V - 42

5K 151 1
                                    

Leandra's P.O.V

I slightly open my eyes para makita ko ang dalawang taong mahinang nagtatalo.

"Pag-iyan pumalpak lagot ka talaga sa akin Athena!" Gigil ni H. Yes, sila ang nagtatalo na iwan ano pinagtatalunan nila. "Sa kangkongan ka pupulutin at kahit asawa ka pa ng pinsan ko."

"FYI, baka nakakalimutan mong pinsan ko din ang asawa mo." Gigil din na sagot ng isa. "Diko talaga malubos maisip kilan pa kita naging kaibigan. Napakabruha mo kahit kailan."

"Pwede ba? Gusto mo ipaalala ko sayo na ikaw ang makulit na lumalapit sa akin kahit ayaw ko naman."

Teka diko sila maintindihan. Ano ba pinaglalaban ng bawat isa. Kaya imbes na magmulat ako ng tuluyan ay ipinikit ko ulit mata ko.

"Hoy! Para sa kaalaman mo. Naaawa lang naman ako dati sayo dahil halos patayin mo na ang sarili mo."

"At para din sa iyong kaalaman, kahit kailan diko binalak na mag suicide nuh! I can kill people but i never try to kill myself kaya. Duh!"

Hala, may kaartihan pala ang boses ng asawa ko. Napa smile ako ng kunti sa aking isipan.

"Ah basta! Kung ayaw mo maniwala sa akin malalaman natin iyan one of this days naman ee. Kung walang mangyari you can do it naman ulit diba?"

"Siguraduhin mo lang iyan dahil iyang katusuhan mo ay alam mong walang epekto sa akin. Ilang araw na akong naghihintay gaga ka."

"Oo nah, makagaga naman ito. Basta maniwala ka sa akin dahil pag hindi maging successful ang IVF na iyan sa asawa mo ay magdodonate ako. Hahaha"

Bigla kong naimulat mga mata ko dahil sa sinabi ni Sonya. "Whaaaattt?" Malakas na tanong ko. Dahil alam ko naman ang ibig sabihin nun dahil iyon iyong ginawa ni Sonya kay Kea.

"A-ah eh hehehe, hi my wife. How are you?" sabay kiss sana niya ako kaso umiwas ako at masama ko silang tiningnan na dalawa.

"Ay! Kanina na pala ako tinatawag ng asawa ko." Tarantang sabi naman ni Sonya at tipong aalis ng batuhin siya ni H ng unan. "Uy walang ganyan naman besh. Mag didi ako este! Paiinumin ko pa ng gatas ang baby jake ko. Alam mo naman naglilihi asawa ko kaya baka ma salvage ako wala sa oras." At walang paalam na lumabas na ng tuluyan sa pinto.

"Kailan ko pa iyon naging besh? Langhiya iniwan ako." Bubulong bulong na sabi ni H papunta sa pintuan.

"Sige, buksan mo ang pintuan na iyan at umalis kana at kahit kailan wag kana magpakita pa sa akin bwesit ka!" Sigaw ko dito dahil lalabas siya na dipa nagpapaalam or nagpaliwanag bakit nasa kuwarto ako ng mansion namin at iyong usapan nila ni Sonya.

Bumangon ako at sumandig sa headboard ng kama.

"A-ay b-buwesit na pintuan na ito bakit di malock." Natataranta niyang sabi niya. "Nilalock ko lang mahal kay baka makawala ang tigre este! may makapasok na tigre." Kahit galit ako ay pinigil kong mapangiti dahil para siya natatarantang ewan. Takot din pala ee. Kaya ng humarap siya sa akin ay pinagsalubong ko mga kilay ko.

"Sinong tigre?" Medyo mataray na tanong ko dahil alam ko naman na parang ako ang tinutukoy niya.

"Ay, iyong mga alaga ko mahal sa Isla baka kako nakarating dito." Tukoy niya sa Isla na gift sa kanya ni Rajul.

"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon