Chapter 12

2K 66 0
                                    

Hannah Nicole POV

"San ba tayo pupunta?" tanong ko kay Sir Dave

"Ewan ko dito kay James, biglang nagyaya" sabi nya

"Hayy, wala pa namang bantay yung bahay ko" sabi ko

"I send my bodyguards there" sabi ni Sir Tristan

Nakita ko ang sign na wait..........

"Pupunta tayo sa dulo ng Pervades?" tanong ko

"Yeah, ako ang nakabili ng resort na yun"

Samin dati yun eh, baka nandun pa sila Nanay Jen at Tatay Brando, sana nga.....

"You look so excited, what's with your reaction?" nakangiting tanong ni Miss Cassandra

"Samin po kasi yun dati nung nabubuhay pa sila Mommy" sabi ko

"I remember na dinala mo kami dun"

Napalingon ako kay Dylan "Kayo pa ni Kevin nun" dugtog nya at tinignan si Kevin na katabi nya

Tumango ako at nagiwas ng tingin "Tour mo ako, Hannah" sabi ni Sir Samuel

Napakurap ako ng dalawang beses at sumandal sa balikat ni Sir Dave. Pinikit ko ang mata ko at hinayaan na makatulog ako

****
-AFTER 3 HOURS-

Napangiti ako ng humampas ang hangin sa katawan ko. Agad akong dumiretsyo sa tubig at kumuha ng shells

"Naku, Nicole iha!"

Napalingon ako sa lumingon sakin at agad na tumakbo papunta sa kanila at niyakap sila ng mahigpit

"Namiss ko po kayo ng maraming marami" sabi ko bago kumalas sa kanya

"Kami rin, anak. Ang ganda mo parin, anak. Tagal mo ng hindi nakabisita dito" nagtatampong sabi ni Nanay Jen

"Nay, busy po ako sa trabaho. Buti nga po mabait yung boss ko eh" sabi ko at napangiti

"Naku, itong batang to. Sabik na sabik ang kapatid mo na makita" sabi ni Tatay Brando

"Nasan nga pala si Kuya Julius?" tanong ko

"Nay! Tay!"

Napalingon ako sa likod ko at napangiti. Kita kong nanlaki ang mata nya at tinignan ako ng masama habang palapit sakin

Lumapit din ako sa kanya at ng tumigil sya sa harapan ko ay........

*bog*

"Aray!" daing ko at hinawakan ang binatukan nya

"Masakit yun" sabi ko at pinalo sya ng malakas sa braso

"Nakakainis ka, Ate. Ngayon ka lang dumalaw" sabi nya at niyakap ako

"Kuya, makapagdrama eh. Namiss din kita" sabi ko at niyakap sya pabalik

"Ate, tagal mong hindi dumalaw. Gusto mong pasabungin ko yang bahay mo para dito ka magstay samin" banta nya at kumalas sakin

Hinalikan ko sya sa pisngi at napangiti "Tumatangkad ka, Kuya. Gwapo ka na din, yeah level up" sabi ko

"Syempre, gwapo naman talaga ako eh" sabi nya na kinairap ko

"Joke ba yun?" sarkastikong sabi ko at napapoker face

"Pero seryoso, namiss kita ng sobra" sabi nya at nilampasan ako

Bastos talaga!

Napailing ako at tinignan sila Sir Dave na nakatingin sa direksyon namin "Uyy! Kevin!"

Napalingon ako kay Julius at nakita kong nagyakap sila ni Kevin pero agad ding kumalas "Kasal na ba kayo ni Ate Nicole? Sabi mo kasi kapag bumalik kayo dito kasal na kayo eh" sabi ni Julius

Napakurap ako ng dalawang beses "Kuya, wala na kami" sabi ko at nagiwas ng tingin

"Ano?! Late ata ako sa balita?! Kevin naman, ang hina mo sa Ate ko. Pormahan mo ulit, sasagutin ka ulit nyan"

Napairap ako sa sinabi ni Julius at tinignan si Sir Dave at Dylan na napapailing "Uyy, pareng Kevin magsalita ka naman. Nahihiya ka nanaman eh" sabi ni Julius

"Julius, tumigil ka na" sabi ko at kinuha ang maleta ko

"Pero Ate..........."

"Tumigil ka na, Julius. Wala na kami ni Hannah" sabi ni Kevin

"Sayang, boto pa naman ako sayo para kay Ate Nicole. May bago ka na bang girlfriend, Kevin?" tanong ni Julius

"Wala"

"Edi pwede pa kayo ni Ate. Diba wala ka pang boyfriend, Ate?" tanong ni Julius

"Meron"

Humarap ako sa likod ko at napaiwas ng tingin "I'm Hannah's new boyfriend, Mr Dela Cruz" sabi ni Sir Tristan

"Boss James? Kayo pala, kamusta po? Ate Nicole, sya nga pala ang Boss ko" sabi ni Julius

"Secretary nya ako, Julius" sabi ko

"Talaga? Parehas pala tayo ng Boss" sabi nya at awkward na ngumiti

"Sige, Ate. Una na ako, Kevin, Boss sibat na ako" sabi nya

"Ingat ka, Kuya. Tanga ka pa naman" sabi ko at napangiti

"Ikaw din, Ate Nicole. Ingat ka, baka tamaan ka ng malakas na alon" sabi nya bago umalis

Bastos yung batang yun ah!

Napawi ang ngiti ko at tinignan si Sir Tristan "Dapat hindi mo na sinabi sa kanya yun" sabi ko at nagiwas ng tingin

"I know we are not okay but please, Hannah. Let this make it up to you kaya kita dinala dito para makita mo sila" sabi nya

"So, peace offering to? Hindi ko naman kailangan nun kasi hindi ikaw ang may kasalanan, pero yung ginawa mo kahapon sa office. Hindi ko matatanggap" sabi ko at tinalikuran sya

Sumunod ako kila Sir Dave at napabuntong hininga

Ano bang nangyayari sakin? Wag mo sabihin nafa-fall na ako sa kanya? Ano ba, Hannah Nicole?! Kahit kailan talaga sira-ulo ka!

Nagseselos ba ako? Hayyy! Ano bang dapat kong pagselosan? Wala naman kasi wala talagang kami, kaya hindi na ako aasa

My Vampire BossWhere stories live. Discover now