V - 30

4.8K 151 3
                                    

Leandra's P.O.V

Nasa office ako now at nakatitig lang sa kawalan.

Isang linggo ng diko nakikita si Hillarda.

Miss na miss ko na siya.

Kailangan ko siyang makita.

Saan ba nag susuot isang iyon.

Ipinahanap ko naman din at tumutulong din sina Sonya kahit parang may galit siya sa isa na diko alam.

Pati si Kea ay diko na din alam ano nangyayari sa kanya.

*tok! tok! tok!

"Come in."

"Miss Lee, may naghahanap po sa inyo." At pinapasok na ni Mitch ang isang tao at iniluwa doon si Eric.

"Hey gorgeous!  Can i invite you for a lunch?" Sabay kiss sa cheeks ko.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at lunch time na pala ng diko namamalayan.

"Ok lets go!" Sabay hablot sa pouch ko.

"Wait miss Lee...." pigil muna sa akin ni Mitch. "Babalik po ba kayo maya?" May pag-alala akong nakita sa mga mata niya.

"Hindi na dahil may meeting pa ako with atty. Ramirez." Sabay hila kay Eric. "Ikaw na lang bahala dito at tawagan mo lang ako pag may importanting bagay."

"Yes miss Lee and take care." Narinig ko na sabi ni Mitch ng papunta na kami sa elevator. Diko maintindihan bakit niya iyon nasabi.

Pero nawala din sa isip ko si Mitch dahil maya maya may mga tanong ako kay atty. Ramirez na mahalagang bagay.

"Hey gorgeous are you ok?" Nasa sasakyan na pala kami ni Eric ng diko namamalayan.

"Yah! So saan mo ako balak pakainin?" Lingon ko dito na nakangiti.

"Well, saan mo gusto?" Sabi nito habang hindi inaalis ang tingin sa kalsada. "Pero balita ko may bagong bukas na Japanese restaurant at masarap daw ang kainan nila doon."

"Ok! Subukuan natin dun at total nag c-craving naman ako now ng Japanese food." Hyper na sabi ko.

"Magugustuhan mo dun gorgeous." Sabi ng isa sabay wink sa akin na ikinapuno ng tawanan namin sa loob ng sasakyan.


******


Hillarda's  P.O.V

Nagugutom na ako kaya dali dali akong naghanap ng isang Japanese resto sa malapit at buti mayrun.

Oo nga pala di pa pala ako nakakauwi dahil pag gising ko kahapon ay nasa isang Island ako sa Batangas na ipinagtaka ko bakit ako andun. Gutom na talaga ako.

Umupo ako sa may sulok at humarap sa may pintuan. Wala din gaanong bakante dahil maraming customer ang nasabing kainan. Sabagay lunch time.

Dumating ang inorder ko at tamang tama nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko ng makita ko ang dalawang tao na masayang nagkukulitan papasok sa loob.

Ang sweet nila sa isa't isa.

Tsk!

Walang forever maghihiwalay din kayo.

Bitter kung sabi sa aking isip.

Napatingin naman ang dalawang tao sa akin na biglang napahinto sa kulitan at sa akin sila tumutungo.

Nakilala ko silang pareho.

Ang ipinagtaka ko ano ang ginagawa dito ni Eric sa bansang ito?

Bakit niya kasama ang asawa ko?

I hate this feeling.

I really hate people.

Galit ako sa babae na ito.

Bakit sila magkasama?

Arggghhh!

Bakit ko ito nararamdaman?

Ang bilis ng tambol ng puso ko.

Oo, inaamin ko noong nakita ko siya ng magising ako ay nagandahan ako sa kanya. The way she checked me out. How she bite her lips. The way she look at me. Her sexy body. But, ang higit na naka capture ng aking pansin ay iyong magaganda niya mga mata.

Kulay berde na para akong hinahatak pa punta sa kanya.

Mas higit ito sa naramdaman ko dati kay Stephy.

Naalala ko na naman siya. Pareho sila. Na hindi natatakot sa akin. Pero hindi pwede ito. Mapapareho lang siya sa mga taong mahal ko pero iniwan din ako.

Magkasama sila ni Eric na ayon kay David ex-boyfriend niya ito. Baka nagkabalikan sila. Hmp! Pakialam ko ba. Wala akong pakialam sa kanya. Pero hindi din pwede di ako makialam dahil kilala ko si Eric at dipa ako tapos sa isa na ito.

Ehh! Na naman?

Masakit ulo ko.

Wag ngayon!

******

Leandra's P.O.V

Pagpasok namin habang nagkukulitan ay inilibot namin ang aming paningin dahil maraming tao sa loob at di din kami naka pa reserve.

Hanggang sa napako ang aking paningin sa nagpapabilis ng aking puso at nagpabagal sa aking mundo.

Wala sa sariling nagalakad ako sa kanya.

Miss na miss ko na siya. Sa wakas nakita ko n din siya.

Habang palapit kami ng palapit ng mapansin ko na napahawak siya sa sintido nito. Nag alala ako bigla.

Nakikita ko ang deep ocean grey eyes na punong puno ng lungkot. Hindi na nga niya maitago ang lungkot at diko alam bakit parang gusto ko siyang yakapin dahil ibig sabihin malungkot siya ngayon.

"H-hi!" Damn! Bakit ako nabulol. Ngayon ko lang naalala na ganito ang kanyang mga mata ng makita kami sa parking lot. Diko lang napansin dahil mas nanaig sa akin ang makita siya at iyong marinig ko na galit na galit siya. Tapos ang dahilan lang pala ay isang daga. Bigla akong natawa sa aking isipan ng maalala ko paano siya magtago sa likod ko.

"Oh! Hi Hillarda." Sabay hila sa akin ni Eric na umupo sa table ng isa kasi pang apatan ito. Siguro ito lang ang bakante kanina pag pasok niya or baka may hinihintay ito. "Makikiupo kami sa tabi mo. Btw, magkakilala pala kayo gorgeous ni Hillarda?"

Wala man lang imik itong kinakausap namin dahil patuloy pa din ang pag subo sa kinakain.

Bago pa ako makapag salita ay tumayo na itong kaharap namin at nag sign ng check sa waiter.

"She's the one who'll pay my food." Sabay turo sa akin na nashocked. Tapos binigyan ako ng death glare at lumabas na.

Ako naman ay nganga.

"Ang ganda talaga niya." Sabi ko sa isip habang nakatanaw sa papalabas na tao.

"Eric, mag order ka na ng food natin may kakausapin lang ako." Kaya sinundan ko na ang isa.

I missed her so much at d'mo ako matatakasan mahal.

Asawa mo pala ako kaya humanda ka.

******

Nicolette0810


"My Vanilla"(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon