PLEASE READ!

276 2 0
                                    

Di naman masyadong important pero.. naalala niyo pa ba yung roses na binigay ni Kurt kay Audrey nung niligawan niya ito?

Flashback..

Huling lumapit si Kurt at may dalang 13 roses. 

"13 roses yan. 12 ang totoo at isang fake. Titigilan lang kitang mahalin kapag namatay na yung huling rosas. I love you!"  

Napaluha ako, ang sweet kasi eh.

"Ang korni mo talagaaaa." pinahid ko yung luha ko tapos hinampas ko siya.

"Arayyy! Weh, pero kinikilig ka"  loko to ah, pero totoo.

"Oh my God, wala akong masabi. I love you too!" 

End of Flashback..

Yun? Namatay na yung 12 roses dun. Hawak hawak niya yung rose na fake nang tumawag yung mom ni Audrey. Sinagot niya yun at iniwan nya sa sala yung fake rose. 

Nakita yun nung katulong nila, sa inaakala niyang walang may ari neto, kinuha niya iyon at nilagay sa kwarto niya. 

Flashback..

Yaya's POV

Wow naman, may rose... hmmm, amuyin ko nga. Ay teka. Fake pala to! Wala naman atang may-ari nito, kunin ko nalang. Imposibleng si Ma'am Audrey ang may-ari nito. Yay! 

Dinala ko sa kwarto namin, malaking kwarto yun pero share kaming mga yaya. Maraming kama, nilagay ko yung rose dun taas ng lamp table ko. Ayun, dumating yung inggiterang si Lucy.

"Ay wow. May rose. Kanino galing?" sabi nitong bisayang ito.

"Binigay ng boyfriend ko."

"Ang sweet naman. Ay, fake!"

"Lolo mo fake! Inggit ka lang kasi wala pang nagbibigay sayo. Ang pangit mo kasi, tatanda kang dalaga. Tandaan mo yan!"

"HALA! Bawiin mo yang sinabi mo. Bawiin mo!" saka dumating yung iba pa naming kapwa katulong.

"Ayoko nga."

"Ay iniinis talaga ako nitong babaeng to." Kumuha siya ng gunting tapos ginunting yung rose.

End of POV

End of Flashback..

----------

So, yun.. parang nagunting at tinapon yung rose, kaya parang wala nang saysay yung FOREVER. After a week, yun na nga.. nangyari yung sa sleepover. Yun lang! Thanks sa pagbabasa :)

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon