Episode XI
BLIND DATEKendra
"Bakla! Bakla! Diyos ko bakla! Magbihis ka!" Tumatakbong tili ni Aida at walang paalam akong hinila papasok ng bahay.
"Hoy 'yong iniihaw ko! Ano ba? Ano bang meron? Mga bwisit talaga kayong tatlo!" Naiinis at nalilitong litanya ko.
"Kami na ang bahala sa ihaw-ihaw, tuhog-tuhog mo." Sabi naman ni Lorna.
Sila na ni Fe ang pumalit sa pwesto ko sa harap ng BBQ stall habang hila naman ako ni Aida. Bitbit niya ang isang bag at isang takong. Ang walang hiya, gagawin na naman yata akong manika.
Tatlong araw na ang nakalipas simula nang matalo ako sa pageant at nakapag-move on na ako. Ganoon naman dapat. 'yon ang napag-aralan ko simula nang umalis ako sa hacienda. Hindi ko saklaw ang ikot ng gulong at ang kapalaran ko. Ang tanging magagawa ko lang ay magpakabuting tao at maging matatag sa pagsubok ng buhay. Na-realize ko kasi na wala namang mangyayari kung ilulubog ko ang sarili ko sa mga pangyayaring hindi naman ako ang may kontrol. Kaya heto ako at maayos na.
Naipaliwanag ko na rin naman sa anak ko ang lahat. Umiyak siya, syempre. Normal naman iyon sa bata, pero ipinaliwanag ko sa kanya nang maayos na hindi talaga lahat ng bagay ay nakukuha. Sabi ko sa kanya na baka kako hindi pa oras para sumali siya sa drawing and painting lessons. Salamat naman kasi naintindihan niya at magdadasal na lang daw siya kay Papa Jesus na bigyan ako ng three thousand.
"Ano bang meron?" Tanong ko kay Aida nang itulak niya ako papasok sa maliit na kwarto.
Hindi niya ako pinansin. Para siyang natataranta. Pawis na pawis siya at walang pasintabi na hinubaran ako ng t-shirt.
"Hoy! Trespassing ka!" angil ko sa kanya pero wala siyang pakialam.
"Hoy gaga! Hindi tayo talo, parehas tayong may perlas. Hubad ng short, bilis na!" Utos niya.
Nang hindi ako kumilos ay siya ang gumawa noon. Hinila niya ang twalya at binalot ako, saka niya ako itinulak papunta sa banyo.
Patingin-tingin si Ken sa amin na parang nagtataka. Hanggang sa sumunod siya sa banyo at tumayo sa may pintuan. "Tete Aida ganda, saan niyo po dadawhin si Mama?"
"Doon Kenny boy sa magandang building. May aasikasuhin lang ang Mama ha. Doon ka muna kay Lola Susi mamaya mag-sleep ha." Malambing naman na paliwanag ng isa habang halos matuklap na ang anit ko sa sobrang pagkuskos niya ng shampoo.
"Aawis po si Mama? Babawik ba siya?"
"Oo, babalik siya. May kakausapin lang siyang pilato roon at konting chikahan ay uuwi na siya. Kapag sinuwerte ang Mama mo ay may datung siya." Humagikhik ang bakla kaya nangunot naman ang noo ko.
Ibebenta pa yata ako ng bruhang ito.
"Ano pong datung?"
"Money, you know?" Sagot ulit ni Aida.
"Oh," Humagikhik ang anak ko kaya napangiti ako. "Yes, money. Why do you caww it datung, tete Aida? That's so new."
Nag-english na ang palahi ng ama niyang halimaw. Pero si Enrique Gabriel lang ang halimaw at hindi si Kenny Gabriel ko.
Nawala ang ngiti ko nang maalala ko na kuha nga rin pala sa pangalan ni Enriel ang pangalan ng anak ko. Dapat pala hindi ko na sinunod sa pangalan niya. Mas lalong hindi niya talaga pwedeng malaman ito.
Nagulat pa ako nang bigla akong buhusan ni Aida ng isang timbang tubig.
"Hoy! Walang hiya ka talaga! Lulunurin mo akong impakta ka?!" Ngali-ngali ko siyang suntukin kata tawa nang tawa si Ken habang nakatakip sa bibig niyang maliit.
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...