V - 1

14.3K 320 7
                                    

Leandra's P.O.V

*****

*tsup!

"Buwesit kang peste ka ninakawan mo na naman ako ng halik!" Masamang turan ko sa pangisi ngisi na pesteng nangahas na pumasok na naman sa kuwarto ko sa condo unit na pagmamay-ari ko.

Ni hindi ko alam paano siya nakakapasok na wala man lang ako ibinibigay sa kanya na cardkey.

Pero wala nakakapasok pa din kahit nireklamo ko ito sa pamunuan ng security ng building.

Waley Epek!

Kaya imbes na sumakit ulo ko hinahayaan ko na lang.

Pareho lang din kahit sinisigurado ko na sarado ang pintuan ay waley pa din.

Intruder pa din. Minsan nararamdaman ko na lang na pati sa pagtulog ko ninanakawan ako ng halik.

Pero syempre kunwari diko alam iyon. Sarap din kasi niyang manghalik ee. Hehehe

Umaga na naman ay bubuwesitin lang ako ng manyak at peste na ito.

"Peste nga ba? Ee bakit minsan tumutugon ka din?" Sabi ng mahadera ko na utak na diko na naman tinatawag ay lumabas.

"Kakain na po My Vanilla".

Pa cute na sabi ng pesteng manyak na ito.

"Cute naman ah!" ~ Mahadera

Shut up!

"Uy, tama na iyang pakikipag-away mo sa mahaderang utak mo, ready na ang breakfast ng Vanilla ko". Di pa rin maalis ang ngiti ng impakta na ito.

"Kanina peste at manyak, bakit may impakta na naman?" - Mahadera

I said shut up!

"Sunod ka na lng sa ibaba ha? Para makakain kana dahil  may meeting pa kayo ni Kea para sa launching ng new style ng clothing lines niyo. Tapos may meeting pa pala kayo ni Atty. Ramirez 2pm". Concern na sabi nito at sabay kiss na naman sa inosente (inosente nga ba?) ko na lips bago lumabas ng kuwarto.

Si Kea ay pinsan ko at co - owner ko sa L & K Clothing Lines. May sarili siyang flowershop na ipinatayo dahil sa hilig sa mga halaman.

Pinamamahalaan ko naman ang advertising agency na ipinama ng mga magulang ko sa akin na dito nila ipanatayo sa Pilipinas. Palibhasa dito nagsimula labstory nila.

Kasalukuyan nasa states ang parents ko upang pamahalaan ang iba pa naming negosyo doon.

Nag-iisang anak at bunso sa aming magpipinsan kaya hito successful din sa larangan ng business.

Pero teka bakit alam ng yagit na iyon ano gagawin ko ngayong araw?

"Peste na manyak, impakta, yagit,ano pa?" Sabi ng pakialamera at buwesit kong mahaderang utak.

Diko na lang pinansin ang sarili sa pakikipagbuno kay mahadera. Ginawa ko na lang morning ritwals ko.

Peste talaga at hinalikan pa ako na dipa ako nakakaayos ng sarili ko.

Sabagay #iwokeuplikethis naman ee. Hehe

"Gustong gusto mo din ang pagtawag niya sayo ng My Vanilla din nuh?" - Mahadera

Pakialam mo!

Ng matapos na ako sa ritwals ko at makapagbihis ng business attire ay bumaba na ako.

"Aba at saan ka naman nakakuha ng maluluto mo at di pa naman ako nakapag groceries dahil walang laman ang ref kagabi?" Pakutyang sabi ko sa peste na ito.

Totoo na naman eh di ako naka grocery kahapon kaya walang pagkain sa condo.

"Ninakaw ko". Pokerface niyang sabi.

"Ano? Pakakainin mo ako ng nakaw? Ikaw na nga itong nakikitira. Tapos ipapalamon mo sa akin ay galing sa nakaw?"

"Lamon talaga? Matakaw lang?" - mahadera

"Oa lang makareact? Bakit? Nagbigay kaba ng pang grocery? At di ako nakikitira nuh", nakangisi na niyang sagot. "Dumadalaw kaya ako para nakikiss kita parati hehehe". Biglang naging hyper na turan nito.

Letche imbes na makonsensya na ako sa hindi ko pagbigay ng pang grocery ay mas nairita tuloy ako. Spell kapal? H!

"Wala ka bang trabaho at dito ka na naman tatambay?" Nabubuwesit ko na tanong dahil one month na siya nakatambay sa condo ko. Sa loob ng isang buwan na iyon ay wala siyang ginawa kundi nakawan ako ng halik or pestehin ako. Pag wala naman siya sa condo ay sa opisina siya nambubulabog at peste nga naman.

"Na gustong gusto mo naman". Buwesit na mahadera.

"Wala". Simpleng sagot niya na di pa din mawala ang ngiti sa labi.

"Di naman ako dito tatambay sa condo mo ngayon kasi dun ako sa office mo para may magawa naman ako hehehe". Sabi na nga ba at may balak na naman mag hasik ng lagim ang babae na ito sa office ee.

Hay mauubusan na talaga ako ng dugo sa peste na ito.

"Bahala ka pero wag kang pakalat kalat lang dun dahil hindi ako mananatili sa office. Magkikita pa kami ng mga college friends ko".

"Ok po My Vanilla".

Ng matapos na akong kumain ay umalis na ako sa hapagkainan. Alam ko na siya na naman din ang magliligpit ng mga kinainan namin at infairness masarap siyang magluto.

Sinasabihan ko naman na mag hanap na lang siya ng work total marunong naman siya ng mga gawaing bahay at skillful din ito. Kaso sabi niya dyan lang naman daw ako na kaya siyang buhayin. Kaya ang labas palamunin ko siya habang pinipeste ang buhay ko.

Bubuksan kuna sana ang pinto ng may kamay na humila sa akin at walang sabi sabi na hinahalikan na naman ang mga labi ko.

*tsup!

"Hatid na kita sa parking lot".

Wala man lang akong pagtutol sa paghila niya sa akin patungo sa elevator. Nasa loob na kami at ayan na naman po siya na walang paalam na lamutakin ang mga labi ko at si ako naman na tanga nakikipaglaplapan din, palibhasa wala kaming kasabay sa elevator.

Naputol lamang ang halikan namin ng tumunog ang elevator na hudya na bumukas na ito. Hingal kaming pareho ng maghiwalay ang aming mga labi at hinila na naman ako. Ang hilig talaga manghila ng bruha.

Nasa parking lot na pala kami at buti walang pumasok na ibang tao sa elevator kundi makakapanood sila ng live show.

Kung di lang sa pinsan ko na si Rajul ay matagal ko ng itinapon ang yagit na ito sa ilog pasig.

Girlfriend kasi siya ng pinsan ko na four months ng patay dahil sa car accident.

Isa pa sa kinaiinisan ko sa peste na ito ay sila ang magkasama   ni Rajul sa accident at wala man lang malalim na sugat sa katawan. Ang ipinakakinaiinisan ko ay hindi man lang siya umiyak kahit isang butil man lang ng luha.

"Sige My Vanilla tc sa pagmamaneho, ok?" At hinalikan ulit ako sa labi at nod lang naisagot ko.

---

Thanks po sa mga nag votes.

*****

-Nicolette0810

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon