Episode XVII
BUILD ITEnriel
Sitting on the mattress while watching my son plays with my collection is incomparable. Hindi ko na maialis ang mga mata ko sa kanya. Dito pala siya dinala ni Papa sa kwarto ko kapag nagbabakasyon kami rito sa Manila. Lahat ng robot collection ko nandito at lahat ng mga battery operated na mga helicopters. I am an aeronautical engineer but latter decided to study Business related course for my family's businesses. Wala naman kasing mag-aasikaso kung hindi kaming tatlong magkakapatid, at ako pa ang panganay kaya lahat ng problema ay nakaatang sa balikat ko. Hindi ko na rin nagamit ang propesyon na tinapusan ko dahil gusto ko naman na magpakaresponsableng anak.
And my son... ano kayang gusto niya paglaki?Kung siya ang may-ari ng mga drawings na 'yon sa bahay ni Aling Susing, malamang na gusto niyang maging Engineer o Architect. Puro bahay ang nakadrawing doon at iisa ang drawing na tao, babae. Malamang na si Kendra 'yon.
Nagduda na ako kaya lang hindi ako nagtanong. I felt that I was not in the right position to ask her that time. She's so mad and she has all the right in the world to feel that way. Kaya hinayaan ko siya na sumbatan ako kasi alam kong malaki ang pagkukulang ko sa kanila. Paano ko siya masisisi sa pagtatago niya sa akin ng katotohanan kung buhay ko ay nakilala ko siyang malambing at napakabait na babae? Gago lang ako kasi sinamantala ko nga tapos pinabayaan ko lang naman siya.
Now I regret a lot. I should've told my father the truth. Baka sakaling isinalba niya ang kumpanya at hindi ko na kinalangan na talikuran pa si Kendra para lang sa isang kasunduan na pambayad utang.
Ngumiti ako nang lumingon si Kenny Gabriel sa akin. Kinakausap kasi siya ni Kendra at habang tinitingnan ko sila ay walang kasing panatag ang loob ko. Ewan ko pero ngayon lang ako nakaramdamdam ulit ng kapayapaan. Ang sarap nilang tingnan at hindi 'yon sa dahilan na gusto ko kasing magkaroon ng anak. They really look so perfect together. Maganda ang ina at gwapo naman ang bata. Para lang silang magkapatid kung titingnan. And I love her look. She looks so young though she works a lot, perhaps bacause she's happy and she's quite amazing when it comes to handling things accordingly to how they should be laid.
Lumapit sa akin ang bata na parang tinatantya ako. Hawak niya ang pinakapaborito kong puti na helicopter, the most expensive, too. Bili 'yon sa akin ni Papa na malamang kung ikukumpara ko sa halaga ng pera ngayon ay fifteen thousand na. I don't know what's with that shit why the price was so high.
"Love mo na si Papa?" Tanong ko sa bata.
Tumango naman siya at yumakap sa akin.
God... I held him tight and kissed his little head so many times. Mukhang hindi pagkatao niya ang nabuo, kung hindi sa akin yata. Ang gaan sa pakiramdam na mayakap ako ng anak ko.
"Wove na kita kasi sabi ni Mama mabait ka naman daw kahit iniwan mo siya. Kaya wang may asawa ka na pawa." Tumikal siya at tiningnan ako sa mata.
Wala akong gaanong maintindihan pero ang ibang salita ay nakukuha ko naman. "Yes, I have but no baby yet." Sabj ko naman sa kanya pero nanulis ang labi niya.
"Di mo na nimamahaw si Mama ko? Di na tayo magiging happy famiwy kasi may iba ka ng asawa. Pwede mo rin asawa si Mama?" Ngumisi siya.
I looked at Kendra at parang pinanakitan siya ng ulo dahil sa tanong ng bata.
"No I can't. Hindi pwede na dalawa ang asawa ng lalaki. That's bad. Makukulong ako o kaya ang Mama mo o kaya parehas kami." Paliwanag ko kay Ken kahit na alam kong hindi pa niya naiintindihan.
At least habang bata pa siya ay maitanim ko na 'yon sa isip niya para naman hindi na siya gumaya sa akin na mali-mali ang desisyon sa buhay.
"Gusto ko rin ng kapatid."
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...