Kurt and Sophie (Special Chapter 6)

75 1 0
                                    

Nang matagal bago lumabas ng kwarto si Audrey, nakatulog na rin yung iba sa kakahintay. Ako rin nakatulog. Nang tignan ko sila isa isa, wala dun si Karl at Kurt. Kaya nagtaka ako. Tumayo ako at hinanap sila. Bumalik ako sa balcony pero wala na siya dun. Saan kaya nagpunta yun? 

"Soph.." may nagsalita sa likuran ko. Pagharap ko, si Kurt. Nakangiti siya sa akin. Namumula yung muka niya. Halatang halata kasi maputi siya. Nakainom siya. 

"Uy. Saan ka galing?" tanong ko sa kanya. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Hinawakan yung kamay ko. Kinabahan ako bigla. Tapos tinulak niya ako sa banyo. Tapos biglang kiniss. At may biglang bumukas na pinto at tinulak ko siya. 

"What was that for?!" sigaw ko sa kanya. Nakatitig lang siya... nakatitig..hanggang sa matauhan siya.. nilampasan ko siya at umalis sa harap niya. 

I knew it was Audrey. Umakyat ako sa kwarto na pinag stay-an niya kanina. At wala na siya dun. Hinanap ko din si Karl pero wala din siya. Nagtext ako kay Karl at Audrey pero walang reply. Hanggang sa makatulog nalang ako sa sala. 

"Asan si Audrey? Bumaba na ba?" tanong ni Angel pagkagising naming lahat.

"Hindi ko nga alam, e. Kagabi, bigla nalang siyang nawala. Umuwi ata. Si Karl din.. nawawala?" sagot ko.

"Ay-eh.. asan kaya yung dalawang 'yun?" tanong ni James.

"Di ko nga rin alam eh." sagot ko.

Pagkatapos naming kumain ng breakfast ay umupo ulit kami lahat sa living room nang biglang dumating si Karl. Mukang galit yung muka niya. Lumapit siya agad kay Kurt at hinila ang polo nito.

"Anong problema mo, bro?" tanong ni Kurt.

"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko niyan eh." sabi naman ni Karl at sinuntok niya bigla si Kurt. Nagulat kaming lahat. Hinawakan nila James si Karl sa likod. Habang nakaupo sa sahig si Kurt. 

"Uy, teka lang. Anu ba! Ano bang nangyayari dito? Please explain to us." tanong ni Angel. Pero hindi siya sumagot. Lumabas lang siya. Pagbalik niya, may hawak na siyang jacket. Nagulat kaming lahat nang makita naming may dugo yun.

"Sophie.. eto.. eto yung dugo ng best friend mo na dapat pinagtatanggol mo sa lahat at laging mong kakampi..." tumulo bigla yung luha ko. Balewala na ako sa mga sinasabi nila. Naiiyak nalang ako bigla.

"N-nahuli niya yata kami ni Kurt nanagkiss. Pero swear! Hindi ko sinasadya. Promise!" sabi ko sa kanila. Totoo naman eh.

 Tumayo bigla si Kurt.

"Nasan na siya, pupuntahan ko siya!" sigaw ni Kurt. Kukuhanin na dapat niya yung jacket niya pero pinigilan siya ni Karl.

"Too late, bro. She's on her flight to New York."  lahat kami nagulat sa sinabing yun ni Karl. 

"What? Ano oras yang letter na yan? Baka di pa nakakaalis?" sabi ni Kurt. 

"Bro, almost three hours ago since I left her. Siguro two hours na mula nung umalis siya."

"Sundan natin siya. Baka di pa siya nakakaalis!" pagpupumilit ni Kurt.

"Wala na siya. Bigyan mo siya ng oras para magisip kaya hayaan mo siya."  sabi ni Karl sabay sipa sa pintuan ni Kurt.

Tinignan ako nila Katy. Lahat sila nakatitig lang sa akin. I felt the guilt and sorry. I felt weak that's why I stood up and went to my room. Umiyak ako. Unang una, umalis si Audrey nang dahil sa akin. At sure akong galit siya sa akin. Bakit ba ito nangyayare? Sabi ko sa sarili ko na hindi ko gagawin ang mga bagay na ginawa sa akin ng taong.. akala ko kaibigan ko. Pinagpalit ako ng taong mahal ko sa taong pinagkatiwalaan ko sa lahat. Sobrang nasaktan ako. Sa dinami-dami, bakit kaibigan ko pa? Galit ako sa mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Drew noon. Ganun din siguro si Audrey. Sobrang close kami kahit ilang linggo palang kaming magkakilala. Pinagkatiwalaan niya ako sa lahat.. pero bakit ganto yung nangyari? Ang lalim ng iniisip ko na hindi ko na napansin ang malalakas na katok ng mga kaibigan ko sa pintuan. Wala na akong mukang maihaharap sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung paano ako papasok sa school sa Monday. Naidlip ako nang ilang minuto o oras.. maraming text. Kinabahan ako. Siguro tinext nila ako at kung ano anu ang sasabihin sa akin. Na malandi ako. Na masama akong tao. Na nang-aagaw ako ng boyfriend nang matalik na kaibigan. Hindi ko naman sila masisisi. Kahit anung anggulo, mali ang ginawa ni Kurt. Hindi ko na mababalik yun.

Katy;

Hi Soph! Uhm.. umuwi na kami ah. Naiintindihan namin kung ayaw mong buksan ang pinto. Pero hindi kami galit sayo, tandaan mo yan. Mahal ka namin. x

Angel;

Uy Soph. Salamat at napasaya mo ako kagabi. Although something went unconvincing a while ago. But we're not mad at you. Okay? Smile. Love you!

Natalie;

Pst. Pst. Pst. Why u no open the door? We're not mad at you. Inexplain na sa amin ni Kurt ang nangyari. Si Kurt ang sisihin!!! Wuuuu. Smile na, bro. Mahal ka namin. Mwa mwa x

Karl;

Uy Soph? Galit ka ba? Sorry kung nasigawan kita kanina ah. Sorry talaga, ha. Hindi ko yun sinasadya. Sana lagi mong isipin na kahit na mali yun, mahal ka naming lahat. At alam kong hindi mo sadya yun. Wag na sad ha :( Tropa tropa iih.

James;

Hi Soph. I understand if you just walked out. I know you're hurt. But please, don't stress yourself. We love you and don't ever think that we're never talking to you again after this. We'll still have the same bond after this, yeah? -Mico and James. But mostly, this is James because Mico sucks in English and he doesn't have load because he wasted all of them talking to his girlfriend on the phone.

Monday; 

I went to school walking awkwardly. No one in school knows what happened but us. Nang pumasok ako, wala pa sila Karl at Kurt. I don't know what would happen next if we see each other. Maybe we won't talk to each other. But I should accept my fate. God has better plans for me.

"Pst. Pst. Pst." sitsit nang sitsit si Kurt habang may pinapasulat si Miss. Napahinto ako sa pagsusulat. 

"Sophieeeeeeeee." malakas na bulong ni Kurt. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya at nagpatuloy ako ulit sa pagsusulat. 

Matapos nun ay mag isa akong naglalakad para mag-recess nang may umakbay sa akin. At nang tignan ko, si Karl.

"Bakit hindi mo pinapansin yung pinsan ko? Kawawa naman oh." sabi niya sabay turo kay Kurt na nasa likod pala namin.

"Alam kong naiintidihan niyo kung bakit ako umiiwas." sagot ko.

"Alam namin yun, Soph. Pero hindi nga kami galit. In fact, I want you two to be together." sabi ni Karl. Nagulat ako. Napahinto.

"What?!" halos sigaw ko sa kanya.

"Oh, wait. Chill. Chill lang tayo." natatawang sabi niya habang hinawakan niya ako sa balikat.

"Can you repeat what you just said?" sabi ko.

"Alright, Soph. I know Audrey is your best friend.. but she's already gone. Hindi ito dahil sa wala na siya kaya ko sinasabi to... but Audrey deserves someone better than my cousin!" sabi ni Karl habang tinitignan si Kurt. "Someone like me." walang prenong dugtong niya. Pero agad niyang binawi.

"What?! Someone like you? You mean you like Audrey?" natatawang tanong ko.

"What? Wala akong sinabi.. Ang sabi ko ano... someone like Mel. Yun oh.. si Mel!" sabi niya sabay turo sa wirdong lalaki dito sa school namin.

"Yeah, right." 

"Hey, wait! Paanong napunta sa akin ito. This is about you and Kurt. Magbati na kasi kayo." sabi ni Karl. "Sandali," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko at ang kamay ni Kurt at pinagshake hands. "Hindi kayo magbabati? Ihahandcuff ko kayo dito." 

"Oo na magbabati na!!!" sabi ko.

"Soph, I'm very very sorry.." sabi ni Kurt.

"It's okay." sabi ko nang nakangiti.

To be continued..

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon