya pa rin.

“Papa, bakit ka nakatingin sa dawiri mo? May dumi ang kamay mo?” Ken asked while we’re walking toward the Carrington mansion.

Naibaba ko bigla ang kamay ko at parang nanakawin na isinuksok ko sa bulsa. Fuck, I can’t wait to kiss her there again and make her scream this time. The thing I wasn’t able to do to her the first time we made love. Nasa kotse kami kaya hindi siya pwedeng pasigawin sa sarap, ngayon kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay sisiguruhin ko na makilala niya ang totoong Enriel pagdating sa kama.

“Wala namang dumi, anak. I just remembered something special that I’ve touched this morning.” I smiled as I look down at him.

He’s so me. Parang lumiit lang na Enriel si Ken or shall I say parang bumatang Enrico rin. Kamukhang-kamukha kasi ni Papa kaya yata mahal na mahal siya ng ama ko na nagpumilit pang sumunod sa hacienda para lang makita ang apo dahil tuturuan daw na mamingwit.

“Something speciaw or someone speciaw?” Ken cleverly asked making me laugh.

“Intelligent little guy.” I smiled at him.

“Was it Mama?” He blinked.

Tumango naman ako saka ko mas lalong nilaparan ang ngiti ko kaya ngumisi rin siya.

“Sabi ko na. Hindi ako nagkakamawi tawaga. Si Mama pawagi ang speciaw sa’yo ‘di ba? I’m not jeawous because she’s my mother. Kahit pang-two wang ako.” Ken showed me his two fingers.

“Oh, that isn’t true. Parehas kayo ng Mama mo na number one, and when there comes another baby, tatlo na kayong number one.” I rumpled his hair when he giggled but I stopped immediately when I noticed Amethyst’s stepmother was waving at me.

I just nod.

Mabilis ‘yong pumasok sa kabahayan at maya-maya lang ay ang asawa ko na ang lumabas mula sa loob at saka paseksinh lumapit, suot ang isang napakaikling palda.

Totoo palang nandito siya.

“Love,” she proclaimed, wrapping my arm with her soft hands.

I glanced at Ken and I saw pain in his little eyes, but his little hand held my hand even firmer.

“I am not here to make amends Amethyst. I want to talk to your father.” I said right away. Ayokong makabuo siya ng kaisipan na siya ang ipinunta ko rito at mas lalong ayoko na isipin ng anak ko na niloloko ko ang Mama niya.

“Oh, kaya ba isinama mo ang baby mo? I opened the realrity to Daddy and I had come up to a better idea.” Sabi niya na parang iba na ang takbo ng isip niya kaya napatigil ako sa paglalakad.

Umikot siya sa kabila at kinuha ang kamay ni Ken saka hinawakan. She looked at me and stared into my eyes.

Naputol ang kung anumang sasabihin niya nang lumabas si Daddy mula sa bahay at tumayo sa portico.

Sólo El Amor✔️(INC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon