Leandra's P.O.V
"Ay.....ang malas mo!"
Pagkasabi noon ni H ay parang napa smirk si Dr. Charles na gaya ng sabi ko siya ang personal doctor ni H.
Naalala ko sa resto noong magkasama kami ni Eric at nakita namin si Hillarda/Thunder/H na kumakain.
Parang magkakakilala din sila ng doctor. Bigla tuloy ako nagduda. Tapos tinurukan lang naman siya ng doctor noong nasa resto kami.
Napapansin ko pa na every himatayin si Hillarda ay wala ang doctor niya.
Naturingan na Personal Doctor wala din. Sabayan mo pa na iba talaga makatingin si Eric. Parang galit siya sa isa.
Hindi ko na iisipin sana pero diko ma gets bakit ko na naman siya naisip.
Haayyy.....
Malas nga ba talaga ako kasi ang labo nitong isa? Ang labo ng lahat simula't sapol.
"Dahil gaya ko napangasawa mo." Sabi niya ng putulin ang iniisip ko at iiling-iling. "Ganda mo pa naman." Bigla akong pinamulahan. "Paano tayo naging mag-asawa?" Tanong pa nito.
"I don't know. You're the one ang may pakana kaya tayo nakasal." Sa diko alam eh.
Napahinto ito sa pagkuha ulit sana ng slice ng pizza.
"Ilang taon na tayo kasal? Saan marriage certificate or contract natin?" Tapos may biglang kinuha sa library si Megan at iniaabot kay H.
Pagtingin ko iyong marriage certificate nga namin. May pirma ako. Pero diko matandaan paano ko ito na pirmahan. Napahawak na ako sa ulo ko diko talaga matandaan.
Pagtingin ko kanya ay blanko na ang mukha niya. Tapos biglang tumayo.
"Lead them David." Huh? Ano daw. Bakit biglang lumamig boses niya. Nakatalikod siya sa akin kaya diko makita mukha niya. Pumunta ako sa harapan niya para makita mukha niya.
Di nga ako nagkamali dahil malungkot mata niya. Tapos bigla siyang tumitig sa akin.
"Masasaktan ka lang kaya wag kana magpakita pa sa akin kung gusto mong mabuhay pa." Ano daw? Ang gulo niya.
"You may leave!" Sabi niya na walang emotion.
"No!" Firm kong sabi.
"But......"
Magsasalita pa siya ng putulin at pinigilan ko ang lips niya gamit ang hintuturo ko.
"I'll not leave you. I want to stay by your side. Tagal ko na hinintay ang pagkakataon na ito. Gusto ko maging karamay mo ako sa lahat ng bagay. Kahit dimo ako matandaan." Ibinaba ko ang aking hintuturo ngunit pinasagad ko naman ang mga kamay ko sa mukha niya as if tracing her whole face na para bang di niya na makalimutan kaya napapikit na lang siya sa mga haplos ko. Gusto ko mapawi ang lahat ng kalungkutan niya sa buhay. Kahit hindi ko pa alam ang buo niyang pagkatao. "Unti-unti na kitang nakikilala kaya lulubusin ko na. Lalo pa at ako ang asawa mo." Ngumiti ako ng tipid.
"You still don't know me." Sabi niya habang kinukuha ang kamay ko na humahaplos sa mukha niya.
"Sapat na sa akin na kilala ko kayong tatlo." Niyakap ko siya ng mahigpit.
Kinalas niya mga braso ko na naka pulupot sa kanya. "Kayong tatlo?" Gulat nitong sabi na ikinapagtaka ko. "Ano ibig mo sabihin nun?" Nakakunot noo na tanong niya. "What are you talking about kayong tatlo."
BINABASA MO ANG
"My Vanilla"(COMPLETED)
RomanceLeandra Nicolette Conrad Lavoisier - kinaiinisan si H na isang mysteryosa, happy go luck, tambay sa condo niya dahil ayaw mag hanap ng trabaho. Dyan lang naman din daw siya na magpapakain sa kanya, but a talented one at walang ibang ginawa sa buhay...