V - 40

4.5K 126 0
                                    

Third Person's P.O.V


"Ayon sa imbestigasyon natagpuang patay ang isang lalaki sa sarili nitong sasakyan dahil sa maraming natamong bala sa katawan na mahigit kumulang dalawampo. Kinilala ang biktima na si Dr. Charles Kingston ng Brooklyn, New York at anak ng namayapang Duke of Urach matagal ng panahon ang nakakalipas at tulad ng sinapit ng mga magulang ay ganun ang dami ng balang kanyang natamo. Sinasabi din na posibleng iisang tao lang ang may gawa dahil umano iisang klase ng baril ang ginamit."

"Ayon pa sa balita, nahagip ng isang cctv malapit sa pinangyarihang krimen ang isang babae na naka bonnet at lahat ng kasuotan ay itim na walang humpay na binaril ang biktima na halatang ayaw buhayin ng suspek. Wala pa din matibay na evidence kung ano ang motibo ng salarin."

Iyan ang mababasa at mapapanuod mo sa lahat ng klase ng pahayag kahit sa internet ay kumalat ang balita sa buong mundo.

Pero di alam ng nakakarami, na ang tusong babaeng may gawa sa nasabing pamamaslang ay pa punta sa isang lugar upang makipagkita sa isang tao.

Tatapusin ang hidwaan sa pagitan nilang dalawa at iligtas ang babaeng pinakamamahal.

Many hour ago.....

Sa mansion ng mga Lavoisier ay natataranta ang mga ito dahil apat na araw ng nawawala si Leandra pero ang asawa niya ay prenting nakaupo lamang at malalim ang iniisip.

D'mo kababakasan ang mukha ng pag-aala or takot sa maaring kahinatnan ng asawa. Pero sa kaluob luoban nito ay paulit ulit tumitigil ang pagtibok ng kanyang puso dahil sa sobrang pag-alala sa babaeng pinakamamahal.


*****


Leandra's P.O.V



"Eric, ano ba ang naging kasalan ko bakit mo ako ipinakidnap?" Natatakot na ako dahil pakiramdam ko may iba siyang gagawin.

Narito kami sa diko kilalang kuwarto at nasa harapan namin ay isang salamin na parang interrogation room na may mesa sa gitna na may dalawang upuan.

Nakita ko ang mga lalaking dumukot sa akin. Mga sampu sila na mga mukhang goons at mabilis nilang napatay ang tatlong tauhan ni H na nagbabantay sa akin habang kinukuha ko ang gamit na aking nakalimutan sa kotse papasok sana hotel niya.

"Ano ba kailangan mo sa akin?" Pinanatili kong kalma ang sarili ko dahil mahirap na at baka ano pa ang gawin sa akin.

"Wala akong gagawin sayo gorgeous pero sa isang tao ay mayrun." Naka smirk na sabi nito. "Kinuha na niya ang lahat na mayrun sa akin. Kahit ang nag-iisa kong pamilya pinatay niya ng walang kalaban laban." Bigla siyang tumawa na parang baliw.

"Huwag mong sasaktan si H. Nagmamakaawa ako sayo. Ako na lang." Naiiyak na turan ko dahil ayaw ko masaktan ang taong mahal ko.

Dahil alam ko na siya ang tinutukoy nito.

Napaupo ako sa kama at tumingin sa kanya.

Tumingin din ito sa akin na mababanaag mo ang lungkot. "She killed my parents." Napasinghap at napapailing ako sa sinabi niya.

Hindi niya iyon kayang gawin.

"Hindi kayang gawin ni Hillarda ang pumatay basta basta Eric. Hindi ako naniniwala!" Sigaw ko sa kanya dahil nilugmok na ako ng emotion ko.

"Yes! She can!" Balik sigaw nito sa akin na ikinagulat ko. "Kitang kita ng dalawang mata ko paano niya binaril ang walang labang mga magulang ko sampu ng kanyang mga tauhan!" Akyat baba ang dibdib nito sa pagpupuyos ng kanyang galit. "She's the reason why my sister took her own life dahil may ibang mahal na pala ito."  Tumawa siya ng mapakla at sinipa ang wall. "And the other day, she killed my only brother, Dr. Charles." Pumatak ang luha ni Eric. Nais kong maawa sa kanya pero hindi ito ang tamang oras. "Ikaw ang magiging kabayaran ng lahat ng ginawa niya sa pamilya ko." Patango-tango pa ito na parang nakaisip ng bright idea. "I know any moment from now ay darating siya. Alam mo ba gorgeous?" Patuloy nito. "Minahal naman kita ee. Kaya imbes na mahirapan ka sa piling niya ay papatayin na lang kita sa harapan niya." Oh no! Baliw na siya. "Makita ko lang pagdurusa niya." Sabi pa nito habang pakumpas kumpas pa siya ng kamay sa harapan ko. "Magmamakaawa siya at magsisi sa lahat ng kahayupang ginawa niya sa pamilya ko. Tapos ikaw din babae ka." sabay sabunot sa akin na ikinatayo ko sa kama at napaaray na lang ako sa sakit. 

Ngumisi siya sa akin at akmang sasampalin niya ako ng dumating ang isang tauhan niya.

"Boss, she's already here." Sabi ng mukhang goons na malaking mama na eeww.

"Ok, ipasok siya sa kuwarto na iyan." Sabay turo sa mukhang interrogation room.

Napatakip na naman ako sa bibig ko dahil sa kanulos-nulos na kalagayan ng asawa ko.

Duguan siya at namimilipit pa din sa sakit na halatang sinaktan ng mga lalaking iyon.

"Pakawalan mo ang asawa ko Eric! Wag mo siyang sasaktan! Wala siyang laban! Please? Ako na lang huwag siya!" Sunod sunod na pagmamakaawa ko sa kanya dahil sa nakita kong kalagayan ni Hillarda.

"Paano ako maaawa sa kanya gorgeous?" Hinawakan ni Eric mukha ko sa may panga at pinisil nito ng mariin. Itinapan niya ito sa salamin. "Tingnan mo siya! Wala kang mababakas na takot sa mukha niya at ganyan ang mukha niya ng patayin ang mga magulang ko at iyan ba ang taong gusto mong kaawaan ko? Nagpapatawa kaba?" Tumingin ako ng mataman kay Hillarda. Tama nga siya......wala kang emotion na mababakas sa kanya. Tipong wala siyang pakaialam sa mga mangyayari. Oo at namimilipit siya sa sakit kanina pero iyong mga mata niyang kakaiba na halatang may nais itong gawin.

At nakakatakot ano man iyon.

Biglang niyang binitawan ang pananakit sa mukha ko.

Umalis siya at ang sunod na pagkakita ko sa kanya ay nasa kuwarto na siya kung saan matamang nakaupo lamang si H.

"Hello Hillarda." Sabi ni Eric at naupo ito sa tapat ni H. Naririnig ko ito dahil may speaker sa kuwarto na kinalalagyan ko at kitang kita ko ano ang magiging kaganapan sa kanila. Pero may nakabantay pa din sa akin na dalawang pangit na lalaki na nakakatakot ang mukha.

"What do you want? Say it so i can leave. Ang dami kong trabaho ng iistorbo ka pa." Walang emotion na sabi nito.

"Hahaha, you always amaze me Hillarda. D'mo ba kukumustahin ang so called asawa mo?" Patuyang sabi nito.

"I don't care Eric." What? Wala siyang pakialam sa akin?

"Hindi bebenta sa akin ang kunwaring wala kang pakialam sa kanya. Asawa mo siya at mahal mo." Tama ka Eric mahal niya ako at mahal ko din siya.

"Hahahahaha...." natawa ang mga kapreng pangit na ito kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Pwede ko bang patayin Eric iyang mga sumuntok sa akin kanina?" Sagot na lang niya kay Eric na nagpapacool. Tapos masama niyang tiningnan ang dalawang lalaking nasa likuran nito.



*****




Nicolette0810

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon