I expected the best day but it turned out to be the worst.

320 3 0
                                    

Lumabas ako ng bahay ni Sophie. Di ko na kasi nakaya yung nakita ko eh. Pumara ako ng taxi tapos umuwi na ako.

Karl's POV

Inaantok na ako grabe, di ko na nga natulungan hanapin yung dalawa eh. Kaya na yun ni Audrey.

Nakaupo lang ako sa kusina ni Sophie, nang may narinig akong kalabog ng pintuan. Sure ako na si Audrey yun. Di ko na inalam kung bakit, sinundan ko siya. Nakita ko siya, nagpara ng taxi. Kaya bumalik ako at kinuha yung susi ng kotse ko. Hinanap ko pa kung saan yung street niya sa village nila eh.

Kumatok ako, yaya niya yung nagbukas.

"Magandang gabi ho, andyan po ba si Audrey?"

"Ah eh, andito siya iho. Bakit mo siya hinahanap?"

"Ako po yung kaibigan niya, bigla nalang po kasi siyang umalis kila Sophie eh."

"Ah, ikaw ba si Karl?" 

"Opo, ako nga po." Ang galang ko ngayon kasi wala lang. Di ko na pinansin kung pano niya nalaman pangalan ko, basta kelangan kong agapan si Audrey kung ano man yung binabalak niya.

"Ah, sige. Pumasok ka sa loob, iho. Andun siya sa kwarto niya." Ang laki ng bahay, san ko kaya to mahahanap? May nakita akong pinto, may pangalan niya kaya sa kanya na siguro yun.

END OF POV

Audrey's POV

"Mom, I don't want to live here anymore."

"What do you mean, sweetie?"

"Mom, can I go to New York with dad?"

"Why? You have a lot of friends there. Pano yung maiiwan mo diyan?"

"Mom, they're fine. I just want to go somewhere far from here."

"Sure, sweetie."

"Mom, I want to leave tomorrow."

"That's fast pero sige. Bye sweetie."

"Bye mom."

CALL ENDED.

Kakatapos ko lang makipag-usap kay mommy. Di pa yun tapos, naglaslas ulit ako. Four months ko nang di ginagawa yun, pero nagawa ko ulit. Ang hirap talagang maging tanga. May biglang pumasok sa kwarto ko...

"Audrey?" 

"Anung ginagawa mo dito?" 

"Bakit ka naglalaslas?"

"Sanay na ako."

"Dapat di mo ginagawa yan."

"Bakit? Bakit parang may pakialam ka na saken? Dati lagi mo kong nilalait. Bakit ngayon nag-aalala ka sa kalagayan ko. Di mo ba alam na simula nung na-bully ako sa school, lagi ko na 'tong ginagawa? Ang tanga tanga ko, nilalait mo na nga ako, gusto parin kita. Sobrang sakit nga nung nalaman kong kayo ni Isab--." Nadulas nanaman ako. Kahit kelan talaga! Lagi nalang akong nadudulas sa mga sinasabi ko.

"Huh? Audrey, di mo ba naisip na may pakialam din ako sayo? Hindi mo ba naisip nung pinagti-tripan ka nila Isabella, sino yung nagpatigil sakanila? 

Flashback..

"Isabella! Tama na yan. Wala siyang ginagawa sayo!" pamilyar yung boses, yun lang yung last kong narinig. Wala nang iba.

End of Flashback.

"Ako yung pumigil kay Isa nun. Ako yung tumulong sayo, nagising ka sa condo ni Kurt kasi dun yung mas malapit kaya dun kita dinala, ako naggamot sa mga sugat mo. Ako nag-punas sa mga sugat mo."  Wala akong masabi. 

"Ngayon, sinong walang pakialam sayo?" habol niya.

"Eh, bakit---"

"Ano? Bakit kita nilalait nun? Ewan ko ba, nahawa ako kay Isa pero unti-unti kong narealize na 'di ka dapat ginaganun, dapat nirerespeto ka. Dapat makikipag-ayos na ko sayo nun, nung araw na nandun ka sa condo ni Kurt kaya lang pagkabalik ko, wala ka na. Pinagsisisihan ko ang lahat nang yon, Audrey." 

Wala na talaga akong masabi, lumapit ako sa kanya at niyakap. 

"Salamat pala, mali ang akala ko sa'yo nun."

Tinanggal niya yung jacket niya tapos pinangtakip niya yun sa sugat ko. Buong gabi, magkayakap kami hanggang sa makatulog ako.

Karl's POV

Nakatulog na si Audrey, di ko na siya ginising pero kelangan kong bumalik kila Sophie. Nag iwan nalang ako sa kanya ng sulat..

Dear Audrey,

        Tulog na tulog ka kaya di na kita nagising. Kelangan ko kasing bumalik sa bahay nila Sophie, marami akong naiwang gamit. Babalik ako mamaya.

                                                                                                                                                 Karl. x

Bumalik ako sa bahay nila Audrey after two hours.

Pinapasok ako ng katulong nila, hindi yung yaya niya. Pero sa tingin ko, kilala na ako nito. May sasabihin dapat siya kaya lang nagmadali akong puntahan si Audrey. Pagpasok ko sa kwarto niya.. wala nang ibang gamit. Wala nang ibang gamit, kundi yung mga upuan, kama at iba pa. Walang naiwang maliliit na gamit kundi yung jacket ko. May nakaipit na sulat pag kuha ko..

Dear Karl,

           Salamat pala sa pag-comfort saakin, di ko yun makakalimutan. Iniwan ko nga pala itong jacket mo. Alam kong wala na ako nang binasa mo to, pumunta ako ng New York kasama ni yaya.  Mahaba-haba yung flight, di na ko nagdala ng masyadong gamit pero salamat.. 

                                                                                                                                             Audrey. x

To be continued..

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon