Leandra's P.O.V
Sabado at dito na naman nakikitambay ang apat. Nahawaan na ata sila ni H sa pagiging tambay nila sa unit ko.
Mas madalas na dito sila natutulog nitong buwan na ito. Tapos ang kukulit. Akala siguro nila magbibigti na ako. Mga baliw talaga.
"Leandra! Leandra!" Sigaw ni Cloe sa akin habang na nunuod ng balita. "Guys come here!" Sigaw pa nito at dali dali din kami pumunta sa buwesit na ito kung makasigaw akala mo nakakita ng multo sa TV.
At lahat kaming tinawag niya ay napasinghap at gulat na gulat sa nakita sa TV na para kaming nakakita ng taong bumalik sa hukay.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng diko alam ang dahilan.
Ayon sa balita ito ang pangalawang beses na ipakita nito sa media ang mukha at ang una ay kahapon sa France na sinasabing pupunta nga ito ng Pilipinas.
Dumating nga ito sa bansa ang pinaka mayamang babae sa buong mundo.
Isang dutchess mula sa Germany na nangangalang Hillarda Thunder Karlsson Blanchard.
Anak ng isang duke ng Germany at air force heneral ng USA.
Ayon pa sa ulat ang parents nito ay gay couple.
Kaya narito daw siya sa bansa upang dalawin ang kanyang mga ari-arian na pinamamahalan ng isa sa kanyang mga pamangkin sa ikalawang pagkakatao na ayon mismo sa kanyang pahayag.
"A goddess, lawyer in profession, mysterious one and multilingual woman. Ni hindi siya nagpapakuha ng larawan at pinipigalan lumabas ang mga larawan sa kahit saan na media. Utak sa lahat ng mga bagay at mga pamangkin lamang ang pinapagalaw. Kahit mga pamangkin ay mga mysteryosa dahil wala gaanong nakakakila sa kanila." Mahabang sabi ni Sonya na nakakunot ang noo. "Bakit magkamukha sila? Hhhmmmm....But nothing is impossible in this world." Patangu-tangong pagpapatuloy ni Sonya.
At may bigla siyang tinawagan sa phone.
"Hello Youie." sabi niya agad sa phone.
"Come in Leandra's unit now!" Maawtoridad na sabi nito sa kausap.
Oo, para silang pinagbiyak na bunga sa pagiging magkahawig nito. Pero ang babaeng napapanuod namin now sa tv ay isang dyosa na ang layo layo ng mga kasuotan at galaw kay H. Napaka seryuso ng mukha pero isang sopistikadang babae na mahihiya sino man ang lumapit dito.
Kahit sa pananalita ay magkaibang magkaiba sila. Kung malamyos ang boses ni H ay ganun din siya at may european accent ang boses nito.
Ang pagkakaiba nila ay may pagka blonde ang buhok ni Hillarda, while si H brown na mas malapit sa burgundy. Gray eyes mayrun sa una, at contact lens naman ang huli.
Bigla akong napasinghap ng mazoom ang mukha nito sa tv at na focus sa kanyang magandang mukha lalo na sa mga mata nito na kulay abo.
"Siya iyong babaeng nakabungguan ko at nagnakaw ng first kiss ko 7 or 8 years ago." Sabi ko sa isip.
"Ano?!" Sabay sabay nilang sabi.
Napalakas pala ang pagkakasabi ko.
Kaya ikinuwento ko na lang sa kanila iyong dating banggaan namin at napapanaginipan ko ito ng paulit-ulit.
"Di kaya si H talaga iyan." Kuha ng attention ko na sabi Yuu. "Imagine guys always naka contact lens si H at pwede magpakulay ng buhok." Dagdag pa niya.
"Paano mo maipapaliwanag na sa harapan natin namatay si H?" Tanong naman ni Cloe.
"Di natin nakita ang pagkaka cremate nito." Parang siguradong sabi niya.
"Pero tiningnan naman natin na wala na siyang buhay diba? So how come?" Dina nakatiis na tanong ni Kea.
"Pinaimbistigahan ko si Eunbin at ang lumabas ay anak siya ng Hillarda na iyan." Sabi ni Sonya pero ang mga mata ay naglilikot.
Binaliwala ko na lang ito.
"Akala ko ba pamangkin siya ni H?" Tanong ko sa kanila na parang may something akong naramdaman na kakaiba sa kaluoban ko.
"So, ibig sabihin maaari siyang kakambal ni H?" Sabi naman ni Cloe.
"Ayon sa balita kuya ang mayrun kay Hillarda at mga pamangkin." Sagot ni Yuu sa asawa.
"Or pamangkin niya ito?" Confused din na sabi ni Kea.
"Or maaaring siya." Sabi ni Sonya na ikinadagundong ng dibdib ko ulit. "Never kong nakita ang tunay na kulay ng kanyang mga mata." Dugtong pa niya.
Diko alam kung kaba ba itong nararamdaman ko bigla na baka hindi siya or pag-asam na maaaring tama si Sonya.
At biglang may nag doorbell sa unit ko at ang napagbuksan ni Sonya ay si kuya Youie na kanina pa namin hinihintay.
Dipa nakakaupo ng maayos si kuya Youie ay agad agad na siyang tinanong nito.
"Who's Hillarda?"
"Alam ko napanuod na niyo ang balita. Pero kahit ako hindi ko alam ano relasyon nila ni H." Sagot niya.
At bigla siyang kiniwelyuhan ni Sonya. "Wag mo ako pinagluluko dahil alam ko na pinsan mo si H." Galit na sabi ni Sonya.
Nagulat kami na magpinsan pala sila ni H.
"Second cousin to be specific. Her mother is our mother's first cousin." Baliwalang sabi ni Kuya Youie.
"Kilala mo si H pero d'mo man lang sinasabi sa akin?!" Di makapaniwalang sabi ko at lumingon ako kay Kea.
"Even me i don't know." Sabi niya na di din makapaniwala.
"Ayaw niyang ipasabi at iginagalang ko iyon." Sabi nito. "Hanggang doon lang ang alam ko. Si Rajul ang mas nakakakilala sa kanya ng lubusan. Never ko nakita ang nanay niya. At hindi siya mahilig mag kuwento sa buhay niya. Nagpaimbestiga na din ako ngunit walang makuhang impormasyon tungkol sa kanya. Kaya ang tangi ko na magagawa ay igalang kung ano man ang itinatago niya." Mahaba nitong pagpapatuloy.
Diko na napigilan ang mga luha ko sa mga pisngi at lumapit sa akin si kuya Youie at pinunasan ito sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"I'm sorry baby," sabi na lang nito.
"Aalamin natin ang pagkato ng Hillarda na iyan kung ano ang ugnayan nila sa isa't isa." Biglang sabi ni Sonya na nakangiti.
"Yes baby, tutulong ako para hindi ka na p'praning." Biro naman ni kuya Youie at nagkatawanan na lang kami para mabago ang ambiance ng condo ko.
Pero paano nga ba kung siya si H?
Bakit hindi niya ako pinuntahan?
Ano ang totoong nangyari sa kanya?
Pa-paanong kung hindi siya?
Ano ang gagawin ko?
Mga tanong sa aking isipan na kailangan mahanapan ko ng kasagutan at alam ko na tutulungan nila ako.
*****
Nicolette0810
-unedited
BINABASA MO ANG
"My Vanilla"(COMPLETED)
RomanceLeandra Nicolette Conrad Lavoisier - kinaiinisan si H na isang mysteryosa, happy go luck, tambay sa condo niya dahil ayaw mag hanap ng trabaho. Dyan lang naman din daw siya na magpapakain sa kanya, but a talented one at walang ibang ginawa sa buhay...