Nothing's fine, I'm torn.

387 5 0
                                    

Di ko pa ba nasasabi? Girlfriend ni Karl si Isabella. Ewan ko nga kung totoo yung feelings nila para sa isa't isa, minsan kasi nakikita kong nakikipag-flirt si Isabella sa ibang lalaki. 

After what happened, umuwi na ako. Buti nalang andun si Kurt. Kundi, naiwan akong nakahiga siguro dun. Walang may balak tumulong sakin, kasi nga pangit ako. 

Yun lang naiiisip ko habang nasa taxi ako pauwi. Napadaan ako sa isang store, ang gaganda ng damit. Buti nalang, dala ko yung credit card ko.  Pumili ako ng mga damit, make up, heels at iba pa. Hindi ko nga alam kung bakit ko ginawa yun.

Flashback..

Kanina sa klase, binibiro ako ni Kurt. Ewan ko kung seryoso. Sobrang bait niya at lagi akong napapatawa. 


"Audrey! Si ANNE ka ba?" sabi sakin ni Kurt habang naghihintay kami kay Miss.


"Audrey pangalan ko. Bakit?" 

"Anne ganda ganda mo kasi eh!


"Loko ka talaga. Hahaha!" sabi ko pero nagba-blush na ako nun.


"Di, pero totoo. Ang ganda mo talaga kahit anong ayos mo, lalo ka nga atang gaganda kapag nag ayos ka eh." 


End of flashback.

Sinuot ko agad kinabukasan yung damit na binili ko at yung katulong naming kikay na kikay ang nag ayos ng muka ko. Kinakabahan ako sa magiging reactiong ng mga tao. Pero ginawa ko to eh, kailangan panindigan ko na. Pagpasok ko ng hallway, lahat sila nakatingin sakin.  Pumasok ako agad sa classroom at hinintay si Kurt, siya lang kasi kausap ko kahapon.


"Ehem!"  may lalaking biglang umubo at nang inignan ko siya, si Karl pala. Ngumiti siya saken at nag wink. Na-awkward ako kaya tumingin ako agad sa harap.

Nagstart na ang klase, may bumato sakin ng papel. Hindi ko muna binasa, kasi ayaw kong ma-interrupt ang pag aaral ko. Nang lumabas na si Miss, binasa ko yung nakasulat. 


Hi there gorgeous! 

 

                -Karl


Matatapos na ang araw pero wala talaga si Kurt hanggang sa uwian na namin, pauwi na ako.. may kotseng tumapat sakin. 

"Auddds!" lumingon ako.


"Ayoko nga ng nickname na yan eh, ang corny."  sabi ko.


"Weh? Ganda kaya. Audrey, ikaw ba yan?" 

"Ay hindi, picture niya lang to."


"Luuuh? Baliw ka talaga. Ano nga pala.. ah, may party nga pala si Karl this Friday night. Punta ka ha?" 


"Sure, why not? Malakas ka sakin eh." sabi ko. Ganyan na kami ka-close ni Kurt. Ang bait niya kasi eh, kaya magaan ang loob ko sa kanya. 

Dear Cupid, next time hit us both.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon