V - 11

5.5K 158 0
                                    

H p.o.v



"Hon punta tayo Batangas, please?" Pa cute na sabi sa akin ulit ni Rajul.

Kanina pa niya ako kinukulit na pumunta nga sa Batangas.

Napapayag din niya ako dahil may surprise daw siya sa akin.

Ang tinutukoy pala niyang surpresa ay isang private island for my birthday day kahit alam niya na hindi ko naman ito sinicelebrate dahil sa nakaraan ko. Yes, he bought that island for me para daw pag gusto ko mag pahinga ay may lugar akong pwede puntahan.

Inaaamin ko ang ganda ng gift niya sa akin. Pinagmasdan ko ito habang nasa dalampasigan kami. We arrived here because of his private chopper. Kahit ang aerial view nito ay napaka ganda.

Malawak ang helipad nito, at napansin ko din na may yatch sa isang quay. Mayrun din itong malaking modern house na gustong gusto ko ang design at alam ko na alam nito ang mga tipo ko pagdating sa external at internal designs.

Nag gagandahang pananim na may mga sari't- saring paru-paru kang makikita rito. Huni ng iba't ibang ibon.

May tree house din na malaki. Nakita ko ito mula sa himapapawid.

Marami ding cctv ang nakapalibot ayon sa kanya at sa buong island daw iyon.

May napansin din akong mga nakakulong na sampung Husky dogs na remote control ang ginagamit if gusto mo pakawalan ang mga ito.

For additional security daw. Alam niya kasi na mahilig ako sa mga ganun.

May nakakulong din na dalawang tiger. Hinati-hati niya sa buong island.

Ang mga pagkain naman daw nila ay may inuutusan siya para pakainin mga iyon.

Kilala ko naman kung sino ito. Isa ito sa mga tauhan ko na matagal ng naninilbihan sa akin.

Namangha ako ng tuluyan kaming maka pasok sa loob ng house. Ang laki at luwang.

Kumpleto ang pasilidad nito. May arcade dito. Parang lahat ng libangan ay dito mo makikita.

"Wow! This island is so fantastic hon. Lahat andito na.We can rest here you know, especially you." at makahulugan akong tumingin sa kanya.

"Ang ganda talaga." Pagpapatuloy ko. "Thank you so much for the love and care na ibinibigay mo. Hahaha nakakatawa hon nuh?" Paos ko na sabi dahil pakiramdam ko parang biglang may bumara sa lalamunan ko. "Imbis na ako ang mag alaga sayo pero kaw pa nag-aalaga sa isang gaya ko." Naiiyak kung turan dahil sa kabila ng lahat ako pa din inaalala niya.

"You know how much i love you. I care for you. I'll do everything to make you happy. Ipinangako ko sayo dati pa na gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. This is all yours hon." Hinawakan ang dalawa kung kamay at hinalik halikan mga iyon.

"Baka may kapalit ito ha?" Pinaningkit ko mga mata ko para ma iba ang mood dahil sa tuwing maalala ko na mawawala na siya sa akin ay naiiyak ako.

"Hahaha ang kapalit lang naman iyan ay maging masaya ka dapat at iyong pangako mo sa akin ay d'mo kakalimutan." Tumingin siya sa mga mata ko, tas bigla niya ako tinusok sa aking tagiliran na dahilan ng harutan namin.

Ang swerte ko sa kanya.

Masaya ako kasi nakilala ko ang isang tao na gaya niya.

Masasabing masuwerte ako sa pamamagitan niya.

Siya ang ikalawang taong pinahalagahan ko ng ganito.

*****

Pabalik na kami sa Maynila dahil sa request ko na din.

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon