Leandra's P.O.V
So, ito pala ang balak namin.
Ang sundan si H kung saan siya pumunta. Tsk!
*flashback
"Hoy kayo!" Turo ko sa kanila na pinaningkitan ng mga mata. "Wag niyong kakalimutan akin lang ang peste na iyon."
"Na cute-an lang ako sa kanya kaya wag kang praning." Sabay sabay pa nilang sabi at nagkatinginan sa bawat isa. Parang mga baliw na nagtawanan na ikinalingon ng mga customers.
"Di iyon cute! Maganda iyon at akin lang siya." At sabay sabay pa kaming nagkatawanan ulit.
Ng maalala ko na kukutusan ko pala si Cloe sa ginawa niyang pagsipa sa akin.
Ngunit bago ko pa magawa biglang nagsalita ang baliw. "Dali dali sundan natin siya." Biglang tumayo at hihilain sana si Yuu.
"Di na kailangan." Pigil ni Sonya kay Cloe. "Alam ko saan siya pupunta." Pagpapatuloy niya.
"Saan?" Tanong naman ni Kea.
"Sa isang pool party. Nagpaparty si Amber sa Hacienda niya and friends lang daw invited." Nagkibit balikat ito. "Nakatanggap ako ng invitation at sinabing isama ko nga daw kayong apat." Sagot niya kay Kea.
Oo nga pala pinsan ni Yuu si Yurice. Naging kababata ng una si Amber na naging asawa naman siya ng huli.
"So kaibigan ni H ang mag-asawa?" Tanong ko.
"Yes." maikling sagot ni Sonya.
"Pa-paano?" Dagdag ko pa.
"Dahil pareho silang nagtrabaho sa isang security agency. Naging butler ni Yurice si Amber. Now i know why they know each other." Patango-tangong sabi ni Yuu na nakahawak pa sa baba na parang may na realize.
*end of flashback
*****
Pagdating namin si hacienda ay medyo maliit lang ang tao dahil exclusive party nga daw ito.
Nagsimula na din ang party dahil tumutugtog na ang banda sa isang maliit na stage.
Medyo nakataas ito na tamang tama lang na makikita ng lahat.
Mga naka two-piece na mga kababaihan at trunks naman ang ibang boys.
Naging malikot ang mga mata ko para hanapin ang taong miss na miss ko na kahit kakahiwalay lang namin kanina.
"Thank you Sonya at dumating kayo." Bigla ako na palingon sa isang babae pumukaw sa kakahanap ko sa isang tao. Si Amber na kasama si Yurice. Perfect couple talaga sila na parehong dyosa sa ganda.
"Yes, we're helping my very own cousin to hunt someone." Pa smirk na sagot nito na nakatingin sa akin.
"Oh! Ang swerte naman ng tao na iyon at ang isang dyosang Leandra ang naghahanap sa kanya." Baling sa akin ni Yurice na nakangiti at nakipagbeso beso. Ganun din ginawa ni Amber.
BINABASA MO ANG
"My Vanilla"(COMPLETED)
RomanceLeandra Nicolette Conrad Lavoisier - kinaiinisan si H na isang mysteryosa, happy go luck, tambay sa condo niya dahil ayaw mag hanap ng trabaho. Dyan lang naman din daw siya na magpapakain sa kanya, but a talented one at walang ibang ginawa sa buhay...