Episode V
UNEXPECTEDKendra
"O Diyos ko naman Kendra ganda, anong oras na. Nakakabwisit ka. Sinabi ng 'wag ng magtinda, talagang nagpausok ka pa." Bwisit na litanya ni Aida sa akin habang hindi siya magkandaugagang isara ang payong.
Ano bang pakialam niya kung gusto kong magtinda? Alas syete pa naman ang pageant pero para namang daig pa ng tatlong bakla ang hinahabol ng kabayong de itak sa pagmamadali.
"Huwag niyo na akong daldalan dahil baka mag-backout ako, wala kayong kandidata." Sabi ko naman habang itinatago ang mga bao kaua napatigil sila. Kanina pa kasi sila reklamo nang reklamo. Para naman bang Miss Universe ang sasalihan ko.
Binibilisan ko na nga at inagaw ko na ang payong kay Aida dahil hindi niya maisara pero kung kailan naman talaga nagmamadali ay saka naman talagang minamalas dahil humangin at inilipad ang lintik na payong.
"Ayy!" Tili ko at para akong nakikibaka habang hawak ang katawan ng payong na sobrang bigat.
"Bilisan mo na Kendra, magbibihis ka pa." Sabi naman ni Lorna habang hila na ang ihawan ko papasok sa loob ng bahay.
Pinilit kong maisara ang lintik na payong pero nagulat ko nang may sumabog na gulong. Kaagad akong napatingin sa magarang sasakyan na lumiliko-liko. Napatakbo ako at napatago sa may puno ng mangga dahil baka dumiretso sa akin ang kotse, pero tumigil naman 'yon at sa mismong tapat pa ng bahay ko.
Napakurap ako habang pinagmamasdan ang sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang kotse na ubod ng kinang. Wala naman halos dumaraan na mga ganoon kagarang sasakyan sa lugar namin, at kung meron man, siguradong hindi taga roon o kaya ay papunta kay kapitan. Pero ang nakikita ko ay hindi basta ganoon lang. Hindi pa ako nakakita sa personal ng ganitong kotse na parang halos sumayad sa kalsada ang katawan.
Napatunganga pa ako saglit dahil baka kailangan ng tulong ng may-ari. Lalo pa kung babae ay baka hindi makapagpalit ng gulong, pero sa pagkagulat ko ay lalaki ang bumaba.
"Fuck!" Mura niya kaya natigalgal ako. Umigkas na lang kasi iyon galing sa bibig niya nang lumabas siya sa kotse. Hindi ko gaanong maaninga ang mukha niya dahil hilot niya ang noo.
Nakasuot siya ng isang itim na suit. Parang nakita ko ang ganoong klase ng damit sa magazine, at sigurado ay mamahalin 'yon katulad ng kotse niya.
Ang laki niyang tao at pati katawan ay ganoon din. Malapad ang likod niya at parang isang lalaking galing sa libro ng metolohiya. Naku, imposible. Myth lang naman ang mga gods and goddesses kaya paanong may ganoong lalaki sa mundo?
He reminds me of someone from my bitter past, but that's so impossible. Sa tagal ng panahon ay hindi ako naniniwala na magku-krus pa ang landas namin ni Enrique Gabriel. And this man that I am looking at is bigger than that asshole and way lot different from the way how this man dresses himself. Rugged ang balahura na 'yon at ito ay parang kagalang-galang ang dating. Iyong tipong gagalangin at parang iiwasan ng tao na masungit ang balat dahil parang magkaka rashes kaagad.
Napatulala ako nang inis niyang suklayin ang buhok gamit ang mga daliri at inilagay ang isang kamay sa baywang habang nakatingin sa likurang gulong ng sasakyan.
Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng paghanga na ganito sa lalaki. Akala ko manhid na ang puso ko pero bakit parang iba ang pakiramdam ko sa lalaking yayamanin?
Asa pa more Kendra, gusto mong majuntis na naman at iiwan ka na naman ng lalaking hinayupak?
Pinilit kong huwag ng pansinin at nawala na rin ang atensyon ko nang sumigaw si Fe sa loob ng bahay. "Kendra! Bagong taon na, nanadya ka talaga! Kung di ka lang maganda tatalupan kita!"
![](https://img.wattpad.com/cover/145373234-288-k588167.jpg)
BINABASA MO ANG
Sólo El Amor✔️(INC)
RomanceShe's pure, She loved him, He wrecked her... He came back, Making her feel she's that special, but she's afraid...