Episode IV

9.2K 266 25
                                    

Episode Four
EXHAUSTED

Enriel

“Papa,” Halos mapaluha ako nang makita ko siya na nakahiga sa hospital bed. Limang taon na rin kaming hindi nagkikita dahil ang huling bisita niya sa America ay noong nakaraang limang taon pa. And now, here I am. I am back to the country that is so close to my heart, to my family.

Niyakap ko siya nang ngumiti siya sa akin. “My big boy.” He gently patted my back. Parang wala namang nagbago kay Papa sa pisikal na aspeto. He’s  still so good looking and burly, parang wala siyang iniindang sakit kahit na meron naman.

“Don’t worry about your old man. I’m  still strong. Only that, you have to be more responsible. You don’t  have a choice but to be the Chairman of dela Cueva Industries.” Sabi na kaagad niya sa akin. Kahit kailan hindi pa rin nagbabago si Papa, napakaresponsable pa rin niyang padre de pamilya.

“Don’t think about it for now, Pa. Please spare yourself from stress.” Sabi ko sa kanya nang bumitaw ako. Sumunod naman na yumakap si Amethyst sa kanya.

“Hello, hija. I’m  glad to see you. You’re getting younger.” He smiled after gazing at Amethyst’s face.

Ngumisi naman ang asawa ko. “Thanks, Pa. I miss you. Masyadong babaero ang anak niyo at laging umuuwi nang ala una ng madaling araw.” Umikot ang mga mata niya at tumirik pa.

Damn her for telling stupid lies. “Please don’t stress Papa, Amethyst.” Saway ko sa kanya pero lumayas siya sa may harap ko at paismid-ismid na naupo sa sofa. Ang sama tuloy ng tingin sa akin ni Papa kaya nagkatinginan kami ni Mama.

“Magpahinga ka na, Enrico. Enriel is here, so you must relax yourself.” Salo ni Mama para maiiwas lang ako dahil sa katabilan ng asawa ko. Mas pa-baby pa nga siya sa sarili kong ama kaysa sa akin.

“I have an important event to attend. Hindi ko pwedeng-mamiss iyon anak.” Papa said while laying back to his bed. Hawak nkya ang dibdib kaya inalalayan ko siya.

“Sure, Papa, kahit na ano.”

“My former employee who’s  now a chairman of Baranggay Maligaya invited me to become one of the judges on their upcoming beauty pageant.” Sabi niya kaya tumango naman ako. “Since that I cannot go, I want you to stand on my behalf, in behalf of the contest. Nag-sponsor ako ng thirty-five thousand pesos para sa mananalo at may sobre pa akong iaabot, worth ten thousand, Enriel. At isang dinner date ang premyo naman ng bunso mong kapatid na si Grieco. Kaya lang hindi siya pwede na mag-judge kasi busy siya sa kanyang race school.”

I nodded again. “As you wish Papa. Walang problema sa akin. Kahit anong ipagawa niyo, willing akong gawin lahat hangga’t hindi pa kayo maayos. If you’ll get better sooner than soon, I’ll give back the position of being the Chairman of dela Cueva Industries, I will act only as a temporary one.”

“No.” He holds my arm and squeezes it. “I want to retire and just enjoy myself. You will no longer fly back to America. Si Hermes na ang bahala sa negosyo roon. Dito ka na sa akin at ikaw na ang bahala sa kumpanya. I could see how time molded you to become a fine and responsible dela Cueva. Iba ka na sa dating Enrique Gabriel na walang alam kung hindi ang magpasarap sa buhay.” Ngumiti siya at parang nakalimutan na ang idinaldal ni Amethyst tungkol sa akin.

At totoo nga yatang nagbago na ako. Sino bang hindi magbabago kung araw-araw ay hamon sa akin ang sarili kong asawa? Parang hindi ko na nga halos matandaan kung kailan ba ako huling ngumiti o kung alam ko pa pa bang gawin ang bagay na ‘yon.

“Thanks, Pa. Uuwi muna kami. I’ll be back to see you again and Mama.” Paalam ko sa kanya.

Hinalikan ko mjna siya pagkatapos ay si Mama, saka kami ni Amethyst lumabas ng kwarto. Nasa sasakyan naman ang mga maleta kaya wala namang bitbit na nakakailang.

Sólo El Amor✔️(INC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon