My first suitor.♥

346 1 0
                                    

Nasa kotse lang kaming dalawa ni Kurt. Few villages lang bago yung samin, kaya malapit lang. Tahimik lang kaming dalawa. Maya maya, binasag niya yung katahimikan.

"Uhm.." sabi ni Kurt, feeling ko kinakabahan siya. Ewan ko kung bakit.

"Whale ka ba?" tanong niya. Eto nanaman siya, kaya lagi akong sumasaya tuwing malungkot ako eh.

"Ayan ka nanaman. Hahaha, sige na nga. Bakit?" sabi ko while holding the piece of cloth covering my wrist.

"Whale you be my girlfriend?" 

"Baliw, yan ka nanaman sa pick-up lines mo! Hahaha."  sabi niya.

"Seryoso ako." sabi niya sa akin. Nakatingin lang siya sa daan.

"What do you mean?" 

"Will you be my girlfriend? Seryoso ako." 

"Ay, andyan na pala tayo. Bye na!" sabi ko, buti nalang nakarating na kami sa bahay kasi hindi alam kung ano sasabihin ko.

--------

Di ako makatulog nung gabing yun, weekend naman eh. Nag-online muna ako sa facebook at twitter. Chineck ko yung mentions ko. Na-bored din ako, kaya nag-out na ko. Nagbasa nalang ako, di ko pa tapos yung Harry Potter. Bigla kong naisip si Kurt nung mabasa ko yung scene ni Cho Chang at Harry.

"Whale you be my girlfriend?"

"Whale you be my girlfriend?"

"Whale you be my girlfriend?"

"Whale you be my girlfriend?"

Paulit ulit sa isip ko eh, di ko makalimutan. Idadaan pa ako sa pick up lines, pero kinilig ako. Sana nga totoo. 

-------

Monday morning, 8:15 AM.

As usual, ako nanaman yung una sa classroom. 

"Pst, ano na?" bulong ni Kurt habang nagkaklase.

"Anung, anu na?"

"Sasagutin mo na ba ako?"

"Luuuul. Malay ko ba kung nagjojoke ka lang."

"Seryoso nga ako. Ang kulit naman neto!" 

"Edi okay."

"So, ano?"

"Di ka ba marunong mag-hintay?"

"Kahit 30 years pa."

"Ewan ko sayo." 

Sobrang sweet ni Kurt, sobra ang effort niya. Lagi niya nga akong hinahatid at sinusundo. Nagtataka na nga yung mga tao saamin kung kami ba eh. 

-----

Pumasok ako sa school, pagtingin ko.. walang katao-tao. Wala atang pasok eh? Palabas na ako nun pero sabi ni Manong guard, bawal daw lumabas.

"Eh, manong wala namang tao."

"Merong tao diyan, tiwala lang."  sabi ni manong. Aba eh, loko pala tong si Manong guard eh. Sumusunod sa uso. 

Pumunta ako sa classroom, walang tao. Sa CR, walang tao. Sa canteen, walang tao. Pumunta ako sa gym, patay ang ilaw. Tapos biglang may spotlight.

"Ikaw ba si Audrey Ocampo?" sabi nung boses. Di ko parin makita yung muka pero pamilyar yung boses.

"Oo, bakit? sino ka?" Sino kaya tong nagsasalita?

"Kasi mahal na mahal kita." lumapit siya sa spotlight.  Si Kurt.

"Sabi ko nga sayo, seryoso ako. Mahal kita. Whale you be my girlfriend?"

Lumapit sakin si Miko, James, Clarence na may dalang roses. Sunod si Karl, yung muka niya nga mukang napilitan. Ayaw niya sigurong magsayang siya ng oras para sa walang kwentang bagay na 'to eh, pero sobrang special nito para sakin.  Mahirap hingian ng favor si Karl eh, kaya siguro napilitan lang. Huling lumapit si Kurt at may dalang 13 roses. 

"13 roses yan. 12 ang totoo at isang fake. Titigilan lang kitang mahalin kapag namatay na yung huling rosas. I love you!"  

"Ang korni mo talagaaaa." pinahid ko yung luha ko tapos hinampas ko siya.

"Arayyy! Weh, pero kinikilig ka"  loko to ah, pero totoo.

"Oh my God, wala akong masabi. I love you too!" 

"So, tayo na?"

"Yes!" sabi ko. Ewan ko, first suitor ko siya at sinagot ko agad siya after two weeks. Dapat kasi, relasyon ang pinapatagal, hindi ang panliligaw. 

 ----------

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon