Episode XX
STARTING OVER AGAINKendra
Pagkagising ko ay tulog pa si Enriel sa upuan nang lumabas ako sa kwarto. Ang laki-laki niyang tao at sobrang-sobra ang mga binti niya sa patungan ng kamay ng bamboo set ko. Nakalaylay sa sahig ang isang braso niya at ang isa ay nakapasok sa pantalon, sa kaumbukan ng pagkalalaki niya.
Susko! Napatingala ako. Minamahal niyang tunay ang kanyang malaki at matabang footlong. Akala naman niya nakakawin ko? Kaya ba hawak-hawak niya kahit na tulog siya? Hmp! Ano ako bali? Mahirap nakawin ang footlong niya kasi nakakabuo ng bata.
Tiningnan ko siya ulit kasi baka patay na siya. Marahan akong lumapit at tiningnan ko ang sugat niya kung dumugo pa.
Wala naman siyang pasa sa mukha at wala namang galos sa braso. Nagtataka ako kung sino ang nakaaway niya at parang ang sama-sama ng loob niya na parang naiiyak pa siya habang umiigting ang mga panga.
Hindi kaya si Amethyst? Bayolente kaya ang asawa niya?
Tiningnan ko ang dibdib niya, tumataas-baba naman. Haaay, buhay siya. Akala ko ay namatay na siya sa sugat kasi hindi maampat ang pagdurugo kagabi. Sinilip ko pa siya at tiningnan kung kamusta. Hindi rin naman kasi ako makatulog kasi lalo pa at alam kong nasa malapit lang siya pero siya ay tulog na tulog at malamang dala ng pagod. Ang amo ng mukha niya at hindi pagtatakhan na mabait siyang lalaki talaga.
May mga pagkakataon na sumasama pa rin loob ko pero kapag nakikita ko naman na parang bumabawi siya ay napapawi naman. At isa pa ay sapat na ang pagmamahal niya kay Ken, at sa pagtitiwala sa salita ko na siya ang ama ng bata.
Siya naman talaga! Gago siya kung magpapa-paternity test pa siya. Alam naman niyang siya lang ang nakauna sa akin, kaya lang hindi naman nga pala niya alam na siya rin ang huli. Kaya nga yata tinanong niya ako at matapat ko naman na sinagot kahit na alam kong lalaki ang bayag niya sa yabang na wala akong hinayaan na tumikim pa sa akin pagkatapos niya.
Saka daig din ng kabaitan niya ang lahat ng kalokohan na ginawa niya sa akin noon.
Napatitig ako sa mukha niya. Kapag tinititigan ko siya, nakikita ko pa rin ang mukha niya noong 21 pa lang siya, pero kapag hindi ay iba na siya, noon may halong ka-cute-an ang bata niyang mukha, ngayon purong kagwapuhan na lang. Lalaking-lalaki at machong-macho. Bumaba ang mga mata ko sa braso niyang may mga muscles, sa dibdib niya na malapad.
Big time na big time na ang dating niya. Kung noon ay mayamanin na ang hitsura niya, lalo pa ngayon na siya na pala ang chairman ng de la Cueva Industries.
Bigla akong napatalon nang may gumapang sa binti ko at tumaas ang sulok ng labi niya.
“Inay! Ipis!” Akala ko ay ipis na gumapang kaya mabilis akong napaupo at itinaas ko pa ang paa ko kahit lumabas ang singit ko, pero mali dahil sa tyan niya ako sumakay.
Kamay pala niya ang gumagapang sa binti ko at gising siya. Ang halimaw! Bwisit!
“Bigat ah. Dalaga na talaga.” Tuluyan na siyang nagmulat ng mga mata at ang kamay niyang nakasuksok kanina sa kayamanan niya ay nakawahak na ngayon sa pwetan ko.
“Bastos ka!” Angil ko sa kanya kaya mabilis akong bumaba. “’Yang kamay mo kung saan-saan mo isinusuksok tapos ihahawak mo sa akin.” Pagpag ko pa pero nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin.
“Malinis naman ang kamay ko.” Painosenteng sagot niya saka tiningnan pa ang palad.
Ginawa niyang unan ang isang braso niya. “Good morning.” Ngumisi siya nang maganda pero tinalikuran siya.
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...