Episode VIII

8.5K 318 20
                                    

Episode VIII
DEFEATED

Kendra

"What is your biggest mistake in life that made you regret and wished that you could turn back time to reorganize it?"

"Nothing. I don't  have any single mistake that I want to regret, because from my own mistakes, I've learned a lot of things which molded me to become a well defined human being and mostly a better person, a strong woman who could stand fortified and fight for the things which I think are worth battling for and to never give them up."

Sinagot ko ng tama sa abot ng kakayahan ko ang tanong ng Enriel na 'yon pero wala...

Hindi maampat ang luha ko habang nagpuprusisyon kami nina Aida, Lorna at Fe. Mag-aalas dos na pero heto kami sa kalsada. Para kaming mga Reyna Elena na tinakasan ng escort at ng mga tao. Ang sama-sama ng loob ko. First runner up lang ako at sasampung libo ang napanalunan ko. Hati pa kami ng tatlong bakla kaya paano ko pa i-e-enroll si Ken sa drawing at painting tutorial? Early enrollment na rin kasi at syempre mas uunahin ko ang libro ng baby ko.

Walang hiya talaga si Enrique Gabriel, alam kong siya ang nagpatalo sa akin dahil narinig ko na point five raw ang iskor niya sa akin sa lahat ng category. Naungusan tuloy ako ni Theresang Hipon ng dalawang puntos. Wala akong pakialam s kantyaw na first runner up lang ako. Ang mas importante sa akin ay iyong kaligayahan na maibibigay ko sa anak ko na alam kong abot langit ang ngiti niya.

Ngayon hindi na. Lalo akong humikbi at inis na naupo ako sa gilid ng kalsada.

"Hoy, tama na 'yan. Sa susunod mananalo na tayo. Para naman palang siraulo 'yong boylet mo. Bakit naman kung makayakap sa'yo kanina ay wagas na wagas pero ngayon ka naman inilaglag." Sabi ni Fe.

Umiyak ako na parang bata. Bitbit ko ang takong ko at wala akong pakialam kung mapaltos ang paa ko sa alay lakad. Lakad ng mga sawing palad. Kinapos ang ikot ng gulong kaya talunan.

"Kawawa naman ang baby ko." Iyak ko pa. Iiiyak ko na kasi ayokong makita ako ng anak ko na ganito. Simula pa noon ay supermom ang tingin niya sa akin kaya ayoko na makita niya akong nasasaktan at umiiyak.

"Hindi na namin kukunin 'yong kalahati. Isang libo lang. Para na sa drawing lessons ni Kenny boy." Sabi sa akin ni Lorna at saka naupo siya sa tabi ko. Hinimas niya ang likod ko dahil nakayukyok ako sa mga tuhod ko.

"Hindi. Ibibigay ko 'yon sa inyo dahil pare-parehas naman natin na pinaghirapan ito. Hayaan niyo rin na maintindihan ng anak ko na hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa isang kurap lang mga mata." Humikbi ulit ako. "Hindi rin nakukuha sa kembot at ganda, sa posing at sa ngiti na parang model sa TV lalo na kung may impaktong judge." Inis na ibinato ko ang sapatos sa gitna ng kalsada kaya naman hinabol ni Aida.

Naaawa lang talaga ako sa anak ko. Hindi lang alam ni Enriel kung gaano ito kahalaga para sa akin, para kay Ken. Kung alam lang niya, baka pagsisihan niya ang ginawa niya.

Alam ko na lahat ng judges ay nagtataka sa ibinigay niyang score sa akin, kung totoo man, kaya lang isa siyang de la Cueva. Laman ng TV, ng dyaryo o ng radyo ang negosyo nila. Kung noon ang namamayagpag sa mga iba't ibang produkto ang UNIDIVER, ngayon de la Cueva Industries na. Sinong sasalungat sa kanya? Mas mabuti pa yatang si Don Enrico na lang ang naging judge at baka kung nakilala pa ako ay papapanalunin ako. Napakasama ng ugali niya. Ano na bang ipinakain sa kanya ni Amethyst at ganoon na siya? Ang taong inaasahan ko na tutulong para makalusot doon ay walang pag-asa.

Kung sabagay ay anong aasahan ko? Mukha namang hindi siya kumporme sa pagsali ko. Dahil ba nakikita niyang hindi ako bagay na maging Ms. Maligaya at iparada ngayong darating na Fiesta o dahil gumaganti siya sa ginawa ko kaninang pagpapaalis sa kanya.

Sólo El Amor✔️(INC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon