Karl's POV
Pagkabasa ko nung sulat, lumabas na ako. Babalik ako sa bahay nila Sophie. Hawak hawak ko yung jacket at napansin kong may dugo, naaalala kong yun yung pinangtakip ko nung dugo niya nung maglaslas siya.
After 30 minutes..
Nakarating ako sa bahay nila Sophie. Pagpasok ko, lahat sila nasa sala at hinihintay ako. Lumapit ako kay Kurt at hinila ko yung polo niya.
"Anong problema mo, bro?"
"Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan eh." sinuntok ko si Kurt sa mukha at natumba siya sa sofa.
"Uy, teka lang. Anu ba! Ano bang nangyayari dito? Please explain to us." sabi ni Angel.
Di ko muna siya pinansin, lumabas ako at kinuha ko yung jacket sa kotse. Nagulat sila nang may nakita silang dugo dun sa jacket.
"Sophie, eto.. eto yung dugo nung best friend mo na dapat pinagtatanggol mo sa lahat at lagi mong kakampi." napaluha si Sophie at hinarap ko ulit si Kurt.
"Eto, Kurt. Eto yung dugo nung babaeng nagmahal sayo at alam kong minahal mo rin. Dapat ikaw yung andun sa kanya nung panahong walang wala siya. Pero anong ginawa mo? Ikaw pa yung naging rason kung bakit siya naglaslas ulit." Natulala si Kurt.
"Teka, naglaslas ulit si Audrey? Ano ba talagang nangyari?" tanong ni Natalie.
"N-nahuli niya yata kami ni Kurt nanagkiss. Pero swear! Hindi ko sinasadya. Promise!" sabi ni Sophie.
Tumayo bigla si Kurt..
"Nasan na siya, pupuntahan ko siya!" kukuhain na sana ni Kurt yung jacket niya kaya lang pinigilan ko siya.
"Too late, bro. She's on her flight to New York." nagulat siya.
"What? Ano oras yang letter na yan? Baka di pa nakakaalis?" sabi ni Kurt. Di siya mapakali, kasalanan niya naman talaga to eh.
"Bro, almost three hours ago since I left her. Siguro two hours na mula nung umalis siya."
"Sundan natin siya. Baka di pa siya nakakaalis!" sabi niya.
"Wala na siya. Bigyan mo siya ng oras para magisip kaya hayaan mo siya." Pagkasabi ko nun, sinipa niya yung pintuan.
End of Karl's POV

BINABASA MO ANG
Dear Cupid, next time hit us both.
Novela JuvenilA story about teenage dramas. This story is about a girl named Audrey, lagi siyang binu-bully at wala siyang kaibigan. Lalo siyang nahirapan nang ma-in love siya sa hindi karapatdapat na lalaki.