Pagkagising ko nang umaga, ginawa ko agad ang daily routine ko. Maya-maya, may tumatawag habang kumakain ako. Pagkatingin ko, si Karl pala. Bakit kaya siya tumawag?
Karl calling..
"Hello, Karl? Bakit ka tumawag?" nakaupo pa rin ako. Kumakain pa kasi ako eh. Nagpunas muna ako ng bibig gamit ang tissue.
"Wala, sunduin ulit kita mamaya ah." sabi niya sa kabilang linya. Ano ba yan! Yan nanaman kami :">
"Sige, kain muna ako ah."
"7:50AM, sunduin kita ah."
"Sige." binaba ko na pagkatapos.
Pagkatapos ko kumain, nagpaalam na ako kay yaya.
"Ya, alis na po ako." sabi ko habang kinukuha yung bag ko sa sala.
"Iha, diba magtataxi ka. Hatid na kita dyan sa may labas."
"Okay lang ako, ya. Kasama ko po si Karl." biglang ngumiti si yaya. HAHAHA! Baliw talagaaaa kayo kaya mahal na mahal ko kayo eh :">
Lumabas na ako at hinintay sa labas, maaga-aga pa naman. 7:30 pa lang bumaba na ako. Kaya nag-decide akong bumili muna ng McCafe. Malapit lang naman eh. Pagbalik ko nang 7:55, andun na siya nakahintay. Nakasandal siya sa kotse niya at pinaglalaruan yung susi. Di niya pa ata ako napapansin kaya bigla ko siyang kinalabit. Bigla siyang humarap.
"Uy. Nagulat ako dun ah" bigla siyang ngumiti. Akala ko, magagalit siya.
"Hahaha. tara na, malalate na ako.. at ikaw." binuksan niya yung pinto sa shotgun seat at pinapasok ako. Ano ba yan :">
..
..
..
Pagkarating namin sa school, naglakad kami. Holding hands. Eh siya may gusto eh. Ano ba!!! :P
Nakatingin samin yung mga tao tapos may nagbubulungan...
"Nagkabalikan na pala sila?" sabi nung isang babae, di ko kilala.
"Bakit? Nag-break ba sila?" sabi nung kasama niya.
"Di mo ba napapansin, di nga sila nagpapansin this past few weeks eh. Ngayon nalang ulit. Nag-iiwasan nga sila eh."
Di ko nalang pinansin. Bahala sila kung ano sabihin nila, basta bati na kami ni Karl. May mga lumalapit at nagpapapicture kay Karl, okay lang sakin :)
"Hi ate Audrey, ang ganda niyo po!" sabi nung isang babae saakin.
Ngumiti ako. "Thanks. You too!" sabi ko.
Hanggang makarating ako sa unang class namin.. anim palang yung tao at syempre, andun si Aimie.
"Hintayin kita mamayang uwian ah. Wag ka aalis." sabi sakin ni Karl bago siya umalis. Ok balik sa dati, kv kv kv :">
"Sige. Pasok ka na sa class mo, baka ma-late ka." sabi ko sakanya. Ngumiti siya at naglakad palayo.
Aalis na dapat siya, pero parang may nakalimutan..
bumalik siya and he kissed my forehead.
OMG KILIGVIBES. Di naman kami PDA no? Okay lang ba? HAHAHA.
Biglang lumapit sakin si Aimie.
"Oh my God, sis! Bati na kayo. Kinikilig ako sa inyong dalawa. Kwento mooo!" sabi niya sakin.
BINABASA MO ANG
Dear Cupid, next time hit us both.
Dla nastolatkówA story about teenage dramas. This story is about a girl named Audrey, lagi siyang binu-bully at wala siyang kaibigan. Lalo siyang nahirapan nang ma-in love siya sa hindi karapatdapat na lalaki.