Chapter 45

1.6K 38 2
                                    

-3 MONTHS LATER-
Third Person POV

Biglang nakaramdam si Hannah ng pananakit ng kanyang tiyan. Fully develop na ang bata sa kanyang tiyan, sabi ng kanyang doktor ay pwede na syang manganak anytime

"Tristan...." tawag nya sa kanyang asawa na nagluluto ng kanilang tanghalian

"Hmmm?"

"Tristan....."

"Yes, wife?"

"Tristan James Smith! Ang sakit! Manganganak na ata ako!" sigaw ni Hannah sa kanyang asawa

Dali daling pinatay ni Tristan ang kalan at binuhat ang asawa paakyat ng kaninang kwarto

Hiniga nya ito sa kama at agad namang dumating si Doktora Yna kasama si Kevin na nagaassist sa kanya

"Breath in, breath out. Calm down, Hannah" sabi ni Yna sa kanya

Sinunod naman ito ni Hannah

"Tristan" tawag ni Zen kay Tristan at agad naman itong lumapit sa kanya

"May paguusapan tayo...............tungkol sa kapatid" seryosong sabi nito

----

Napailing si Tristan at sumandal sa pader "H-hindi pwede"

"Yun ang totoo, Tristan. Kailangan magbuwis ng buhay para sa kanilang dalawa ni Luna" sabi ni Paris

"I'm sorry, ngayon lang namin sinabi sayo. Naduwag kami, baka kapag nalaman mo. Magpanic ka, ayokong maapektuhan ang pagiisip mo. Gusto kong magfocus ka sa pag-aalaga sa kapatid ko" sabi ni Zen

"Nakahanap kami ng handang magbuwis ng buhay para sa kanila" sabi ni Alenna

"Sino?" takang tanong ni Tristan

"Ako"

Lumitaw ang isang bulto ng babaeng na nakangiti ngunit napalungkot ng mata "Ako si Ellen, namatayan ako ng parents at nawalan ng boyfriend kaya mabuti pang mamatay na ako. Nakikita kong mahal mo ang asawa ko, buti ka pa may minamahal at may nagmamahal. Gago kasi ang boyfriend ko at iniwan nya ako" sabi ng dalaga at nagumpisa ng tumulo ang luha

"Sorry ha? Emotional nanaman ako. Kapag nakita ko talaga yang ex ko, puputulan ko yan" inis na sabi ng dalaga at pinunasan ang luha

"Ellen? What are you doing here?"

Agad na napalingon ang lahat sa gawing kanan at dali daling lumapit ang dalaga kay Matthew. Sinuntok nya ito sa mukha dahilan para tumalsik ito sa pader

"Walang hiyang kang lalaki ka! Lumayas ka dito! Wala kang kwenta! Dun ka na sa babaeng mong mukha bisugo parehas kayong dalawa. Magsama kayo!" sigaw ng dalaga kay Matthew habang sinusuntok ang dibdib nito

"Ellen, I told you she's nothing" sabi ni Matthew at hinawakan ang pamulsuhan ng dalaga

"Manloloko ka! Bitawan mo ako! Napakawalang hiya mo!" sigaw ni Ellen

****
-AFTER 4 HOUR-

"Hindi na kailangan ng buhay para sa kanila? Sandali, ayoko ng mabuhay" sabi ni Ellen

Biglang may lumitaw si Prinsesa Uee na nakangiti sa kanila "Salamat sayo, Ellen ngunit nalaman kong ang kaluluwa ko ay makapangyarihan"

Biglang napatalon ang lahat sa gulat "Uee naman, nakakagulat ka" sabi ni Alenna na nahawak sa dibdib nya

"Pasensya na. Matatahimik na ang kaluluwa ko, tapos na ang misyon ko sa mundo. Oo nga pala, pakisabi sa ama mo Tristan James na maraming salamat at paalam. Paalam sa inyong lahat" sabi ng Prinsesa at agad ding naglaho

Pumasok sila sa kwarto nila Hannah at nakita nila na tahimik na nakasandal sa headboard si Hannah at nakakrus ang braso sa dibdib

"Wife......"

Nilingon sila ni Hannah at ngumiti. Lumapit sila at umupo sa gilid ng kama

Biglang sinampal ni Hannah si Tristan habang masamang nakatingin dito at handa ng sunugin ang kanyang asawa

****
Luna/ Hannah Nicole POV

"Did I do something wrong, wife?" tanong ni Tristan sakin habang yakap ang bewang ko

"Malaki" tipid na sagot ko at tinanggal ang braso nya sa bewang ko

Hinarap ko sya at kinwelyuhan "Walang hiya kang malalaki ka! Hindi ka na makakaulit! Alam mo ba kung bakit ang sama ng loob ko sayo ng abnormal ka? Alam mo ba kung ilan yung anak mo ha? Tatlo yun! Ikaw kaya manganak ng tatlo, tignan natin kung anong mangyari sayo?! Nakakainis ka! Kapag binuntis mo ako ulit! Sinasabi ko sayo, ihanda mo na ang kabaong mo!" sigaw ko sa kanya at tinulak sya

"Triplets? We have triplets?! Damn it!" sigaw ni Tristan at hinalikan ako ng mabilis sa labi

Nagdiwang pa ang hayop na to! Ikaw kaya manganak ng tatlo! Sapakin kita eh

"Thank you, wife" sabi ni Tristan na may malaking ngiti sa labi

Napangiti ako at marahang pinisil ang ilong nya "Wag kang mag-thank you, ikaw ang may gawa nun" sabi ko at inirapan sya

"Sungit mo naman, asawa ko" sabi nya at sumimangot

"Hindi ka na talaga makakaulit" sabi ko at inirapan sya ulit

"Three is a perfect number, wife" sabi nya

"Alam ko, kulit"

"I love you, wife"

Napatingin ako sa kanya at niyakap sya "Sorry ha, nagalit ako sayo" bulong ko sa kanya at pinikit ang mata ko

"Edi makakaulit ako?"

Tinulak ko sya ng marahan "Hindi, hangga't hindi ko sinasabi" sabi ko at inirapan sya

Bahala ka sa buhay mo, ikaw kaya ng magdala ng tatlong bata at manganak. Masakit kaya

My Vampire BossWhere stories live. Discover now