Episode XXIII
GUARDEDKendra
“Mama”
Natigilan ako sa pagdaldal habang naglalakad nang may batang yumakap sa akin. Kaagad ko siyang nasilip at si Kenny Gabriel nga ang nakikita ko. Namamalik mata ba ako?
“Anak mo?” Tanong sa akin ni Hickey. Parang gulat siya pero nakangiti akong tumango.
“Oo, baby ko. Anak ko sa pagkadalaga. Eight na siya at sixteen lang ako nang magbuntis sa kanya.” Kwento ko habang yakap si Ken.
“Wow.” Tumaas ang mga kilay niya. “So very young. Hindi naman halata na Mommy ka na.” Sabi niya.
Binalingan ko ang bata. “Sinong naghatid sa’yo rito? Paano mo ako nakita?”
Tumawa siya. “Si Papa. Humahaba na raw weeg niya sa pagtingin sa’yo. We’re waiting for about an hour Mama. Inip na si Papa at gusto ka na niyang puntahan sa cwasaroom kung saan ka nagte-test.” Kwento niya.
“Nand’yan ‘yong Papa niya?” Usisa pa ni Hickey. Simula nang magkita kami kanina ay hindi na niya ako nilubayan. Kasama ko kanina si Loida kaya lang ay umuwi na kasi natatae raw ang bakla at namamahay ang pwet. Tapos nang mag-text sa akin ay nag-e-LBM daw kaya hindi na makakabalik. Kaya ko naman mag-isa, kaya lang pinasamahan ako ni Aling Susi kasi nag-aalala sa akin.
“Oo, umuwi kasi galing America kaya nagkita sila.” Sagot ko naman. Bakit ba ang chismoso niya sa buhay ko? Kanina pa siya tanong nang tanong.
Nagtataka rin ako sa kanya kasi may-ari pala ang pamilya niya ng sikat na clothline na Hickeys pero nag-exam siya para sa scholarship. Ayoko naman magtanong. Ano ako, chismosa?
“I see.” Tango niya saka nginitian si Ken, pero sa gulat ko ay hindi ngumiti ang friendly kong anak.
Hindi ko na lang pinansin kasi baka mapahiya. Mamaya ko na pagsasabihan kapag nakauwi na kami.
“Sasabay ka sa kanila o… ihahatid kita?” Sa akin na ngayon nakatingin si Hickey. Ang sagwa naman kasi ng pangalan niya, ang bastos.
“Ahm – s” Sagot ko pero kaaagd na naging boses lalaki ako nang may sumabat galing sa may likuran.
“Ihahatid ko siya kaya umuwi ka na.” Biglang sabi ng isang ponsyo pilato kaya napalingon ako.
Si Enriel.
Ang lintik! Ang gaspang ng ugali. Naka-krus ang mga braso niya sa dibdib at wala siyang kangiti-ngiti.
Nagkatinginan ang dalawang lalaki.
“Text-text na lang Hickey. Sasabay na ako sa anak ko ha. Thanks sa meryenda at sa lunch. Nice meeting you.” Paalam ko sa lalaki para maputol na ang makamatay nilang mga tingin.
“Okay. Bye Kendra. I’ll see you again.” Sabi niya sa akin kaya ngumiti ako at kaagad na napawi nang magparinig si Enriel.
“There’s no more next time.” Sagot niya sa hangin tapos ay kinarga di Ken.
Tatamaan siya sa akin mamaya-maya lang.
Hindi na naman siya pinatulan ni Hickey at umalis na lang ‘yon papunta sa sasakyan na dala.
Nagkakilala kami kanina dahil nagkauntugan kami nang lumiko ako sa corridor at ganoon din naman siya. Dinaig ko pa ang bubwit na bumangga sa pader kasi malaki rin siyang tao.
“Alam mo ikaw – a” Naputol ang sermon ko nang talikuran ako ni Enriel.
“Sakay sa kotse.” Mariin na utos niya kaya lalo lang akong nainis.
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomansShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...