O mi gosh. This is it. Naiiyak ako pero i need to finish it. Every story always comes to an end. My beloved couple, Enriel and KC, just how much i love the real person who owns this true to life story. Salamt sa pagtitiwala na mabibigyan ko ng magandang story ang buhay mo. kenriel9215 . Alam ko na hindi perfect pero sana nagustuhan niyo. Thank you so much. Dedicated to all my followers and my readers. Sa mga readers na malapit sa puso ko at sa mga TEAM🐸KOKAK ko, Kontessa's Angels and BEAUTIES HAVEN gc.
🌻🌻🌻
Episode XLVI
Mi Sólo El AmorKendra
Napalinga ako sa paligid nang maramdaman ko na parang may nakatitig sa akin habang nanunungkit ako ng mangga sa likod bahay. Ito na ang ginawa ko simula nang iwan ako nina Mama at lahat sila ay pumunta sa mansyon kasama si Papa kanina. Iniwan nila akong lahat at pati si Ken ay kasama kaya madilim-dilim pa kanina ay inumpisahan ko nang manguha ng mangga ko. Parang busy kasi si Papa. Kauuwi lang niya galing Manila pero para siyang kinakabayo sa pagkataranta. Paroon at parito siya at malamang na dahil 'yon sa pag-alis niya. Baka tungkol sa mga inaaning produkto ng hacienda kaya parang hindi siya matahimik at dinaig pa niya ang kambing na hindi mapaanak sa pagkabalisa.
"May tao?" Tanong ko sa paligid. Kaluskos ang narinig ko pero wala namang tao.
Baka naman may nagpapantasya sa katawan ko. Sanay na kasi akong nakabestida at mas kumportable na ako rito lalo pa at nararamdaman ko na parang mas mabigat ngayon ang dinadala ko kaysa kay Ken noon.
Parang ang bilis lumaki ng t'yan ko at malaki na ang baby fat ko sa t'yan kahit na iisang bwan pa lang naman ang bunso ko.
Bunso ko na ito. Ayoko na umasa pa na madadagdagan na naman at mas lalong ayoko na mag-isip na magkaanak pa sa ibang lalaki.
"Yohoo, may multo?" ulit ko pa pero wala namang sumagot.
Hindi naman ako takot sa multo. Mas takot pa ako sa buhay na tao pero alam ko naman na safe ako rito kasi hindi rito nag-aaway ang mga tao.
Dinampot ko ulit ang pangawit at nagsimula akong sundutin ang mangga na nakalawit. Kanina pa ako sa isang ito pero ang tigas ng ulo ng mangga na ayaw maalis sa pagkakakabit sa sanga. Iyon ang napili ko kasi ang laki-laki at ang ganda pa.
Sa ganito ko na lang nililibang ang sarili ko kaysa maghapon na naman akong magmukmok at umiyak. Naaawa na ako sa baby ko sa t'yan dahil baka mamaya ay ipinaglilihi ko na siya sa sama ng loob. Kaya mas mabuti na manungkit na lang ako para mabusog pa siya sa t'yan ko.
"Peste kang mangga ka! Hindi kita tatantanan!" Gigil na hinampas ko 'yon ng panungkit at sa wakas naman ay tumalsik na 'yon.
Napangisi ako at kaagad kong nilapitan 'yon na nahulog na sa damuhan. Hinugasan ko sa gripo na pinaglalab'han ni Mama at saka ko na rin binalatan. Naglalaway na ako kaya binilisan ko na. Isinawsaw ko sa bagoong na nasa platito pero ubos na ang bagoong ko.
Nagmamadali akong naglakad papasok sa likod bahay habang ngunguya-nguya ako ng mangga. Puno pa ang bibig ko ay nilalantakan ko na ang isa pang pisngi kasi talagang nanunubig ang bagang ko.
Tuloy-tuloy ako sa kusina pero kaagad akong natigilan at kamuntik akong mabilaukan nang namamalik mata kong nakita si Enriel na parang hari na nakaupo sa upuang kahoy.
Napatigil ako sa pagnguya at kinuskos ko ang mga mata ko kasi baka may muta lang ako na korteng Enrique Gabriel de la Cueva. Pero sa pagmulat ko ay naroon pa rin siya at nakatitig sa akin. Ang mga mata niya ay parang tinutunaw ako sa tingin at wala siyang kakurap-kurap habang nakausli nang kaunti ang mga labi niya.
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomansaShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...