First day of school, another time of being lonely again.

571 6 2
                                    

Pagkapasok na pagkapasok ko ng school, huminga ako ng malalim. Alam ko naman ang mangyayari eh. Bubullyhin nanaman ako, di ko naman magawang magsumbong. Lalo lang akong sasaktan kapag ginawa ko yun. Wala ring magawa sakin yung mga studyante dito dahil takot din sila.  Walang alam ang mga magulang ko tungkol dito, ang alam kasi nila marami akong kaibigan. 

Pumasok ako sa pintuan ng school at sumalubong sakin ang maraming tao. Yung iba nakatingin sakin, yung iba nag uusap-usap nalang sila na parang sampung taong hindi nagkita. Pumasok agad ako sa classroom kasi wala naman akong kasama o makakausap sa labas. Nagbasa muna ako ng dala kong libro hanggang dumating na sila lahat, walang gustong tumabi sakin. Nakayuko ako habang hinihintay ang professor namin nang may naramdaman akong tumabi sakin.

"Hello."  nagulat ako dahil may kumausap sakin, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang isang lalaki, matangkad siya, maputi, at maganda ang porma.

"Hi." sabi ko.

"Ako nga pala si Kurt, Kurt Padilla" sabi niya. pamilyar ang last name niya, nakipagkilala ako.

"Hi Kurt, ako nga pala si Audrey, Audrey Ocampo. Nice to meet you" sabi ko at nginitian ko siya.

"Audrey, what a very nice name. Sa ganda mong yan, magiging close tayo."  nakangiti niyang sinabi sakin. First time akong masabihan nito ng ibang tao na maganda ako since grade school. Usually, mommy ko lang nagsasabi sakin nun. Nag-blush ako bigla.

"I'm a transferee here, from Canada. I'm expecting new friends here, and I think pwede kang maging friend."  sabi niya. Ngumiti ako.

Dumating pagkatapos nun yung teacher namin. Nakinig lang ako nang nakinig. Kahit na about sa school ang topic at hindi sa mga subjects.

After 20 minutes...

Bumukas yung pintuan, at may lalaking pumasok.

"You're late, mister. First day na first day." sabi ni sir.

"I'm sorry, sir. Kinain ng aso yung notes ko" natatawang sabi nung lalaki. nagtawanan sila lahat. First day of school, may notes?

"Very funny, mister. Go sit next to Ms. Ocampo." sabi ni sir. Pagkasabi nun ni sir, hindi pa rin ako tumitingala. Hindi ko pa kilala kung sino yung lalaking yun.

"Uy, bro. Ang aga mong pumasok ngayon ah, kala ko ba sabay tayo?"  sabi nung lalaki. Pag harap ko, si Karl yung kausap ni Kurt.

Si Karl Padilla, yan yung matagal ko nang crush. Pero hindi ko siya nakakausap, ang hirap kaya. Tinilian siya ng mga babae at gwapo. Marami silang pagkakapareho ni Kurt sa hitsura. Pero sa pagkakaalam ko, masama ang ugali ni Karl di tulad sa pinakitang ugali ni Kurt sa akin kanina.

"Uy, pinsan. Ang tagal mo kasi eh. Pumunta ako sa inyo kaninang umaga, sabi ng yaya mo tulog ka pa daw. Sipag natin ah" sabi ni Kurt at dun ko nalaman na mag-pinsan pala sila.

Tumabi si Karl sa left side ko.

To be continued..♥

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon