Audrey's POV
Lagi nalang.. lagi nalang talaga! Lagi ko nalang nakakalimutan. Lagi akong napapahamak dahil lagi kong nakakalimutan. Kung sinabi ko pala agad na bakla si Clark, edi hindi mangyayari to. Nakokonsensya ako. Bumalik ako dun. Palapit na ako sa pintuan.. teka, wag na lang kaya? Kaso baka pagsisihan ko ito sa huli. Binuksan ko yun pinto at may babae siyang kasama. Tumingin sila pareho saakin. Nagulat si Karl.
"Hello. Babe, sino siya?" sabi nung babae.
"Uh. Babe, si.. Audrey n-nga pala.. Audrey, si Marinelle nga pala... girlfriend ko." sabi ni Karl na nanginginig.
"Ah-eh. Hi."
"Bakit nga pala?" ngumiti siya saakin.
"Uhm.. eh, akala ko nakalimutan ko yung panyo ko. Andito lang pala sa bag ko eh. Ah-eh, salamat. Bye!" Nagmadaling lumabas ako, pero naririnig ko parin yung pinag uusapan nila. Nakahinto lang kasi ako sa may pintuan kasi parang hindi ako makagalaw.
"Bakit parang hindi ko siya kilala, babe?" sabi nung girlfriend niya.
"Ah, kase.. kakauwi niya lang galing sa New York eh."
"Ah, kala ko naman kase.."
"Hindi ah, friend ko lang yun no! Anu ka ba." sabi ni Karl.
"Good, kundi sasampalin ko yung babaeng yun.."
At yun nalang yung last kong narinig. Oo naman. Friends naman talaga kami ni Karl ah! Ano ba 'tong iniisip ko. Lumabas ako ng hospital at habang naglalakad napaisip ako..
"After all this time? Ako yung dahilan kung bakit siya nabangga tapos sabi niya na nagseselos daw siya, may girlfriend naman pala siya. Loko talaga yun " sabi ko sa isip ko pero parang naiiyak ako na ewan.
-----------
The next day..
Tinext ko si Sophie, sabi ko sa kanya na pumunta siya sa restaurant kung saan kami kumakain dati. Di ko kasi alam kung ano gagawin ko sa buhay ko. Nabobored lang ata ako?
After 20 minutes..
May nagtakip sa mata ko gamit yung kamay niya habang nakaupo ako nun.
"Sino yan?" napangiti ako.
"Hulaan mo."
"Sophie!"
"Yayks, nahulaan mo." tapos tinanggal niya yung kamay niya. Tinignan ko siya at nagngitian kami.
"Malamang. I can notice whether it's you or not by the way you breathe. Just kidding! Upo ka."
"Woah there. We got a bad ass over here." sabi niya tapos umupo siya sa harap ko.
"So... bakit mo nga pala ako pinapunta?"
"Mamaya na. Umorder muna tayo."
"Kilala mo si Marinelle?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami.
"Mm-marinelle?"
"Oo, yung girlfriend ni Karl."
"Ah."
Bigla kaming natahimik pareho..
"Sorry, di ko agad nasabi sayo." sabi niya.
"Anu ka ba. Okay lang yun no tsaka anu naman kung di mo sinabi diba? Wala naman akong pakialam sa lovelife niya eh."
"Alam ko, Audrey. Nasasaktan ka." sabi niya sakin.
"Ang hirap, Sophie. Tuwing may minamahal ako, lagi nalang akong pinagpapalit sa babaeng mas maganda. Bakit ba ganun?" di ko na napansin na si Sophie pala yung kausap ko, siya yung tinutukoy ko.
Tumayo siya at niyakap ako.
"Audrey, okay lang yan. Marami pang iba dyan." bulong niya. Oo nga, marami namang iba dyan. Bakit ako magpapakabaliw sa isang lalaki na meron nang girlfriend?
"Uy, Audrey. Sorry ha. Kelangan ko nang umalis, tinetext na ako ni mommy eh. Bye na!" nagmamadali siyang tumayo matapos tumawag ng mommy niya.
"Sige sige." sabi ko at nginitian ko siya.
"Sorry talaga ah. Bye." sabi niya pagkatapos ay bumeso siya at umalis na.
Hindi pa ako umalis sa restaurant na yun pagkaalis ni Sophie. Hindi ko pa nauubos yung kinakain ko. Nakatulala ako sa may pintuan nang may makita akong pamilyar na muka.
Nakita ko si...
To be continued.♥
-----------
Hello! Ngayon lang ako nakagawa, gabi na masyado. Nakatulog kasi ako eh. Weekend bukas! yaaay :)
![](https://img.wattpad.com/cover/1644604-288-k589249.jpg)
BINABASA MO ANG
Dear Cupid, next time hit us both.
Teen FictionA story about teenage dramas. This story is about a girl named Audrey, lagi siyang binu-bully at wala siyang kaibigan. Lalo siyang nahirapan nang ma-in love siya sa hindi karapatdapat na lalaki.