Episode XXIX
DIRTY ENRIELKendra
Hindi humihiwalay sa akin ang dalawa ko pang mga kapatid nang ipakilala sila sa akin ni Mama. Dito na kami inihatid ni Enriel matapos makakain sa mansyon at matapos akong umiyak. Nahiya rin ako sa kanya pagkatapos dahil hindi ko rin alam na ganoon ko mararamdaman ang mga salita niya. Hindi ako mandhid para hindi maramdaman ang sincerity niya. His lips may lie but not his eyes.
Gusto ko mang magbulag-bulagan pero hindi ko magawa kasi hindi naman ako bulag. Baka mamaya ay matulad ako kay Pina na nagkaroon ng maraming mata at naging pinya sa Alamat ng Pinya, kapag nag-anyo akong bulag na hindi makita ang sinasabi ni Enriel na pagpapahalaga niya sa akin at sincere napaghingi ng sorry.
Nakaupo kami ngayon sa isang mahabang upuan at nasa magkabila kong gilid ang mga kapatid ko at nakayakap sa akin. Mga bata pa sila nang iwan ko pero ang lalaki na nila ngayon. Babae ang sunod sa akin at lalaki naman ang bunso.
Kalong ni Mama si Ken at walang tigil ang paghalik niya sa bata na parang pinanggigigilan niya.
Nang dumating kami ay umiyak siya kaagad nang makita ako. Wala siyang sinabi kaya ako ang lumapit at yumakap sa kanya. Kung noon siya ang nagpapatahan sa akin, ngayon na malaki na ako ay ako naman. Kulang na kulang pa nga kung tutuusin sa bigat ng kasalanan na nagawa ko pero parehas sila ni Papa na wala akong narinig na sumbat. Minamahal pa rin nila ako at ang laking pagkakunsensya ko na iniwan ko sila at binigyan ng pasakit.
“Ma,” tawag ko roon at tumingin naman sa akin. “’Di mo ba ako pagagalitan? Nakuha ko pang itanong.
Sumulyap siya kay Enriel. “Pagagalitan ba kita kung narito si Señorito Enriel? Nasaan naman ang lakas ng loob ko na magalit pa sa ginawa niyo kung nakabuo naman kayo ng gwapong-gwapo na apo ko.” Gigil na hinalikan na naman noon ang bata na humagikhik na sobra.
Nakabuo raw. Nag-experiment lang kaya nakabuo.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Enriel pero parang proud na proud naman ang halimaw samantalang ako ay parang sinindihan ang mga pisngi sa pagkapahiya.
“Saka anak, siyam na taon na ang lumipas. Kung galit man ako noon, lumipas na ‘yon dahil mas mahalaga para sa amin ng Papa mo na buhay ka. Hindi katulad noon na isip namin, wala ka na.” Parang naiiyak na naman siya pero nakontrol naman nang tinginan niya si Ken. “Saka sino ang magagalit sa ganito kapoging bata? Kaya lang, sana lang anak kung may hindi ka magandang nagawa, sa amin na ng Papa mo ang punta mo ha at hindi sa mag-isang pagharap sa problema. Kahit na gaano ka pa tumanda, anak ka pa rin namin at gagabayan ka namin hangga’t nandito kami.”
Tumango ako. “Sorry, Ma.” Nahihiyang tumingin ako sa kanya.
“’Wag ka ng umiyak. Alam kong marami kang natutunan sa buhay dahil sa isang bagay na’ yon na nagawa mo na hindi maganda. ‘Wag na nating pagsisihan kasi kawawa naman ‘yong bata, ha.” Tumingin naman siya kay Enriel.
“Pwede rin kayong magalit sa akin Mama Trining.” Sabi naman ng halimaw sa Mama ko.
Napamulagat ako. Sinasabi ko na nga ba at Mama ang itatawag niya sa Mama ko. Ngumiti si Mama sa kanya habang tinitingnan siya.
“Naku señorito, hindi na kailangan. Hindi ko na maibabalik ang noon para baguhin ang nagawa niyo ni Kendra. Saka alam ko naman na hindi lang ikaw ang may kagustuhan noon kaya nangyari. Kung may hinanakit man ako, paano ang gagawin niyo ngayon at may asawa na naman kayo?” Prangkang tanong niya kay Enriel.
Gusto ko sana siyang pigilan kaya lang karapatan niya ‘yon bilang nanay ko.
Tumango si Enrique Gabriel at mapagkumbabang ngumiti. “Hiniwalayan ko na si Amethyst.”
![](https://img.wattpad.com/cover/145373234-288-k588167.jpg)
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...